image
kesi's blog
image image image image
Friday, January 18, 2008

hell-like week [pre-ymsat: jan. 12-18]


aba...achievement yata 'to. ngaun lang ulit ako nakapag-blog. palibhasa heller than hell week nga itong hell-like week...

jan. 12: naglinis ng bahay kasi darating ang ibang cherubs ng 1 pm para magpractice para sa debut ni ate rasziel...matagal kaming nagkantahan ng diary of dickinson, seasons of love, at ng breakaway. may mga breaks naman...kainan, nood ng tv [kakasa ka ba sa grade 5], picture-picture, at kunganu-ano pa. masarap kumain ng macapunong dala ni ate mariel, ng goldilocks na dala rin ni ate mariel na mas gusto ni kuya carl kaysa sa smidgets ni tintin, at ng rebisco butter sandwiches namin. :D

jan. 13: pagkagising ko, sobrang sinisipon na ako. ewan ko nga ba kung bakit. nag-ayos ako ng gamit at nag-time management. 8:30 sa sunken garden para sa cancer awareness day stuff ng cherubs pagkatapos, magsisimba from 10-11 sa up chapel, at pupunta sa pisay para sa socsci project. kapag malapit nang mag-1, pupunta ako sa mcdo tabi ng ever para makipagmeet sa iba pang cherubs n magp-practice sa bahay nina ate joy, at kapag magsisimula na ang debut, aalis na kami nang sabay-sabay. ang nangyari nga, nag-impake ako ng aking kiddie outfit na sinukat ko pa nung gabi ng jan. 12 at ng mga materials para sa project-making sa socsci, nag-breakfast, nag-toothbrush at naghintay para sa mababagal kumilos. late tuloy kaming dumating sa sunken garden. buti na lang hindi pa nagsisimula ung program nung 8:30 na. nakatayo lang sila sa "stage". pumwesto na rin kami nina ate joanne at liz sa "stage" at naghintay sa pagdating ng mga cancer-survivors mula sa kanilang pagtakbo sa carless oval [?]. pambansang awit, umaga na, at bata ang bukas. halos di ko na narinig ang sarili kong boses habang kumakanta sa harap mismo ng speakers na nagpapatugtog ng plus-one. baka dahil na rin siguro sa sipon ko. matapos kumanta, pinapila kami para sa pagkain: tig-iisang bagong pag-asa ensaymada na katulad ng baon ko nung grade 3, lagi kong ibinibigay sa mga kaklase ko, at isang boteng iced tea. kumain kami habang nakaupo sa banig na inilatag sa sahig at nanood sa magic tricks ni amazing arnold. naku naman si ate joanne. pati ba naman kay amazing arnold, tinukso ako. eniweiz...masaya ung magic tricks niya...may pagka-religious. dahil dun, parang unique cya. ang cool ng microphone niya na nag-iiba ng boses ng nagsasalita. cyempre, cool din ang magic tricks niya...lalo na ung huhulaan kung anong card ung pinili galing sa isang deck tapos idodrawing at papagalawin niya. mahirap i-explain nang maayos pero cool talaga. matapos ang panonood sa magic tricks, umalis na kami nina mami, dadi, ate joanne, at liz para magsimba sa up chapel. nakita namin doon sina tintin at joanna na nauna nang umalis kaysa sa amin mula sa sunken garden at hindi na nakapanood ng magic tricks ni amazing arnold. lumipat kami ng pwesto kasi masyadong mainit sa lumang pwesto [ung malapit kina tintin]...dun sa column ng chairs na kaharap talaga ng pari. so...nagmisa nga kami. ang cute nung mga bata sa harap ng altar na nagsasayaw habang kumakanta. natandaan ko tuloy ang 1st communion ko dun din sa up chapel...naka-palibot pa kami noon sa harap ng altar. :D pagkatapos ng higit sa isang oras na misa, bumili kami ng dirty ice cream at pumunta ako sa revo para mag-lunch dahil pupunta nga ako sa pisay. pero, sabi ni dadi, dapat mabilis lang ako sa pisay para makapagpahinga naman. so...pagdating sa pisay, halos nilibot ko na ang buong shb, nasa gazeebo lang pala sina zaldy at dianne co. binigay ko lang ung materials na dala ko saka umuwi. pagdating dito sa bahay, pinrint ko ung chem probset na kailangan ko pang icram sa gabing darating. nag-ayos na rin ako ng mga gamit na dadalhin sa pisay sa susunod na araw. 1:30 na yata kami nina ate kitel at ate joanne umalis dito sa bahay. pagdating tuloy namin kina ate joy, nangulit pa si kuya gabby kung bakit kami late. hehe. pero pagdating naman namin dun, nagku-kwentuhan lang sila. tulad ng practice namin dito sa bahay, patigil-tigil din ang pagkanta. nakakainis at bahing ako nang bahing. kumain kami ng munchkins ni tintin [aww kuya carl...wala si ate mariel para mamigay ng goldilocks...] at ng junk food at softdrinks. may picture-picture din si king walter at ang kanyang mga jalalays. hehehe. ang kulit. nung mga 4:45 na, nagbihis na kami ng aming kiddie costumes. si tintin, naka-sunday dress, pigtails. ako, naka-jumper, pigtails. si ate kitel, maong na dress na ewan, inayusan ko ng buhok na mukhang palm tree [nasa tuktok ang tali]. si ate joanne, korni. tshirt at pants lang tapos pigtails. sina kuya carl at walter, naka-suspenders. sina ate cla at ate joy at ate jane at kuya gabby, kunganu-ano na ang pinagsususuot. may scarf, malalaking teddy bears na binitbit, woven hat, necktie [di naman kiddie], etc. etc. nyahaha. nakakatuwa talaga tingnan ang mga college people at college to be next year na nakasuot ng kiddie costumes :D matagal kaming naghintay. 5:45 lang dumating sina dadi para ihatid kami papunta kina ate rasziel. humabol pa sa amin si ate mela...naka-buntot si kuya carl sa revo kasi di niya alam kung saan nya papapuntahin ang kotse niya. dumaan muna kami kina tita lenette para tanungin kung pwedeng dalhin ang organ niya at kung darating si ate michelle para tugtugin ang diary of dickinson. wala naman yata si ate michelle at di naman kasya sa revo ang organ ni tita lenette kaya umalis kami nang walang progress...

[to be continued...gabing-gabi na eh. mahaba-habang istorya pa ang katuloy...]


6:47 PM