Sunday, January 20, 2008
hell-like week [pre-ymsat: jan. 12-18] ... cont'd
hala...na-postpone na naman ang aking blogging. eniweiz...sana naman matapos ko 'to ngaun. :|
"...
wala naman yata si ate michelle at di naman kasya sa revo ang organ ni tita lenette kaya umalis kami nang walang progress..."
so...from previous post 'yan. hehehe. jan. 13, 2007, saturday. continuation:
matagal-tagal din ang silence sa revo. maya-maya'y nakarating na pala kami sa bahay ng mga doquenia. pagkagilid ng sasakyan, bumaba na kaming mga aattend ng party. sinalubong ng mga batang para bang welcoming committee. wow. pagpasok naming lahat, hindi pa naman kami gaanong late. wala pa naman yatang program nun kaya sinakop na lang muna namin ang dalawang table sa ilalim ng tents. nandun na sina tita au, alaya, ria, ate bea f., ra, at ar. cyempre nandun din sina ate rasz at ang mga kamag-anak. matapos ang konting chika-chika, lumabas na ang debutante. yaay! tapos, pumila na kami para sa...PAGKAIN!!! san pa ba? :p andaming pagkain pero konti lang ang nakuha ko...awwww...nakakahiya naman kasi kung sobrang magtatakaw ako dun. nyahaha. kumain na ako sa table kasama ng mga KIDS. yeah. ibig sabihin, mga high school. ehem. ate joanne. jowk lang! kasama rin namin sa table sina tita len at tita au. masaya kumain. subo lang ng subo. sa sobrang dilim ng paligid, di na namin nakita kung anuman ang sinusuksok namin sa bibig. hehe. cyempre, di mawawala ang picture-picture habang kumakain. :D habang kumakain, nagpakita rin ng mga mini-videos ng mga kakulitan nina ate rasziel at elayne. hehe. pagkatapos kumain, cyempre may dessert...icecream!!! yeah. kahit inuubo at sinisipon na ako nun, di maiiwasan ang pag-enjoy ng icecream. wahaha. parang di kakanta later. tapos, may presentations din ang mga pinsan ni ate rasziel, video ni elayne, presentation ng upis batchmates, at kunganu-ano pa. tapos, 18 dances, [go walter! beep beep...ahhh...beep beep! :p ], kumanta na ang cherubs. wala nang diary of dickinson...awwww...wala kasing organ. wala rin si ate michelle. :( so...seasons of love at breakaway na lang. naku! siguro nakakatawa ang itsura ko habang kumakanta dun. mukhang inaantok na nagpipilit mag-smile. nyahaha. sinisipon nga kasi... cyempre, meron ding 18 wishes at 18 gifts. di ako kasama sa dalawang 'yan. si ate joanne, sa 18 wishes. di ko narinig kung ano ung wish niya. nakapila kasi ako ulit sa icecream nun eh. :p si ate kitel naman, sa 18 gifts. nagregalo ng green na basurahan...hehehe. tapos, dumating na sina mami at dadi. umalis na kaming tatlo matapos ang happy birthday song. kami ni ate joanne na nagno-nosebleed pa nun, bumaba sa tapat ng capitol medical center, tumawid sa overpass, at sumakay na lang sa fx kasi sina mami, dadi, at ate kitel, pupunta pa sa condo... nakaka-guilty ang pagsakay namin ni ate joanne sa fx. pinigil pa ng pulis ung fx driver. siguro dahil sumakay kami sa maling sakayan. waaaahh...guilty guilty. :| pasensya na po manong driver. bumaba kami sa tapat ng meralco at naglakad papunta dito sa bahay. nag-doorbell, pumasok sa bahay, nagbihis, at sinagutan ang chem probset hanggang makatulog.
jan. 14: cyempre maagang gumising. kailangang icram ang chem probset. natapos ko naman cya pero di masyadong sigurado sa mga sagot. palibhasa di ko masyadong inaabsorb ang mga turo ni sir tayco. nang araw na iyon, ansama talaga ng pakiramdam ko. pero kailangang pumasok. mahirap nang maka-miss ng requirements. pagkatapos ng flag cem, physics na naman. pinasa ang physics homework. nagdiscuss din si sir lim tungkol sa biglaang physics olympics. egg drop ang na-assign sa rb. ka-group ko sina dianne a, zaldy at verna. naku! pinapili pa ako kung anong group ang gusto kong salihan. kung group nina verna o group nina criselle, dianne c, at celina. mahirap pumili. pero tingin ko, mas di ako op sa group nina verna. :D eniweiz, wala lang...discuss discuss within the group. sponge sponge and stuff stuff...pagkatapos ng physics, since wala na kaming morning break, chem na. pinasa ang chem probset at discuss discuss. math...ewan. pinoy, as usual, dula. homeroom...pinagawa lang kami ni maam docto ng stuff for junk art gamit ang mga juice cartons niya. ang kulit nina je nun. natanong kasi ni zaldy kung bakit ako malungkot at kung may sakit ba ako. sabi ni je, nilalagnat ako. baka masunog ang buhok ko. ngek. ayoko namang pumunta sa clinic. ayoko ngang maka-miss ng requirements. isa pa, hanggang 2:30 lang naman ang klase namin. makakapaghintay naman ako. matapos ang lunch, nanood kami ng fahrenheit 9/11 sa eng at natutong mag-whistle sa pe. hehehe. pagkatapos ng pagkagat sa whistle at paghipan, pumunta na kaming mga bio team a sa tabi ng caf. nag-practice kami ng mga sayaw at nagplano na rin para sa video sa bio...tapos umuwi na. ginawa ko na ung revised str proposal sa tulong ni zaldy at nag-ayos na rin ng mga gamit para sa "shooting" ng aming bio video para sa susunod na araw.
jan. 15: normal day. matapos ang lahat ng klase, nag-discuss ang aking chem group para sa chem portfolio. tinawagan nina jio at gero ang uppc. naku! pinapunta ba naman kami sa mismong plant nila sa bulacan para malaman ang chemical processes in making paper x| sayang ang coins para sa pagtawag sa plant nila sa bulacan gamit ang pisay payphone. :| tapos, nag-practice na para sa bio video, nagbihis at nagshooting sa gilid ng oval. grabe...mukha kaming ewan nun. nyahahaha...nagsasayaw sa harap ng maraming tao. may mga taga-ibang sections nang nanood...nag-imbita pa. naku...dem...pinalayas ka na nga ni john...tsk tsk. :p tuesday nga kaya may cherubs. pagdating sa palma hall room, nagpiano lang kami ni liz habang nagpu-pusoy dos ang maagang dumating. namigay na rin ako ng mentos sa kanila. hehehe. nung nagsidatingan na ang mga tao, nagsimula na ang kantahan. nakakainis ang mga pathogens na dumapo sa aking katawan. mukhang di kinakaya ng aking immune system. [nyak. nerdong bata.] habang kumakanta, napapa-ubo ako. grrrrr...may card kami para kay elayne nun. bday kasi niya. so..nag-sign ako. duh. tapos, nag-design pa ako ng wrapper ng librong regalo namin nina joanne, ate joanne, tintin at kuya carl kay ate rasziel. at ang wrapper na un na pinaghirapan kong drowingan, pinunit lang! waaaahhh... ok lang ate rasziel. belated hapi bday... :'| binigyan nga pala kami ng loot bags na may candies at juice at cupcakes. yehey! [isip bata...] nang gabing iyon, ginawa ko na ang company background ng uppc para sa aming chem portfolio. nakatulugan ko na nga dito sa computer. pasensya na jio kung late kong nasend. waaaah...naghanap na rin ako ng materials para sa egg drop: tira-tirang bubble wrap at isang sponge. kumuha na rin ako ng mga itlog just in case...
jan. 16: pagdating sa pisay, sinimulan na namin nina dianne, verna at zaldy ang paggawa ng egg drop container. grabe...balut na balot ang itlog. hehehe. itlog na binalot ng bubble wrap na pinagdikit-dikit gamit ang masking tape na sinuksok sa corrugated cardboard roll na tadtad ng sponges sa loob na may bubble wrap pa. hehehe. may flaps din ung cardboard para mas soft ang landing. lumabas kami papunta sa back lob habang ang mga magbabagsak ng egg drop containers ay pumunta sa "5th floor" [rooftop ng shb] kasama si sir lim. cyempre, picture-picture... nung 10 mins na lang, saka lang nagsimula ang bagsakan. di na namin nalaman ang mismong resulta nung araw na yun. late na nga kami sa chem nung natapos ung egg drop. tsk tsk. may quiz pa naman. nakakainis ung chem quiz. naku! ung difficulty pa nun, *1.5 ng difficulty ng long test. waaah...bababa na naman ba ako sa chem? noooo... nung hapon na...3:20, nag-shooting ulit ang team a para sa bio. ang kulit ng sliding filament model namin. nyahahaha! GUMAGAPANG!!! hehehe...abangan sa ymsat week...umuwi na agad ako nag-commute ako papunta sa philcoa para mag-takeout ng congee sa chowking [tsk tsk. di na nasusunod ang only new year's resolution: P150 or less per week for food. nagiging P200 na yata ang maximum]. yeah! celebration sa aking math grade! na-retain ko ang 1.75 kahit bagsak ako sa perio! yaaayy!!! saka lang umuwi.
jan. 17: hala! chem lt. tama nga siguro ang strategy ko. inuna ko ung ibang parts at last ang part 2: identification. hay naku. nakakainis talaga ung part na un. X| eniweiz, since sabi ni sir jogon, wala na munang pinoy, tinawagan namin nina verna, jer, dianne a, at zaldy ang ust sa boys dorm. pero wala pa ring h. pylori o kaya s. pyogenes. waaaahh. pagdating dito sa bahay, tinawagan ko ang iba't ibang contacts para magtanong kung meron silang h. pylori and/or s. pyogenes. naku! pa-english english pa ako nun. may script pa nga ako eh. nyahahah! pagkatapos tawagan ang nsri lab, tama ang desisyon kong tawagan ang capitol medical center microbiology division. meron daw silang h. pylori...pero walang s. pyogenes. nagtatatalon ako sa tuwa. nakalimutan ko naman palang itanong kung paano makakakuha. tumawag ako ulit pero di ko naintindihan. oh well...basta may probable source na. :D gumawa ako ng junk art thing. wala lang...nakahanap ako ng mga scotch tape rolls at ginawa kong containers. :D saka lang ako nagsimulang gumawa ng eng essay at tinulugan ko na naman ang computer. [bakit lagi akong nakakatulog? kasi naman, umiinom ng neozep w/ drowse. :p ]
jan. 18: maaga akong gumising para ituloy ang eng essay tungkol sa fahrenheit 9/11. haaaayyy...kung kelan 1-page essay lang ang dapat gawin, dun ako maraming gustong ilagay. waaah. nag-review na rin ako para sa math quiz. hehehe. tungkol sa sequences...ung ni-research namin nung wednesday. ang ganda nga ng source ko eh...lumang math filler ni ate joanne. :p kaso nga lang ang hirap nung mismong quiz. waaah. eniweiz, halos wala naman kaming klase. puro walang teachers o kaya di aware na shortened periods. ang cute ng chem poster namin. nr naman si sir tayco. ung str poster naman, good sabi ni maam crisologo. nung str nga pala, pinakita sa amin ni maam ung card grades namin! yaaaayyy!!! mukhang magd-dl ako para sa 3rd quarter! 3rd quarter is my lucky quarter! :D lahat yata ng grades ko tumaas o kaya retain except comsci [waaaahh...no more comsci uno... :( ] pero at least dl. sana talaga maging dl na ulit ako kasi di na ulit ako nag-dl since 1st year 3rd quarter... :) :) :) pagkatapos ng str [2:10], nag-setup na ng str posters. pagkatapos nun, dumiretso kami nina timmy, jio, at dianne a sa library para gawin ang chem interactive blah. grabe. akala ko pa naman maaga akong makakauwi since shortened periods nga. hanggang 4:30 ba naman naming ginawa ung sa chem na un. nakakahilo mag-debug ng html at css. waaaahh...nakakainis pa dahil ayaw gumana ng scores sa quiz ng aming uppc html. ayaw ring mag-apply ng css formatting sa iframes. [naku...nagpapaka-nerdo sa comsci. apektado sa nawalang uno.] pagdating dito sa bahay, wala na...pichi pichi pitch kaadikan. mga bi sina liz at ate joanne. grrrr... mukhang may bagong anime na naman ako sa aking listahan...
~~~~~~~~~~~~~~~~
jan. 19: namalengke sina dadi at mami kaya nanood kami nina liz at ate joanne ng pichi pichi pitch. naku! adik talaga. pagkatapos kumain ng agahan, nanood pa kami ng everyone's hero. tapos, sabi ni mami, pupunta kami sa dentist sa hapon. bakit? magpapa-pasta [yata] sila ni ate joanne at MAGB-BRACES NA AKO! huwaaaat?! kaya naghanda na ako...last pics without braces. pero di ko pa ipopost...tinuloy lang namin ang panonood ng pichi pichi pitch at nung 3:30 na, umalis at nagcommute papunta sa dentist. matagal kaming naghintay kasi may pinuntahan pa ung dentista kaya nanood na lang muna kami ng tv. pagdating niya, si ate joanne muna, tapos si mami. tapos ako na...PERO di pa naman ako nilagyan ng braces. nag-usap muna sina mami at dr. eba. something about magpapa-xray muna ako ng ngipin sa robinsons and stuff para malaman kung anong ngipin ang bubunutin. BUBUNUTIN?! noooo... my poor teeth. eniweiz, di pa naman ako nagpa-xray nung araw na iyon. nag-commute na lang ulit kami pauwi. phew. akala ko pa naman pag-uwi ko, naka-braces na ako. hehehe. false alarm. kaya di ko muna ipopost ung "last pics w/o braces". hehehe. pero malamang, naka-braces na ako before prom. or not. ewan.
jan. 20: haaayyy...at last! matatapos na ang long long long 2-part blog entry na ito. ilang oras na rin akong nagt-type dito...cyempre may mga activities in between tulad ng dinner, pagtatago kay mami at dadi [hehehe], pang-aagaw ni liz ng computer, and other stuff...nanood lang ulit kami kanina ng pichi pichi pitch bago pumunta sa manila para sunduin si ate kitel sa condo at para pumunta sa 35th [?] anniversary ng verbum dei sa la concordia. wala lang...may misa [nakakahiya...nakatulog pa ako...kitang-kita ng pari. nag-offering kami ni liz ng candles...] tapos kainan. andaming chicken. hehehe. ansarap ng pagkain. as usual, nakakabusog pero gusto mo pang tikman man lamang ang lahat ng putahe. binalik namin si ate kitel sa condo at saka lang natulog sa kotse pauwi. tapos eto...nag-blog na.
yaaaaaaayyy!!! at long last! natapos na rin ang lahat ng dapat kong alalahanin para maipost dito sa aking blog. ymsat week na. hala...ano kaya'ng magandang design ng aluminum barge? makatulog na nga pagkatapos mag-ayos ng gamit :p
2:44 PM