Thursday, January 03, 2008
boredom. impatience. rubics cube. bird's eye view. the 1st day of classes.
1st day of classes na naman. mag-aabang na naman ako para sa bakasyon. gigising na naman ng at least 5 am. magc-cram na naman. no more weekday tv. no more everyday blogging and internet. awww...
5 am 5:15 am ako nagising. hay naku. si liz kasi eh. pinatay ba naman ang alarm ng cellphone ko at di ba naman ako ginising? pagbangon ay naligo na ako at nag-ayos ng gamit para sa muling pagpasok sa pisay, nagshoe-shine. dahil nga walang kailangang icram para sa 1st day, maaga kong natapos ang pagkain ng agahan. nakapanood pa ako ng spongebob at nakatugtog pa ng white houses at konting flight of the bumblebee sa piano. tapos dumating na si dadi.
pagdating sa pisay, dinala ko na ang bag ko sa adelfa room [wheee...adelfa!] nag-ayos ng buhok sa cr, bumalik sa room, medyo nagbasa ng mog, at nang nagbell na, pumunta na sa may flagpole area para sa flag cem. matapos ang flag cem, socsci na. actually, hindi pa talaga socsci. parang ambagal ng takbo ng oras. ang agang natapos ng flag cem kaya antagal naming naghintay para sa pagdating ni maam bawagan.hindi pa agad dumating si maam. ibang teacher ung dumating [nakalimutan ko na naman ung pangalan. waaah] at dinisplay niya ang score sheet...naghintay pa rin sa pagdating ni maam. nang dumating na siya, blah blah blah. tinginan sa grades, checking ng objective part ng perio. masaya naman... 5 mistakes ako sa objective pero 5 points naman sa essay. 50 points na ako. yaaay!
katakut-takot ang pinoy. ipapaperform ba naman kami ng dula?! waaah...grabe na 'to. tapos sino'ng ka-partner ko sa dayalogo? si ej. well...mas maganda naman un kaysa sa iba dyan >:)
nung physics, pinakita ang perio score at binigay ang lt results. pasado naman ako. yaay! eh sa math kaya? waaah. tapos as usual, mechanical universe. wala akong maintindihan sa sinasabi nung guy. parang blah blah blah blah. sana may maglagay ng subtitles dun. wah.
bio. pinapili kami ni maam docto: discussion ng perio o
bird's eye view ng quarter + xmas break happenings sa kanyang buhay. since wala pa namang perio results, bird's eye view na lang. mahirap makinig. ambagal nga ng oras. parang ansarap kung...POOF! tapos na ang bio. haaaaaayy...
break. dun lang ako sa library. di na naman naglunch kasi walang spoon and fork. nyaa. nagdesign lang ako ng stair-climbing robot at nagnotes sa mog. naghanap na rin ako ng dula para sa pinoy at nagpaxerox. that's it! i love breaks because they're...uhm...nice :)
robo. antagal naming naghintay sa room in front of robo room. nanood na lang sa nags-solve ng 2 x 2 x 2 na rubics cube, nagchikahan, o kaya tumunganga ang mga robo people. may urgent announcement kasi si maam xavier. gumagawa ng documentary ang singaporean people tungkol sa science high schools. and they will take shots from us, robo people in action. wow. pero waaah. grabe. pressured tuloy kami na makagawa ng maayus-ayos na robots. rawr you stair climbing bot! :|
comsci. naghintay lang kami sa labas ng room hanggang 1 pm para sa walkout. pagka-walkout, pumunta ako sa library para magbasa pa rin ng mog. walang chem kaya dire-diretso ang break hanggang 2:30. panirang pe. pero mas maganda naman yata un kaysa sa walang matinong nagagawa.
pe. volleyball and sports management. parang...uhmmm...wth? mga pito-pito daw. ngek. basta.
bird's eye view na naman. toink. yan na siguro ang words for the day. :|
matapos ang pe, bumalik na naman ako sa lib at nagbasa ng mog habang nagt-type ng notes sa computer. nung 4:05 na, bumaba na ako papunta sa caf para sa emergency meeting ng adelfa tungkol sa adelfa reunion dito sa bahay bukas. tapos, libut-libot hanggang dumating si dadi. sa school bus, bday yata ni jana. nagbigay siya sa amin ng donuts. yaay! wala lang. nakauwi dito sa bahay at nag-"lunch". tapos nagblog. tapos dinner na. probably magp-piano, medyo magcocomputer ulit, at matutulog na. what a day.
2:41 PM