image
kesi's blog
image image image image
Sunday, January 06, 2008

adelfa reunion and post-adelfa reunion


last year pa "pinagplanuhan" ang adelfa reunion pero ngaun lang naganap. all because of internet. thank God for internet. eniweiz, narito na ang mga pangyayari :D

mga before 5, nagmeet ang mga adelfa sa back lob...kung sino ang sasakay sa kung saan mang sasakyan, blah blah. ung mga sumabay sa school bus, sina onats, manuel, arnold, ska uhmmm...iba pang adelfa boys. anlabo nga eh. may inassign na sa akin si timmy tapos iba na pala ang sasakay sa van namin. wooshoo...meet the parents daw?! hehe. funny. :| cyempre hatid-hatid muna ng mga ka-school bus saka lang nakarating dito sa bahay. sa kanto ng courage st., naroon ang iba pang adelfa boys. sumama na rin sila sa amin sa pagpasok dito sa bahay.

pagpasok dito sa bahay, maraming reaction...mga "wow. mansyon" or something like that. weh. di naman...ang mansyon, ung bahay ni quintin. hehe :p dahil wala pa masyadong dumarating, walang magawa ang mga tao. nagbihis na muna ako tapos maya-maya, pagdating ni dadi, nag-magic sing na lang sila. kunganu-anong kanta ba naman ang pinagkakakanta. nyahahaha! ako naman, nakatunganga lang...tawang-tawa deep inside :D

maya-maya, dumating na ang iba pang girls. dumating na rin ang mga pagkain...isang malaking bucket ng kfc chicken at ewan ko kung kelan dumating ung yellow cab. tuloy pa rin ang pagk-karaoke. ansaya naman. halos lahat ng adelfa 09, nakarating: manuel, kevin, nikolai, sam, john, jombo, prince, paolo, kenneth, [wala si aldric] arnold, [wala rin si jerous] julius [wala si francis], runer, wapi, siosy, ram, ysy, patti, [wala si criselle] jo, [wala si bea], ako [cyempre], guia, rej, at baj. so, 5 lang ang wala. cool.

sa kalagitnaan ng walang-sawang 'king and queen of hearts' ni nikolai, napakanta rin ako nina guia at rej ng 'bakit ngayon ka lang'. teehee. dire-diretso ang taas ng score...sa dulo, 90 na ang score ko. yaay! tie kami ni julius sa top scorer! :P habang nagkakaraoke, nagstay sa kwarto namin ni liz ung iba at ung iba pa, naglaro ng twister o kaya ng cards. tapos, dinner! nagdasal muna kaming lahat [sabi ni mami, para kaming nag-prayer meeting. hehe] saka lang kumain. kahit konti lang ang pagkain, nakakabusog cya. :D matapos ang dinner, tuloy ang karaoke hanggang halos 11 yata. onga pala! mga 9, dumating si sir segs, dala ang 2 buckets ng kfc...hehehe. nakipagkwentuhan na lang muna siya habang humahabol sa pagkain. nung 11 na nga, nanood na kami ng dvd: 1408. grabe talaga. thriller. di naman ako napasigaw. nakakagulat nga lang. gory. wah. past 12 na nung natapos ang movie. natapos na ang sigawan at gulatan at thrill. hehe. halos naubos na rin ang midnight snacks. pagkatapos nun, break muna. pumunta sa cr ung ibang boys. naapektuhan nga siguro ng 1408. nagpanic nang narinig ang pag-buzz ng toilet at lababo. pasensya na. ganun talaga dito sa bahay kapag gabi...nagwawala ang tubig. :p pagkatapos ng mga ganyang eksena, step up naman ang pinanood. since napanood ko na un, bored na ako. nagsimula na ang pagkaantok ko. masarap na nga ang tulog ni guia sa kwarto nina ate kitel matapos ko ibigay ang bday gift ko sa kanya :). nakatulog na nga ako habang nanonood. mga 2 na nung natapos na ung movie. tinuruan ko na lang sina jombo kung paano ioperate ang dvd player tapos natulog na rin ako. waaah. ako pa naman ang host...ako pa ang 2nd na natulog :| light lang naman ang tulog ko. nagising pa ako ng someone [di ko matandaan. half-asleep and half-awake kasi...] at kinuha ko ang pink mattress. tapos, bumalik sa tulog.

6 na ako nagising [or bumangon]. naroon na ang girls sa kwarto. nakatulog na rin silang lahat. nagising na nga rin pala ako nung dumating sina rej at baj para matulog. hehe. ang kulit. :p sayang nga lang at naubusan ng battery ang cellphone ni dadi. pipicturean ko sana ang mga natutulog. ang girls, mukhang sardinas na nakahilera, habang ang boys, sardinas na nagkalat. hehe. pasensya na kung nagsiksikan kayo. waah. pinapunta ko naman ang ibang boys sa kwarto namin ni liz para dun matulog eh [actually si nikolai lang, pero sabi ni liz, may iba pang natulog dun so i suppose sinabi niya sa ibang boys...]. dun lang ako sa kwarto at nagbasa ng mog hanggang sa paggising ng mga magluluto ng breakfast. pagbangon nina patti at guia, tinulungan ko na sila sa paghanda ng mga gamit. bumangon na rin si jo para tumulong. habang tumatagal, dumami ang tumulong sa paghanda ng pagkaing omelette, scrambled eggs, at kunganu-ano pang lutong itlog at hotdog. nagluto pa yata ng bacon pero di ko naabutan. naligo na kasi ako kasi pupunta kami nina ate joanne at ate kitel sa simbahan sa pag-asa dahil sa request ni tito sonny. pagkakain, nagpaalam na ako at iniwan ang mga nagb-breakfast.

sa kotse, nagpractice kami nina ate joanne at ate kitel ng dalangin sa pasko saka ng umaga na. dapat nga kasama namin si liz kung wala nga lang siyang saturday classes. pagdating sa simbahan, nag-talk kaming tatlo sa mga church choir members tungkol sa kung paano kami nagt-time management between choir, school, and other stuff, at iba pang mga bagay-bagay. ang tagline ko nga nung nagk-kwento ako tungkol sa mga summer camps ng cherubs, "kung kaya namin, kaya nio rin." hehehe. naubusan lang talaga ako ng pwedeng sabihin. :p tapos, kumanta na kami ng impromptu songs at nagpaalam. pumunta naman kami kina tita rose para isauli ang hiram na magic sing kasama ni tita lu. napatagal nga kami dun eh. nanood pa kami ng david blaine street magic sa youtube kasama ni joenards, kumain ng macaroni salad, at cyempre, di mawawala ang pagkanta. naku! may plano pa nga yata sa paggawa ng sariling banda ang mga matanguihan. sina kuya jolo at kuya dj sa drums at electric guitar habang kaming magkakapatid sa vocals :| pag-alis namin, konting kwentuhan muna sa kotse at bumawi na ng tulog. pagdating dito sa bahay, nandito pa rin sina ram, jo, rej, at uhmmmm...baj? nagkwentuhan lang sila sa kwarto nina ate kitel at nang dumating ang sundo ni jo, nagpaalam na sila at umalis. dito nagsimula ang maraming feedback mula sa pamilya.

sabi ni mommy, ung prayer meeting thing nga. tapos ambabait daw. yes naman...tapos si ate kitel, nagulat daw nung nagtilian ang mga nasa kwarto paglabas nia sa cr. akala daw kasi nila, walang tao dun sa cr. tsk tsk. epekto ng 1408... si ate joanne naman, tuwang-tuwa sa panunukso sa akin :| si dadi, ewan ko. hehehe.

andaming nakaiwan ng gamit. sa pag-alis nga nina ram, binigay sa akin ang naiwang sweater ni timmy since kaklase ko naman cya. maya-maya, habang kumakain ng halos isang bucket ng chicken na dala ni sir segs at sangkatutak na tirang fried rice, napansin ang naiwang paper bag at payong sa kitchen. tapos, may nakita pang red and black cube ewan at bath towel. sabi nga ni ate joanne, baka sa monday, meron na akong dalang maleta ng mga naiwang gamit dito sa bahay. wag naman sana :| bukod sa iniwang chicken bucket, meron pang midnight snacks: dalawang e-aji at isang clover chips. pasensya na sa mga may-ari ng tatlong ito. kinain na ng matakaw kong kapatid [sino pa ba? edi si ate kitel! :p] matapos ang pananghalian, nagcomputer ng konti [nanood ng coffee prince ep. 2-3], bumaba papunta sa sala nung 2 pm na, at bumawi ng tulog hanggang 6 ng gabi. yaaay! 8 hours of sleep na! pero anlabo ko talaga kapag nakakatulog ako hanggang madilim na ang kalangitan. akala ko madaling-araw na nung ginising ako ni liz para sabihing binaluktot na naman ng aming love birds ang lalagyan ng pagkain para ipaalam sa aking ubos na ang bird seed nila [cool huh? san nga kaya nila natutunan un?] dinner ng chicken bucket pa rin at nanood ng tv. puro 'best of ---' sa gma. nung mga 9 na, nanood kami ng pbb big night. andaming commercial...
nakakainis. walang sawang labanan ng gma at abscbn sa ratings ng agb nielsen and stuff. gah. mga 11 lang nagsimulang mag-announce. 4th si will, 3rd si gaby, 2nd si riza at 1st si ruben. yaay! grabe talaga. bakit 2nd si riza?! marami ngang naiinis sa kanya eh. :| hehe. 11:30 na kami nina ate kitel at ate joanne natulog. contented na sa resulta ng pbb celeb edition season 2. teehee.

~~~~~~~~

grabe. distracted talaga ako. di na nga ako masyadong nakapagbasa ng mog kahapon, nagb-blog pa ako ngayon. hehe. andami pa namang klangang gawin. str. pinoy, eng, health review, socsci. waaah...


10:17 AM