image
kesi's blog
image image image image
Monday, December 17, 2007

simbang gabi + trinoma concert + upis powerdance :)


grabe talaga kahapon. 3:30 ako ginising ni liz para sa simbrang gabi. pagdating namin dun, super daming tao. hanggang sa kalahati ng overpass at sa convergys na rin. andami talagang tao kahit ang aga pa ng simbang 4 am. anlamig pa ng hangin...buti na lang nagjacket ako. kami nina liz at mami ang magkakasama. tapos nung communion na, natapos na ang dalawang kanta, hindi pa kaming dalawa ni liz nakakapasok sa mismong simbahan. nyaaa...very high density. :| pagkatapos mag-simbang gabi, cyempre di mawawala ang puto bungbong at bibingka. bumili kami tapos kumain sa bahay. nung 5:30 na, natulog na ulit kaming lahat...

later, 3 klangan nandun na sa trinoma pero 3 kami umalis dito sa bahay...nyahaha! kaya mga 3:30 na kami nakarating dun. grabe...nakakahiya. naka-costume at nakamakeup na kami nina ate joanne at liz tapos naglakad pa kami papunta sa backstage sa activity center. para bang ang kulang na lang, magsisisigaw kami habang may dalang poster: "may concert po kami mamayang 6 kasama si pops sa activity center! punta po kau!" hehehe. pagdating namin sa so-called backstage, 4 pa naman daw magsisimula ung mismong sound check. so, wala lang...kwentuhan, vanity, etc etc. nung nag-sound check, andami nang nanood. hehehe. grabe nga lang kasi kahit sarili ko, di ko marinig. pagkatapos ng soundcheck, chika chika ulit. tapos, pumunta kami kasama ang ibang girls sa cr at naghintay nang napakatagal. grabe...ang init dun sa cr. andaming nakapila. wah... tapos, pagbalik namin sa backstage at pagdating ni pops, sabi ni tita len, pwedeng magpa-pic kasama si pops. wow! so later, nag-group pic nga ang cherubs kasama cya :D tapos, nag-sound check ulit at final positioning tapos nadasal na.

ansaya ng mismong performance. para kaming nasa isang boxing arena. ung boses kasi nung nag-introduce sa cherubs, parang ung sa mga laban nga sa boxing. nung kumakanta na naman kami, parang feeling ko sobrang hina ng boses namin. pero highest volume na talaga un. grabe... sa aming last song na silent night, kasama na si pops. hehehe. pagkatapos nun, bumalik na kami sa backstage at kumain ng jolibee burger steak habang nagsisigawan dahil sa lakas ng drums sa likod namin [uhmmm...front stage?] pagkatapos kumain, nagbihis na kami sa dressing room backstage. chika chika ulit tapos tinawag kami ni tita dada. sabi niya, kumakanta si walter. paglabas nga namin sa backstage, nakita namin si walter, ka-duet si pops! yess naman! pagkatapos ng pagch-cheer namin sa kanya at ng kanyang pakiki-duet, may pa-kiss pa! aba walter! instant celebrity! :P

tinapos namin nina ate joanne, liz, mami at dadi ung concert. tapos umuwi na. wala lang. nanood lang ako ng tv hanggang 10:30 pagkatapos mag-dinner ulit. hehe. nanood pa kasi ako ng mib. :p

kanina naman, sayang at di ako nakasama sa simbang gabi. 5 pa naman ako nagising...maaga kaming umalis ni ate joanne dito sa bahay. ambagal kasi ni ate kitel eh. pumunta ako sa upis para manood sa powerdance at pumunta naman si ate joanne sa klase niya. wahaha! go 09! ang ganda ng costume nio... :p maganda nga ang sa ibang batches pero para naman sa akin, 09 da best! :D hehe. ansaya...andami kong nakitang muli. mga naka-fishnet stockings, spag strap, short shorts, at flower sa leeg at mga naka-long sleeves w/ uhmmm...jumper stuff. hehehe. wala lang. may vaas na naman akong nakilala. si paula. :) kwento kwento rin kasama si angelica, kulitan nina dominic, rjoy, maereen, and all others. wheee!!! mga long time no see! baka bumisita ulit ako sa wednesday at makikain sa xmas party nila :p

umalis na ako ng 10...para kasing wala na silang activities...nagcommute ako papunta sa philcoa tapos papunta sa ever. pagdating sa ever, nag-california maki ako sa tokyo tokyo. grabe...na-feel ko ulit ang pinakaaasam kong anghang ng wasabi :p ansakit sa ilong...nakakaiyak. hehehe... tapos, pumunta ako sa expressions para bumili ng iba pang panregalo at nag-jeep pauwi. at ngaun, andito na naman ako sa harap ng computer, nagbblog at nagpapakaadik sa anime [wheee! school rumble, ouran high school host club, princess princess, detective conan! ano pa kayang susunod???] ;) grabe...di pa ako nakakapag-lunch...hehehe. pwede na siguro ung sushi kanina :D

1:46 PM