image
kesi's blog
image image image image
Monday, December 10, 2007

pagbabalik-tanaw


i've been reading my blog posts since march 06...1st year clearance days. haaayy...andami nang nangyayari sa buhay. may parties, masasayang camps, at kunganu-ano pa. haaaaayy...nakakamiss talaga ang mga panahong masaya, maraming kakwentuhan...pero ngaun, palakas na nang palakas ang ulan. ang lonely. kaming dalawa lang ni ate emily ang nandito sa bahay. wala akong magawa kundi manood ng tv at magcomputer. pero pwede na rin. sabi nga ni ate joanne, hindi maiiwasan ang panonood ng hamtaro kapag walang klase. :P

kay lamig ng simoy ng hangin...kahit dito sa loob ng bahay, napapasuot pa ako ng sweater. ang malakas na ihip ng hangin ay sumusuot sa bawat butas na kaniyang namamalayan. nyaaa... tila nagiging makata na naman. ano pa bang magagawa ko ngaung bakasyon. ayoko namang maglakwatsa nang ako lang at hindi pa nagpapaalam dahil malapit na ngang magpasko at nagpapakabait na ako [wooshoo...tinatamad lang tumayo sa kinauupuan eh]. malapit nang magpasko. konting araw na lang. haaayy...puro nga siguro advanced ang Pasko ko. ang aga ng bakasyon. ang aga ng xmas party. ang aga ng mga regalo. haaayy...speaking blogging of pasko ko, meron akong tula. ung pinasa ko para sa pinoy.

Parating na ang araw ng Pasko.

Tila hindi na ako makapaghintay!

Para bang isa akong batang sabik

Sa pagdating ng regalo ni Santa Claus.


Sa kaunting araw na palilipasin

Para sumapit ang araw ng pagsilang,

Tila kay bagal pa ng takbo ng oras

Dahil andaming homework na sasalubong sa pista.


Hay naku! Iyan kasing mga teachers diyan,

Sinasamantala ang mahabang bakasyon.

Project, essay, homework, at research,

At may long test paglipas ng bagong taon.

Hindi ba sila nakokonsyensya?


Isang beses, isang taon lang ang pagdating ng Pasko.

Minsan na nga lang dumating ang aming bakasyon

Ang regalo pa nila sa akin, gabundok na gawain!

Kung ganito nga lang naman ang mangyayari,


Hindi na madarama ang diwa ng Pasko.

Wala nang bakasyon. Wala nang Pasko.

Wala nang Pista sa Kanyang pagsilang.

Wala nang ligaya sa pagtatapos ng taon.


aaayyy...totoo naman. may health perio at eng lt pa. mago-oral defense pa kami sa str :| malamang meron pang essay tungkol sa xmas vacation. tsk tsk. tinatamad ako.

sabi nga sa misa kahapon, magbago ka na. woot. malapit na akong mag-3 years sa pisay. pero parang di ako nagbabago. di ko nagagawa ang dating sabi ko kay kuya ed nung interview...haaaaayy...kasi nga naman, sabi nga ng pari, lagi na lang ipinagpapabukas ang mga gawain. hindi naman nauubos ang bukas. [yeah. emo.] pero sabi nga sa princess princess, you can't change your personality whenever you want. gah. ano ba talaga?

eniweiz, punta kau sa concert sa trinoma! 6 pm, dec. 16. wahaha! manonood daw si maam docto :P onga pala. napag-isip-isip ko lang...may pangalan na rin ang pink puppy stuffed toy...mula sa "Wala akong maisip", in short, "wackomai" or "wacko" :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

how much have i changed since summer 06? [may 2, 2006 post]






frances --
[noun]:

A person who makes a living suing celebrities

'How will you be defined in the dictionary?' at QuizGalaxy.com


dati squirrel...ngaun ganyan na. aba...umaasenso...

12:53 PM