image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, December 11, 2007

pagbabalik-tanaw [cont'd]


matapos ang ilang oras ng panonood ng tv, napag-isipan kong mag-ayos na lang ng drawer para may magawa man lang akong productive at may kwenta. sa pag-aayos ko ng aking drawer, napakarami ng mga bagay na naalala ko...

naroon ang koleksyon ko ng boxes ng nerds...ang kinolekta ko nung 2nd year...

naroon din ang enchanted kingdom ticket at brochure galing pa sa outing ng 09 nung 1st year.

maraming bookmarks na napag-lumaan na,

mga unsent letters galing pa sa retreat 07 at recollection 06

quiz booklet at projects sa 1st year eng

rejected origami para sana sa geom 2nd year

mga regalong mula sa puso...awww...


grabe. andaming flashbacks. di man namamalayan, andami nang oras ang lumipas. merong nasayang, merong sulit naman. pero kung iisipin nga naman, sa dinamirami ng oras na lumipas sa ating buhay, di natin alam kung kapiranggot lamang ito ng ating buong buhay o kaya kung ang buhay ay maigsi lang pala. so...sa ibang bagay, take your time. at sa iba, huwag sanang sayangin ang oras dahil "it might be your only chance"...




~~~~~~~~~

nyaaa. emo. bakasyon kasi eh. toink. pupunta kami ni ate joanne sa trinoma mamaya. wheeee. [ohanoha. gagastos na naman ako. tsk tsk.]

11:17 AM