image
kesi's blog
image image image image
Friday, December 28, 2007

"initial blog"


yaaaayy!!! nagbalik na ang asus laptop! nagbalik na rin ang aking initial blog. hehehe. :)

11:26 am, dec. 24

"maaga ang pasko"

pasko na kahapon sa bahay. hehehe. nagbukasan na agad kami ng mga regalo. ansaya nga eh. andami kong natanggap. sa lahat ng nagregalo sa akin, maraming maraming salamat! haaayyy...sa aming lahat, ako yata ang may pinakamaraming natanggap na regalong inilagay na sa ilalim ng xmas tree. wheee...cyempre naman kasi may kris kringle pa. hehe. tatlo agad un galing kay jeffrey. ung something useful, grabe! unexpected! "ang paboritong libro ni hudas" by bob ong. wow. di pa un ung final gift [P100 cash ang final gift...hehehe]. may price tag pa nga mula sa national bookstore. P180. waaahh. feeling ko tuloy sobrang tinipid ko ang regalo ni koko. ung something rat naman, nasilip ko na dati sa pisay. isang rat armadillo [ayon kay ate kitel] na keychain. tapos, ang something brown, ang akala kong isang basket, isa palang bag. grabe! ginastusan talaga ako 'no? pero sabi naman ni ate joanne, baka gusto lang niyang bumawi. late kasi cya nagbigay ng regalo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

3:21 pm, dec. 25

"maaga ang pasko [cont'd]"

...si angelica naman, nagbigay ng stationery at hello kitty stuffed toy. si walter, nagbigay din ng hello kitty pero sprayer naman. ang regalo ni lea na halos agawin na ng bata sa philcoa, isang stuffed toy at sulat ang laman. haaay...napaka touching :) binuksan ko ulit ang regalo ng officemates ni mommy: isang pencil case, magic pencil at mini notebook. ung nakuha ko naman sa cherubs, ung bigay ni paolo ay isang cd case. nilagay ko rin nga pala ang bracelet na bigay ni celina at ang cellphone chain na bigay ni timmy sa ilalim ng xmas tree at "binuksan" ko na rin :P naroon din sa ilalim ng xmas tree ang regalo ni liz sa akin: isang coin purse na may lamang mga hair clips :D matapos ang bukasan ng mga regalo, napag-alaman naming magkakapatid ang isa pang regalo nina mommy at daddy sa amin: isang jollibee game box. yaaay! [hehe. isip bata. pasensya na] masaya naman cyang laruin. cute. pero ung iba, boring. hehe. pero salamat pa rin po!

"kahapon [dec. 24]"

nagsimbang gabi kami nina mami at liz for the last time. so ito ang aking 5th out of 9 simbang gabi [-1 dahil di ako ginising ni liz, -1 dahil tinamad ako, -1 dahil may cherubs xmas party, at -1 dahil di ako ginising ni mami nung natulog kami sa condo]. pag-uwi sa bahay, nag-ayos na ako ng gamit para sa pagpunta namin dito sa batangas. 7 na kami nakaalis sa bahay. 9:45 naman yata nkarating dito sa batangas. grabe. ang haba ng biyahe. masarap ngang matulog kaso nga lang gigising ka nang may stiff neck. gah. so, pagdating nga dito [sa bahay nina lola charing...naka-lock kasi ang kwarto namin kina lola auring] nag-agahan na kami [fiesta ham and cheese sandwiches]. naglaro na rin sina wendell at liz ng game box. tapos, nanood kami nina ate kitel, liz, at ate joanne ng nodame cantabile [?]. hehe. the best! naglunch, at nanood ulit. tinapos na agad namin. sayang nga lang kasi nakakabitin. may nodame cantabile 2 pa kasi eh. waaaahh. pano na mapapanood ang school rumble ni gakki? sa summer vacation na lang ba? noooo... nung gabi na, nag-dinner at nanood na lang ng tv. nagbasa rin ako ng ang paboritong libro ni hudas. nakatulog na nga si ate kitel sa sala habang nanonood kami ni ate joanne ng home alone :D napakaaga nga talaga ng gabi dito sa batangas. wala pa ngang marimar [early 9:00s...hehehe], pinatulog na agad kami ni mommy.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

4:02 pm, dec. 25

"maligayang pasko! [dec. 25]"

pasko na nga. pero hindi ko talaga cya ganun ka-feel. wala kasing noche buena since napakaaga nga ng aming mga celebrations. walang gising nung 12 am para magsimba o kaya mag-noche buena man lang. awww... pagkagising ko, naligo na ako para maghanda sa pagpunta namin sa 8:00 mass. late na nga akong nagising kahit ang aga naming natulog. pagkaligo, nag-tacos na ako at hinintay ko na lang sina ate kitel. napaka-crowded ng simbahan. iisang misa lang yata ung 8:00 mass na un kaya dun lang kami nina dadi, ate kitel, rj, tita aida, at wendell sa gilid ng simbahan. mahirap na ngang magkasakit kasi umambon na sa labas nun. maya-maya, dumating na rin sina liz at ate joanne. pagkatapos ng misa, lumakas na nga ang ulan. sumilong na lang kami ni ate joanne sa ilalim ng kanyang pisay jacket papunta sa bahay. pagdating dito, nag-agahan ulit. kumain kami ng spaghetti w/ olives. simula noon, kunganu-ano na ang nangyari. naglaro kami nina liz, joenards, ate kitel at ate joanne ng prime suspects, naglunch ng pagkarami-rami, naglaro ng game box, kumain ng bertie bott's beans [wooh! grabe talaga! kuhang-kuha ang lasa! :P cool! sa ngaun, ito pa lang ang natitikman ko: black pepper, booger [?], buttered popcorn, cherry, earthworm, grape jelly, earwax [?], grass, lemon drop, pickle [har har har.], soap [fabric conditioner?!], at vomit [gah. ambaho! x|]], naging dj, at heto, nagpopost ulit sa aking "initial blog". wala naman kasing internet dito sa batangas. nakakatamad namang pumunta pa sa internet cafe. sa bagay, paskong-pasko. baka hindi bukas ang internet cafe. nagpapaka-productive pa rin naman ako. multitasking. nagbabasa ng mog at nagn-notes habang nagb-blog. baka maya-maya magrereview na rin ako para sa health perio 8| hay naku. paskong-pasko, wala akong madama. malamig nga ang simoy ng hangin pero lagi namang ganyan dito sa batangas. haaaayyy...para bang ang ibig sabihin ng pasko, malapit na naman ang pasukan. matatapos na ang xmas vacation. nooooooo!!!

10:55 AM