image
kesi's blog
image image image image
Thursday, December 27, 2007

"initial blog" [cont'd]


ha?! bakit continued agad? wala pa namang "initial blog" na post ha?

pasensya na. nakalimutan kong ipalagay sa flash drive ni ate joanne kahapon mula sa asus laptop. waaaahhh...wrong timing naman kasi. ipapaayos ung burner ng laptop. dun pa naman ako nagb-blog for the past few days w/o internet. waaaaahhh. eniweiz, abangan na lang ang "initial blog" in the future -____________-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

7:26 am, dec 27

bumaba na ako mula sa kwarto matapos gawin ang aking "blog post" nung dec. 25 at buksan ang regalong small bag mula kay tita chona. nagmerienda habang sumisilip-silip sa bagong youngest ng mother's side: ang baby nina ate aileen at kuya rio. awww...pinanganak nung dec. 23. ka-bday ni angelica! :D so, hintay-hintay lang. kain-kain. gain ng 20 pounds :p tapos, start na ng aming exchange gift. blah blah blah. as usual, idedescribe ng nakabunot ang kanyang baby. ang ilalagay ko lang dito ay ang memorables. description ni tito egad kay ate joanne: mabait, matalino, tahimik [weh.]; description ni kuya oli sa akin: MATANGKAD [yippee! flattered!], isa sa anim na magkakapatid [ha? anak sa labas? :P ]; description ni ate ghee kay ate kitel: siya na lang ang hindi nakakatanggap ng regalo sa kanilang magkakapatid...; at description ni ate kitel kay ate ghee: isang letter lang ang pangalan [acronym...........], nag-exchange gifts lang silang dalawa. hehehehe. matagal ang program. may kunganu-anong games. pero hindi masyadong energetic ang mga tao. late na kasing nagsimula ang party. gabi ni ring natapos. may bring me, longest breath, meron ding pataasan ng value na lalabas sa dice... at dito ako sumali. kalaban sina joem, kuya jolo, joenards, at liz, hagis ng dice! 6 ang nakuha ni joenards. 6 din ang nakuha ko. tie breaker! 4 ang nakuha ko, 4 din ang nakuha ni joenards. tie tie breaker! 6 ang nakuha ni joenards, 4 lang ang nakuha ko. awwww... pero meron ding pababaan ng makukuhang value. si joenards, kahit ilang bato, high values ang lagi niyang nakukuha. hehehehe. habang may mga kunganu-anong gawain, binuksan na naming magkakapatid ang mga regalo namin. ang natanggap ko mula kay kuya oli, isang set ng tshirt at jogging pants. naku! pinapa-exercise pa ako. lalo akong papayat. :p tapos, bigayan na ng pera sa mga apo. namigay ulit ng tig-P100 si lola sa maraming marami niyang apo. hehehe. cyempre, di mawawala ang "concert" ng mendoza sisters. hehehe. kaso nga lang, si liz, may s. naku! nag-walkout ba naman nung sinabi namin nina ate joanne at ate kitel na silent night na lang muna imbis na dalangin sa pasko. grabe. ambabaw. so, kaming tatlo lang ang kumanta. tapos, kainan ulit. dinner naman. pero busog na ako. di na ako nagdinner. nanood na lang kami nina ate joanne at ate kitel ng harry potter. nyaaa. hanggang pasko ba naman, harry potter and the order of the phoenix pa rin ang palabas sa hbo?! nyaaa...matapos ang panonood ng harry potter, umakyat na kami papunta sa kwarto para matulog. maaga ngang talaga ang gabing batangueno.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

8:01 am, dec 27

kahapon, 5 akong nagising. nag-ayos na kami ng gamit tapos kumain ng hamon at kesong sandwich. tapos, lumuwas na kami papunta sa office ni mommy [para ihatid si mommy...], tapos kina tita chona [para ihatid sina tita chona], sa condo [para mag-ayos ng gamit, kunin itong acer laptop at maglinis ng inidoro...eeeek. ate kitel kasi.], at dito sa bahay. mahaba ang biyahe. masarap matulog. :D masarap ang walang ginagawa. masarap i-enjoy ang mga nalalabing araw ng bakasyon :(( gusto kong panoorin ang nodame cantabile 2 at school rumble ni gakki. waaaahh. nakakainip maghintay pa para sa summer vacation! noooooo...

7:22 AM