Wednesday, December 19, 2007
dec. 18-19, 2007
buti ang week na 'to hindi kasing boring ng last week. laging may klangang gawin...hehehe.
kahapon, ginising ako ni liz ng before 5 am para sa simbang gabi. nagbihis tapos nagsimbang gabi kami nina mami, dadi at liz. buti nga konti lang talaga ung tao compared sa nung dec. 16 [simbang gabi 1st day] haaayy...akala ko pa naman makakakumpleto ako ng misa de gallo ngaung taon...kaso di ako ginising ni liz nung monday...pero kung iisipin nga naman, wala talaga akong pag-asang makakumpleto ngaung taon kasi may overnight xmas party kami sa cherubs sa friday...eniweiz, dahil konti nga ang taong nagsisimba, nakaupo na kaming lahat sa loob ng simbahan. masarap talagang makinig sa misa habang pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw at pag-iiba ng kulay ng langit. haaaayyy *dreamy eyes* pag-uwi sa bahay, kumain kami ng puto buMbong at bibingka tapos nagbalot ulit ako ng mga regalo na ibibigay ni rj para sa xmas party nila sa bridges.
past 9 am na kami nina dadi, ate joanne, rj at ate josie nakaalis dito sa bahay. hehe...may picture picture pa kasi kami eh. binaba si ate joanne sa philcoa at ako naman, nakatulog sa l300 hanggang sa bahay nina aj [ung kaklase ni rj] . pagdating sa bridges [mga 10 ata], di pa tapos ung am classes sa kanilang xmas party kaya naghintay muna kami nina ate josie at rj sa benches sa labas. picture picture at pagtunganga. :| nung natapos na ung party sa 2nd floor, umakyat na kaming lahat. hintay-hintay ulit tapos nagsimula na ung program. masaya naman. cute naman ang presentations ng mga estudyanteng tulad ni rj considering they're special children :) nagpresentation din ang mga yaya nila...hehehe. cyempre, pagkatapos ng lahat ng presentations, di mawawala ang kainan. andaming pagkain. may spaghetti, cassava cake, empanada, meatballs, at iba pa...grabe talaga! nakakabusog. maya-maya, dumating si dadi at kumain na rin cya. tapos, umalis na kami. hinatid namin sina aj sa bahay nila tapos hintaid naman ako sa trinoma para makabili na kami ni ate joanne ng panregalo sa cherubs.
pagdating sa trinoma [mga 1 pm], at nung nagkita na kami ni ate joanne, since di pa cya nagl-lunch, pumunta kami sa burger king at kumain ng whopper jr. hehehe...nakakabusog. pero ang ewan nga lang. tig-isa kaming burger at tig-isang tissue. pero ung isang tissue, ginawang lalagyan ng ketchup para sa fries kaya share kami sa isang tissue. nyahaha! pagkatapos kumain sa burger king, pumunta kami sa landmark para i-check out ang mga panregalo-to-be. ung mga nakita namin last last time na nagpunta rin kami sa trinoma...ung alarm clocks na may bell. ung kinda old-fashioned but cool. hehehe. may nakita rin kaming alarm clocks na hologram. choice 2 un...namromblema naman kami kung ano ang ibibigay namin sa elem boys [nabunot namin ni ate joanne] at sa elem girl na nabunot ni liz [andami masyadong choices] naglakad na kami papunta sa sm. sa sm, pumunta muna kami sa national bookstore at nadagdagan ang aming choices. choice 3: pugad baboy comics. choice 4: bingo set :| naglibot pa kami. may nakita kaming mga tindahan ng stuffed toys at may nakita akong kamukha ni wacko [oops. it's not hershe]. tiningnan ko ang price tag...P500+ . gah. ang mahal ni wacko! read on... napunta naman sa sm department store. nakita namin ang bone-shaped pillows na tulad ng niregalo ni maki kay liz long time ago sa cherubs xmas party din. napagpasyahan KONG iyon na lang ang iregalo namin sa elem boys. may mga nahanap din kaming cute na stuffed toys at napagpasyahang iyon na lang ang iregalo sa nabunot ni liz at ang alarm clocks sa landmark sa trinoma ang ipapanregalo sa nakabunot sa amin. nung 4 na, binili na namin ang mga stuffed toy at pillows at pumunta naman kami sa foodcourt para magmerienda. kumain kami ng snowpy :d pero maya-maya, sumakit na ang tiyan ko. bumalik kami sa trinoma para bilhin na ang bell alarm clocks pero napagpasyahan namang bilhin na lang ang hologram clocks [cool!] kaya matapos ipa-testing ay binili na namin. nakita ko pa nga noon sina christine a., rogie, at timyas. hehehe. matangkad daw ako *flattered* samantalang isa ako sa pinakamaliliit sa pisay :P dahil nga good shoppers kami ni ate joanne [sa P1000 budget para sa cherubs gifts, wala pang P600 ang nagastos namin...hehehe. kahit na P100 each ang minimum], pumunta kami sa timezone at naglaro. hehehe. unang-una ang horseback riding. grabe talaga! unang game pa lang, pagod na pagod na talaga kami. tapos, nag-stop the clock ulit kami. 1 ticket lang ang nakuha :| tapos, nag-car racing. tapos, si ate joanne, nag-basketball at nakakuha ng 1 ticket [sayang nga kasi 1 shoot na lang, 2 tickets na sana cya]. ako naman, naglaro nung donald duck thing. may dalawang pingpong balls na ishoshoot sa buckets. nashoot ko naman clang dalawa kaya may 2 tickets ako. gah. 2 tickets from 2 pingpong balls...naglaro rin kami nung other thing na may gold something...pero peke naman yata un. wala kaming nakuhang ticket. nag-redeem na kami [tig-isa kaming snoopy pin] matapos mag-check ng balance ng card at lamang tickets. ung nasa harap namin sa pila, grabe! may 1675 tickets. waaaaahhh!!! adik! paglabas sa timezone, dumiretso kami sa mcdo at nag-coke float. ansaya nga eh. dahil sa timezone, PANSAMANTALANG nawala ang sakit ng tiyan. pero pag-alis sa mcdo, masakit na naman ang tiyan ko. bumaba na kami tapos anlayo ng nilakad namin para lang makapunta sa terminal ng trinoma. sobrang sakit talaga ng tiyan ko nun! grabe! halos maiyak na ako. kahit hangin man lang, ayokong patamain sa tiyan. gah. nung nakaupo na kami dun sa terminal, nagtext si dadi. sabi niya, pumunta na lang daw kami sa simbahan kasi ipapabless ung bagong kotse. kaya naglakad na kami papunta sa simbahan kahit sobrang mahirap ang pagpigil... :P
pagdating namin sa our lady of hope parish, nagdasal lang kami ni ate joanne. ang dasal ko: "Lord, sana po mapigil ko 'to. kahit pagdating na lang po sa bahay...sa cr...Lord, tulungan nio po ako." :P believe it or not, unti-unting nabawasan ang sakit ng tiyan ko. later, lumapit naman kami ni ate joanne sa pinto ng simbahan at kumanta ng xmas songs w/ voicing...hehe...hanggang sa pagdating nina mami at dadi. pagdating nila, nakita namin ang bagong black na kotse na may super lamig na aircon. pumasok na kami. di naman natuloy ang pag-bless ng kotse kasi walang pari dun sa simbahan noon. kaya pumunta na lang kami sa bulaluhan nina tito lito at naghintay hanggang mga 7. umalis na ulit kami at pumunta naman sa st. peter parish. doon, sinamahan pa namin ni mami ang pari papunta sa parking lot ng convergys para ibless ang kotse. hehehe. tapos, umuwi na kami. pagdating dito sa bahay, nagbihis, nagdinner, naghugas ng pinggan tapos nagbalot ng mga regalo habang nanonood ng tv. hehe. ansipag ko talaga. onga pala. tungkol sa aking stomach ache, noong gabing iyon, pag-alis sa simbahan sa pag-asa, nawala na itong tuluyan. cool! it's a miracle! thank you Lord!
~~~~~~~~~~~
9:45 na ako nakaalis dito sa bahay para pumunta sa upis...may xmas party kasi sila eh. makikikain ako :p pagdating ko sa high school, parang wala namang tao kaya naglakad ako papunta sa elem. tapos, nagtext si angelica. nasa multi daw sila. so, nagmadali nga akong pumunta dun. naabutan ko ang games nila...hehehe. nagbigay na rin ako ng mga regalo. tapos, kainan na! ansarap ng pagkain. kaso nga lang nakakahiya...wala man lang akong contribution...nakikikain lang po! tapos games ulit at tapos na ang party. masaya naman...maraming muling nakita. nung powerdance kasi konti lang ang mga napansin ko. haaaayyy...pano kaya kung hindi ako nagpisay? ano na kayang nangyari sa buhay kong ito??? :)
nagjeep ako papuntang philcoa para maglunch, dala-dala ang regalo sa akin ni lea. naglalakad ako papunta sa jolibee nang biglang may tila kumiliti sa akin sa baiwang. sa paglingon ko, nakita ko ang isang gusgusing bata. hinihingi niya sa akin ang regalo ng kaibigang mahigit sa isang taon ko nang di nakita [yata :P ] hindi ko na muna cya pinansin. pumasok na lang ako sa jolibee at kumain. nakita ko sa repleksyon ng glass pane...sa likod ko, sa kabilang gilid ng salamin, naroon ang bata...lumilingun-lingon. naisipan kong ibigay na lang sa kanya ang peach mango pie ko. maya-maya, may isang lalaking kumausap sa akin. may fund raising daw sila, blah blah. wala ako masyadong naintindihan sa sinabi niya kasi busy ako sa pagkain ng spaghetti at burger. basta uhmmm...dahil daw sa tradisyong fund raising na iyon, ngayon ay nasa 3rd year college na siya. nagbebenta siya ng religious calendars. bumili naman ako. masaya at nakakatulong ako sa mga nangangailangan ngayong pasko. pagtayo ko sa aking kinauupuan, nakita kong nakatingin pa rin sa akin ang bata. pumunta muna ako sa cr at lumabas na. paglabas ko, sabi niya, "ate, akin na lang 'to", sabay turo sa regalong natanggap ko. sabi ko naman sa kanya, "ito na lang oh. regalo kasi sa akin 'to ng kaibigan ko," habang inaalok ang peach mango pie na kahit gustung-gusto ko talaga ay binibigay ko pa rin sa kanya. awwww...pinagpilitan pa rin niya pero maya-maya, tinanggap na niya ang peach mango pie.
masaya talaga ako. alam kong nakakatulong ako sa kapwa ko. marami na naman akong natatanggap na blessings eh. may mga mapagmalasakit akong mga kaibigan, isang maayos na eskwelahan, pamilya, basic needs, may bagong kotse at laptop, at marami pang iba. di ba nga may kasabihan..."share your blessings". marami kasing mga nangangailangan kaya hindi dapat maging gahaman. :) kaya sa mga gastador diyan...lalo na sa gumagasta ng mahigit sa P1500 para sa akin na hindi ko naman magulang, sa susunod naman, ibigay nio na lang sa charity or something like that. mas marami ang mapapasaya. :)
~~~~~~~~~~~~
mommy just called. may cancer daw ang aking closest ninang, si tita lisa. waaaahh...magpapasko pa naman... i prayed for her. go tita lisa! kaya mo 'yan! :)
2:07 PM