image
kesi's blog
image image image image
Saturday, December 22, 2007

concert, party, PARTY!!!


nung thursday, poof! nagising ako sa aking pagtulog sa sofa [tinulugan ko ang wowowee. hehehe]. sabi ni dadi, pupunta daw kami kasama na rin si ate joanne sa condo, sa concert, or something like that. wahaha! di pa nga ako nakakaligo nun. so, nag-ayos na nga gamit na dadalhin. para sa concert nina ate kitel sa manila hotel, para sa xmas party sa office ni mommy, para sa xmas party ng cherubs. haaay...parang napaka-sudden naman! eniweiz...sakay ang bagong kotseng probably taxi-to-be, pumunta kami sa manila hotel. may concert nga ang medchoir. kasama si ate kitel. duh. bakit naman kami pupunta kung wala man lang kakilala? :P naghintay muna kami ni ate joanne dun sa mga upuan. usap-usap, tingin sa price list ng mga bagay-bagay [wooh! P695 ang glass of champagne! :P ang san miguel beer, P125 yata. aba...more than P100 compared to srp...] habang naghihintay sa pagdating ni dadi mula sa parking lot. maya-maya, dumating na si mommy at maya-maya pa, dumating na rin si dadi. pumunta sila dun sa lobby-like hall tapos sumunod na rin kami ni ate joanne. dahil sa boredom, pumunta na lang kami sa cr. tapos bumalik ulit sa hall. hintay-hintay lang, tapos nung mga 7 na, nagstart na ung concert. [...sabi nung isang babae sa isang tabi, "anong choir yan?" tapos may sumagot sa kanya, "up madrigal singers". EH?!] basta maraming songs...hehe. ung 1st part, hindi na-videohan ni dadi kasi sira ung videocam :| pero ung 2nd part, navideohan naman niya. grabe si ate kitel. talagang kapag napapatingin ako sa kanya, kitang-kita...bigay na bigay. to the max ang facial expressions! hehehe :D pagkatapos nung concert, picture-picture, at umalis na kami papunta sa condo. past 9 na kami dumating sa condo. nag-dinner habang nanonood ng tv... at pinatulog na ni mommy nung 10:30 na [as usual, "tv curfew"]. dun kami natulog ni ate joanne sa kama ni ate kitel tapos sina mommy at daddy sa kutson sa sahig. hay naku. si ate joanne, ang hirap katabi. pinapatungan ba naman ako ng mabigat niyang legs?! :p

friday, hindi na naman ako nakapag-simbang gabi. di ako ginising ni mami eh. paggising ko ng 6, kumain na lang ako ng bibingka at nag-ayos-ayos. pag-alis ni dadi para ihatid si mami sa office, nanood lang kami ni ate joanne ng tv. maya-maya, pagdating ni dadi at pagkatapos maligo at mag-ayos ulit ng gamit, pumunta na kami sa pdic. pero pagdating namin dun, usap-usap muna sina mami at dadi tapos hinatid ako kasama ni ate joanne sa walter mart. bumili kami ng junk food, softdrinks [para sa cherubs party], at nestle cream. hinintay pa namin si dadi para makuha na ung mga binili namin tapos naglakad kami papunta sa office nina mami. doon, tumambay lang kami. kumain at nag-internet...grabe...nakakabusog talaga ung mga pagkain. tapos, meron ding games. meron din kaming mga natanggap na regalo...hehehe. nag-intermission pa nga kami ni ate joanne kaya may additional prize :D nung hapon na, dumating na sina liz at dadi. blah blah blah. nag-intermission number ulit kami pero ngaun, kasama na si liz. later, nung wala na kaming magawa at tapos na ang party, naglaro na lang kaming tatlo. wahahaha! it's what i call balloon relay. hehehe. higupan ng balloons 'to! :P

past 5 na kaming nakaalis dun. dumaan pa kami sa condo. eh 6 ang start ng xmas party ng cherubs so late nga kami. dumating lang kami sa bahay nina tita lenette nung mga 7 na. haaaayy...1 hour late. kinantahan muna namin ng musika, paraiso, at ang aming bati. hehehe. ansaya lalo na nung kinanta namin ung "ang aming bati ay magandang Pasko". nakisabay ang mga aso sa "aw! aw aw!" namin. nyahahaha! pagkatapos ng kantahan, nag-dinner na kami. tapos, exchange gifts na. ang nakabunot sa akin, si tito ringo. tapos.....buti na lang elem boy ang nabunot ko. 5 lang ang choices eh. pero nakakainis nga lang. nung huhulaan ko na kung sino ung nabunot ko, 2 na lang ang choices: sina paolo at macky. kaya 1 try lang. grr...worst case scenario! si macky ung pinili ko pero si paolo pala. beso daw pero ewan ko dun kay paolo. later, ang inakala pala nina gidell, high school na si macky. weh. so wala na ang beso ko...supposedly. hehehe. pagkatapos ng exchange gifts, binigay na ni tita ang aming mga regalo [coin purse] at xmas bonus. yaaayy!!! may pera ulit ako! meron na akong P1100! yippee!!!! tapos, nag-cards lang kami nina walter, ate joanne, michelle, patrick, josh, jacque, at kungsinu-sino pa hanggang mga hating-gabi. hehe. walang sawang pusoy dos at tong its habang nanonood ng wheel of fortune :p tapos, umakyat na kami ni ate joanne para manood ng anime...melancholy of haruhi suzumiya. maya-maya pa, nagkagulo na sa baba. nabasag ang picture frame ni tital len. tsk tsk. eniweiz, dahil sa ilang boring scenes dun sa anime, nakatulog na ako. sakto nga naman! kung kelan ako nakatulog, dun nagsimulang magsulatan sa mukha ng mga nakakatulog. grrr...30 mins lang naman ako nakatulog...waaaah! tuloy pa rin sa panonood ng anime, tapos princess diaries, blah blah. nag-discuss ang 09 + college people tungkol sa kahun-kahong drinks, breakfast, and something i would really like to forget. :| bad memories. si liz, nawala ang kanyang xmas bonus. tsk tsk. sayang ang money! bad memories. dumating na sina dadi, naghanap pa kami nina liz at ate joanne ng nawawalang pera, at nang sumuko na, sumakay sa kotse pauwi dito sa bahay.

pagdating dito, kain-kain, nakatulog na rin. sa bagay, 30 mins lang ang tulog ko excluding iglip-iglip. hehehe. pagkagising, lunch. tapos computer na. hehehe. how nice.

wow. 3 days to go. pero lalo akong nap-pressure...imbis na maisip kong malapit nang mag xmas, ang naiisip ko, malapit na namang magpasukan. roar. tatapusin ko pa ang school rumble ni gakki. magbabasa pa ako ng mog. magrereview sa health perio. aaaaggghhh!!! T_________________T

5:20 PM