Friday, December 07, 2007
PeRiO week from Monday to friday & bakasyon to-do list.
don't get it? poor you...anyway, blog post for the perio week.
december 3, monday: a very beautiful week starter! [p6 lt] pero pwede na rin...it's not that hard yet not that easy. sa p6 nga lang ako halos nagreview kasi akala ko may 100 mins am break bago ang math lt. gah. p6 -- break -- math nga pala. pagkatapos lang ng math ang pinoy which is a break too...masaya naman ang math lt. masarap manghula sa true or false...hehehe. so, pagkatapos nga ng math,
pinoy break. pumunta ako sa caf para maghanda ng terms para sa charades sa "amazing race" ng xmas party ng Rb. tapos, homeroom na. bigayan muna ng final gifts. binigay ko na kay koko ang necklace [hehe...ligaw...] tapos, sabi ko na nga ba, inabutan na lang ako ng nakabunot sa aking si jeffrey ng P150. grabe...nakakahiya. parang binayaran niya na lang ako...hehehe. kwento muna tungkol sa kris kringle. nung bigayan ng something useful at something brown, wala akong natanggap. awwww...naisip ko tuloy, siguro si maam docto ang nakabunot sa akin. masaya namang magpasahan ng regalo [wheee...reeses at rosary :) ] . the next week, sa pwesto ko sa p6 room, nandun ang tatlong regalo: something brown, useful, at rat. may sulat-sulat pang chalk sa table...tsk tsk. naisip ko nga, hindi naman siguro gagawin ni maam docto un. kaya naisip ko, malamang lalaking maagang dumarating sa pisay. dumaan ang ilang araw at naisip ko na ngang si jeffrey siguro 'yon...wahaha. so, nag-amazing race naman kami. ang boring dun sa pwesto ko sa 2nd floor back lob. pero nung dumating na ang groups X, M, A at S, sobrang gulo na. cyempre nagch-charades na ang 4 groups nang sabay-sabay ~___~
sa mga robong di ko pa nabibigyan, pasensya na...next year na lang :D eniweiz, kinabahan talaga ako. akala ko may mock exam talaga kami sa chem. parang group something lang naman. haaay. pag-uwi ko dito sa bahay, gumawa pa ako ng p6 labrep at comsci optional exercise [di man lang tumulong si robert...huhuhu]. grabe. parang ayaw kaming pag-aralin ng mga teachers para sa perio. gumawa na rin lang ako ng p6 reviewer, pinasadahan, at nagreview na para sa socsci.
december 5, wednesday: grabe. 9:30 ako natulog tapos 3 ako gumising?! 5 1/2 hours lang ang tulog ko! sobrang inantok pa tuloy ako habang nag-aaral nung umaga. p6 perio--> aaagggghhh! ang hirap. grrr.. socsci perio--> ooh...perfectable. joke lang. pero posible nga kung magaling ka talaga. pag-uwi ko sa bahay, sobrang distracted ako. nanood pa ako ng princess princess. nyahaha!
december 6, thursday: 8 ako natulog tapos 4 nagising. aba...8 hours :D nakatulog na kasi ako sa pagbabasa ng chem book. haay...chem perio--> wooh! laser C! pero mas mahirap pa rin ang p6 [sana po tumaas ako sa chem |o< <--nagdadasal. eng perio--> masyado kong kinareer ang ending ng in a grove. nyahaha. halos naubos na ang 30 mins dito. ung ibang essays tuloy, ang iiksi lang...bago umuwi dito sa bahay, dumaan muna ako sa philcoa at bumili ng champolettes :d hinanda ko na ang panregalo ko sa Rb originally [anklets/bracelets] pero naisip ko, ang cheap naman. lagyan ko kaya ng design? so, habang naghahalungkat sa aking drawer, nakita ko ang mga cutouts ni ate kitel originally para sa mga kaklase niya sa 8-bumblebee sa upis. inarbor ko na since mukhang di na naman niya magagamit. dinikit sa popsicle sticks na napulot lang dati sa pisay nung 1st year [hehehe] at sinulatan ng pangalan. 10 times ko namang sinulat ang "sulat ng bubuyog" sa isang bond paper para mapaxerox ko na sa ilang-ilang. grabe...ansakit sa kamay. halos namemorize ko na ung buong sulat. halos mamaga na ang kamay ko. anlakas ng ulan. pero pinilit ko pa ring mapaxerox ang bond paper na un para hindi ko na kailangang isulat pa nang 20 beses. gah. pagbalik dito sa bahay, ginupit ko na ung bond papers at nag-origami. mga 5 ko na yata un natapos ~____~
sa mga Rb, wag niyong itapon ang mga sulat na 'yan. di na ako masyadong nakapag-review dahil dyan. kung hindi man ako maging dl, dahil sa mga sulat na iyan...joke lang :) saka lang ako nakapag-aral sa math. mga 8 na yata ako nakapag-aral sa bio.
december 7, friday: last day of the year!!! yaay! yaaayy!! 9 akong natulog tapos 4 nagising. pwede na rin. 7 hrs. nagreview pa ako sa bio at medyo nagreview sa math. pagdating sa pisay, nag-share ako ng knowledge sa math. hehehe. wala lang. andaming nagpaturo. palibhasa ako lang ang nakapasa sa long test dati...joke! eniweiz, pinamigay ko na rin ang regalo ko sa Rb people.
sa mga Rb na ayaw ng bracelet/anklet na binigay ko, pasensya na. limited colors lang kasi yan eh. pero mabuti nang meron di ba? ambilis nga ng oras nun eh. ilang minuto lang matapos kong matanggap ang pink unnamed puppy stuffed toy mula kay arn-arn, biglang math perio na pala! ahhhggghhh... wag nang ipaalala sa akin iyang periong 'yan. grabe...andami kong nilaktawan. aaaahhhggghhh!!! di ko man lang nabasa ang iba sa mga nilaktawan ko. ano ba yun?! inuna ko kasi ung mga huiling part kasi un ung mga mahihirap pero recent lessons kaya di ko pa nalilimutan. grrr.... eniweiz, buti na lang may bio perio. i luv bio!!! 3 lang yata ung hindi ko sigurado :D pagkatapos ng bio perio, may chem peer evaluation pa. pero, dumaan sina dianne at verna. kinuha nila ung mga signed math lt para sa +2. kinuha ko ung akin pero paglabas ko sa bio room, wala na sila. ang nakita ko lang, si arn-arn na may dalang yellow cab box. sabi niya, buksan ko. naisip ko naman, hala! siguro ito na un! di ko inexpect na ganun kaaga... binuksan ko na at kilig naman ang mga Na na nakikiusyoso. "will u be my promd8" and nakasulat nga gamit ang chocolates. matapos ang tila isang oras na pagtayo, sabi ko na, yes... ano ba naman kung ireject ko pa. tsk tsk. well, it's more than what i expected for the day. akala ko ung stuffed toy na.. haaayy...pumasok na ako sa bio room at tinuloy ang peer evaluation. tapos, nung paalis na ako, naisip ko, hala! pano ko iuuwi ang malaking box na un? may mga napasilip pa...naki-usyoso...haaay. si patti, timmy, jio, sige! lahat na... so, dala ang yellow cab box sa right arm, bitbit ang bio book, stuffed toy, at green folder sa left arm, at nakasabit ang pink bag sa left shoulder, nilisan ko ang pisay at sumakay sa padyak. habang tumatawid sa intersection ng agham at q ave, naisip kong dumaan na lang sa chowking para maglunch. nagjeep ako papunta sa philcoa. pagdating ko dun, habang naglalakad papunta sa chowking, sabi ng nadaanan kong guard, "aw! aw!" nyeee...eniweiz, pagpasok ko, nilagay ko ang lahat ng gamit ko sa isang malaking table. may mga napatingin. curious siguro kung ano ang nasa loob ng yellow cab box. nag-order na ako ng beef chao fan at naghintay. pagkatapos kumain, pumunta naman ako sa mercury drug para bilhan ng champolettes si liz saka lang nageep pauwi. pagdating dito sa bahay, gumana nga ang plano ko. umalis na si dadi para ihatid si rj at magsundo sa pisay. hehehe. so, picture picture para ilagay sa multiply at sa blog post na ito...antagal nang nagt-type dito sa blog...haaaay...
bakasyon to-do list:
1. pag-aralan ang moonlight sonata and/or

2. flight of the bumblebee

3. rubix cube...

4. ubusin ang sangkatutak na chocolates

mula sa yellow cab box

na sa simula'y ganito ang itsura:

5. pumunta sa rehearsals ng cherubs para sa concert sa trinoma dec 16

6. pumunta sa upis
week days. :D
7. greet people and celebrate a merry xmas and a happy new year!!
8. review for health perio...agggghh
9. tumalon sa new year :P
10. str.
12:00 PM