Sunday, November 25, 2007
gaaaah.
ngayon lang ulit ako magb-blog since...WHAT?! november 13!!! waah. halata namang super dooper busy di ba? so...november 14...*tingin sa planner*
nov. 14: ewan ko ba. nothing special. [kaya nakakainis kapag hindi nakapag-blog sa matagal na panahon]
nov. 15: kabaliwan sa pe. sa paghihintay sa pag-alis ng Na [?] sa dance room w/ holey floor, nag-pingpong na lang ang ibang boys. pero, since wala silang paddle [or bat :| ], kamay na lang ang ginamit nila. yeah! backhand!!!
nov. 16: chem lt. grabe. super di ako maka-concentrate nun. gaaahh!!! kasi naman. super ingay sa labas. may nagp-practice yata ng paskorus na anlakas-lakas. siguro sa 2nd floor front lob [sa dati naming practice place...awww...]. so un. ang
ingay not actually ingay since they're making music. uhmm...lakas. AAAMEN, AAAMEN, AAAAAAAMEN... >_< waaaahhhhh!!! ansarap sigawan ng TUMAHIMIK MUNA KAYO...PLEASE!!! NAGLO-LONG tEST KAMI DITO EH!!! grrrr...eniweiz. nung hapon, may cherubs. nag-commute lang ako kasi may meeting para sa eng exhibit. ang ganda ng naabutan ko. isang song lang ang kinanta ko. late na kasi akong dumating, maaga pang natapos ang rehearsal. pero, sobrang nakakabaliw! nung nagp-practice ang upis people w/ ate joanne and kuya gabby, sobrang lutang sila. hehe. lalo na ung alamat ng dilis. :))
nov. 17-18: ewan ko. nagsipag lang akong gumawa ng popups na di naman nagamit sa exhibit. :(( nag-brainstorming din ako para sa comsci calcu. naisip ko nga, how would maam mendoza expect us to do this in 2 meetings?! pero, nag-move naman siya ng deadlines. yay?
nov. 19: nag-practice ang group namin [timmy, dianne c., ako, gabby, rb, pao] ng waltz. grabe...di ko na maalala kung ano ang mga ginawa namin nun. sasayawan namin ang moon river. un lang. onga pala! nung homeroom, bigayan ng something brown at something useful. hehe. ang ewan ng strategy ko. pero, mukha namang nasiyahan siya :) nagsimula na rin akong mag-drawing ng anime stuff para sa exhibit. nakakahiya naman kasi kay zaldy...may 3 drawings na cya nun. nag-drawing ako ng mirmo. yay! pero bday ni ate grace kaya pumunta pa kami sa palawan. cyempre, kainan... ang late na naming natapos dun. kaya nung gabi, nag-cram na lang ako para matapos ang mirmo drawing ko. pasaway nga ako eh. halos 12 na ako natulog kahit pinatulog na ako ni mommy nung 10:30 na. hehe.
nov. 20: ipinagmalaki ko si mirmo. sinimulan ko rin si chacha nung lunch break. tapos, dahil 1:40 ang uwian, gumawa na rin ako ng cardcaptor sakura. antagal gawin nun. buti na lang walang cherubs. tumulong na rin akong gumawa ng lanterns. :)
nov. 21: palapit na nang palapit ang eng exhibit day. sobrang nagc-cram na kami nun. gabi na rin akong nakakauwi. 6:30 yata akong umalis sa pisay.
nov. 22: nag-practest ako sa pe. ok naman...di nagkalat. tapos, pagkatapos ng pe, gumawa na kami ng eng. nag-ayos kami ng mga gamit-gamit, nag-ayos na rin ng posisyon ng mga bagay-bagay. nag-propose din ako kay patti na gagawa pa ako ng 2 anime drawings para sa boards malapit sa entrance. so, nag-cram ako nung gabi. maaga rin akong umalis [6 pm...maaga...] sa pisay para maagang makapagsimula. grabe nga nung gabing yun. para akong nakikipagkarera. nagtatatakbo kung saan saan. dumaan muna ako sa ever para bumili ng 2 yellow cartolina at charcoal pencil. natapos ko naman sina inuyasha at mikan :)
nov. 23: eng exhibit. ang blanko ng exhibit naming contemporary japan. puro walls lang ang may laman. may manga ni mae, anime drawings namin ni zaldy, hello kitty stuffed toys ni patti, national something building nina king, etc. etc. meron ding mapapanood na anime. wheeee... princess princess...ang ewan. merong ewan ko...wasabi DRINKING contest yata. "treasure hunting" and other stuff...may nag-cosplay [ako rin sana pero ayoko...] at kainan ng sushi at noodles. all in two ub's. nung hapon, wala nang pumupunta sa exhibit. inalis ko na ung drawings ko [kasi baka manakaw ng iba...] except ung chacha. ibibigay ko na lang un kay maam bernal... tapos, maaga kaming umalis nun [sumabay na ako kay dadi]. pupunta kasi kami nun sa concert nina ate kitel sa philam life theater. masaya naman. maganda ang pwesto namin...4th row lang naman. masarap ngang mag-criticize ng ticket na gawa ni ate kitel w/ my opinions [ako ung nag-suggest ng red background!!!]. hehe. late nang natapos ang concert. late na rin kaming dumating sa condo para mag-dinner. nanood kami ng bubble gang habang kumakain. hehe...lethal injection-->little injection. ouch. ganun ako dati...hehe. tapos, natulog na...
nov. 24: 6:30 kami bumangon. nag-ayos ng gamit, tapos umalis na. pagdating dito sa bahay, naligo at naghanda para sa family day ni liz. late na nga kami dumating. tapos na ung dance number ng section ni liz. sayang lang ang practice niya dito sa bahay at ang magandang costume na hinanda niya. kawawa nga ang ibang mga schoolmates niya. may saturday classes. yuck. masaya naman. di tulad ng dati niyang family day, may game na kasali ang siblings. yay! topher's blah. pero talo naman...awww.. pero masaya naman. sobrang nakakabusog. may spaghetti, chicken, cake, donut, etc. etc. andami talagang pagkain. may giveaways pa. dahil lang sa family day na un, may 3 rubics cube na kami. may nakuha rin si liz na bagong bag at cap at purse. dahil nagsayaw si dadi ng papaya song, meron kaming isang jar ng stik-o. yaaaaayyy!!!
nov. 25: eto...nagb-blog nang muli. antagal na kasing di nagb-blog. hehe. haaaaayyy...sana mag-pasko na. eniweiz, gagawa na nga ako ng homework. ah. onga pala. nawala ang bio homework ko!!! grrrr... ung electric fan kasi sa comsci room eh. pinalipad ang mga laman ng clearbook ko. grrrrr...nawala rin pati ung kopya ko ng chem homework...grrrrrr!!! ooohhh...halos 1 hour na akong nagb-blog. hehe. sige. un na lang. see you next time, aking blog!
7:17 AM