image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, October 16, 2007

weh?!


gumising ako bago mag-5. siguro mga 4:30 am. nanaginip kasi ako. may inaayos ako kasama sina liz at dadi. nag-iisip ako nun kung paano ako magpapaalam kay dadi para makapunta sa party ni quintin. nung chance ko na, tinanong ko na si dadi. tinanong naman niya kung may iba pa akong kailangang gawin nun. the end. so...yes or no? well...di ko alam. pero siguro di ako papayagan IF EVER magtanong ako...

so. dahil maaga nga akong nagising, nag-notes na ako sa socsci, naligo, tapos nagcomputer at nag-breakfast ng kanin w/ hotdog na sinabawan ng coffee. :d nung dumating na si dadi, cyempre sakay na sa sasakyan. tapos na nga pala ang 3-day vacation...kahapon pa. :|

pagdating sa pisay, nag-review na ako sa math...hanggang dumating si maam docto. bio na naman after 1 week. at ang ginawa lang namin nung period na un, nagcram--labrep, reflection paper, hw. gah. bad start for the day.

socsci. silent charades...grabe nga eh. ansaya ko nung ako ang nag-cause ng pagkakaroon ng group namin ng 2 points out of 8. ako ang nag-contribute ng 1/4 ng score namin! yay! wala lang. ako kasi ung naka-gets nung ginawa ni jio...*some portions erased. bawal ipagkalat ang sagot. beh* har har har. at dahil masaya ako nung socsci period na un, nakalimutan kong may math quiz pa pala.

math. sinimulan ni maam de joya ang period sa pag-distribute ng long test results. grabe kaya...SUSPENSE! lahat ng mga kumukuha ng papel nila kay maam de joya...sinabing bagsak sila. pati ba naman ang math nerd na si alvin! naisip ko tuloy...pano na ako? bagsak na rin siguro. lalagpak ang grade ko sa math niyan...suspense...SUSPENSE!!! tapos, last na binigay ni maam ung papel ko. silip. ayaw mabighani. ayaw ma-heart attack. tinanong ni verna kung pasado ako. di ko naman alam kung ano ang passing score. di naman ako magaling mag-mental. tinanong kung ano ang score ko. 26/43. sabay sigaw niya. "WOW! PASADO KA!" naisip ko naman nun, weh?! ansaya ko naman nun. ako lang daw ang pasado sa Rb!!! thank you Lord! alay ko 'to sa Iyo!!! manghang-mangha sila sa akin. flattered naman ako :D kahit pasang-awa lang pag-compute ko sa sci cal, pasado pa rin naman di ba? tapos, di ko pa mabitawan ang long test ko nun. kailangan na pala naming mag-discuss ng cotangent graphs. pagka-discuss, 30 mins pa. quiz! hanggang 1st bell...nag-review pa ako. nag-discuss naman ng answers hanggang 2nd bell. grrr...may mali. pero, oh well...at least pasado sa long test! :D

str. hindi ko alam...kailangan na palang mag-pass ng individual rrl. wala akong balita nun. kailangan ko pang mag-cram. [at dapat nagc-cram na ako ngayon sa halip na nagb-blog]

lunch. as usual, library. nag-memorize ako ng mga tula para sa filipino. un lang.

robo. wala naman akong kailangang gawin kasi exempted kami sa alishan thingy kasi nagawa na namin un sa pro many weeks ago...kaya nagbasa na lang ako ng mog.

chem. nagdiscuss muna si maam velasco. tapos, ewan ko kung ano ung ginawa namin nun. kung quiz ba o seatwork o ano. basta.

paskorus meeting. 1st meeting ng rb paskorus singers. yay! wala lang...nagdiscuss ng stuff sa caf. oohh...may tugma! [nyaa...impluwensiya ng pinoy!]...tapos nagbasa ng mog, at lumayas na. pinag-isipan ko pa nga kung aalis na ako o hindi pa kasi may jade reunion pa. eh wala pang 2:30 nun. nakaka-tamad namang maghintay. kaya hindi na ako nakapunta sa reunion/bday party nina haj at michiko. awww...

pagdating dito sa bahay, umiral ang pagiging vain ko. nasayang ang oras...hanggang mga 4, VANITY! [link!]

str time! CRAM TIME!!! nooo...sana wala nang distractions...[pero asa pa ako.]

5:03 PM