image
kesi's blog
image image image image
Sunday, October 14, 2007

retreat [cont'd]


day 3

6 ulit ako nagising. naligo na ako tapos nag-ayos na ng gamit. hinintay ko pang matapos maligo si patti bago pumunta sa dining hall. iba ung kasama kong kumain nun kasi hindi pa lumalabas sina verna... kaya, pagdating nila, tapos na akong kumain. binigay ko na ung mga bagong gawang palanca kina dastynne at erin tapos pumunta ako sa simbahan. dun ako nagpalipas ng oras at nagdasal for 30 minutes tapos pumunta na ako sa cottage namin. nag-ayos pa ulit ako ng gamit bago bumalik sa chapel para sa mass. pagkatapos ng mass, kain na ng last lunch. awww... tapos, balik sa kwarto. nag-ayos pa rin ng gamit at medyo nag-relax, dumaan din ako sa souvenir shop at bumili ng keychain, pasalubong, at hat. bumalik sa cottage, tapos, nagyaya si patti na sumama sa pink sisters convent. sumama na ako. kasama namin sina carmel, timmy, bea, edz, at dalawang teachers...si maam avancena at maam paz yata. nag-rosary kami [kahit wala akong dalang rosary] habang naglalakad at nag-eenjoy sa views. antagal nun kaya naisip ko, siguro tapos na sila magbatch picture. at pagbalik nga namin sa angels' hills, nandun na ung mga bus at nakalabas na ang mga gamit ng mga ka-batch namin. bigla kong naisip si kelsy. nasa akin kasi ung susi sa cottage namin...hindi siguro siya makapasok. habang papunta kami ni patti sa cottage, nakasalubong namin si kelsy at sumabay na siya sa amin. kinuha na namin ang mga gamit namin at nagpaalam na sa room 25B. tapos, dinala ko na ung gamit ko sa bus. tapos, batch picture taking. hehe...antagal naming nakasmile nun. bilad na bilad pa kami sa araw. pagkatapos nun, solo pic :P tapos boarding na sa bus...anlabo nga kasi pinapalipat tapos pababalikin ulit sa kungsaan-saang bus...tapos, umalis na kami...awww...next year na lang ulit kami makakabalik sa angels' hills...sana...o kaya posible ring sa ibang lugar na. dun sa bus, mas comfortable na ako dahil si kelsy na ang katabi ko...roommate! mahimbing ang tulog ko hanggang sa taft. simula doon, kinain ko na ung tira-tirang snacks ko. at, pagdating sa pisay, hinintay ko na lang sina mommy at daddy.

pero, bago umuwi, pumunta muna kami sa ospital. dinalaw namin si tita norms. doon sa room niya, nanood kami ng interview kay pacquiao ["...you know..." :)) evil me...] tapos uaap. kumain din ako ng kfc. :d tapos, umalis na kami. dumaan muna si mommy sa ukay-ukay para maghanap ng vest para kay rj tapos pumunta naman kami sa ever para mag-takeout ng pizza sa pizza hut. yay! pag-uwi sa bahay, kinain namin ung pizza tapos kwento-kwento, labasan ng pasalubong, at kulitan... HOME SWEET HOME!!! <3

10:45 AM