Thursday, October 04, 2007
perio days 1 & 2
2:37 ayaw talaga sa akin ng dsl…pinapa-aral na ako… :|
Sige…gawa na muna ng post habang hindi pa tumitino ang internet…
Perio day 1
Chem: wheee…I love chem!!! <3>
*kumonekta na ang dsl. Pero mukhang mawawala ulit…*
*tingin sa firefox window…bumukas na ang homepage! Yaaayyy!!!*
*sign in sa ym*
*bukas ng tab sa blogger…dun itutuloy ang post*
2:45 “Error Lander” grrr…kainis. Nadisconnect na naman… x_x
Oh well…tuloy ulit…
Eng: tinapos ko ung kgw booknotes nung weekend. Hehehe. Ok lang naman un di ba? At least nakuha ung concept ng story. :P nagbasa lang ako ng vocab tapos un na ung review. Hehehe.
2:49 naka-connect na ulit!!!
*refresh ng blogger window*
*Ctrl+A, Ctrl+X, Ctrl+V*
Hehe…wala lang…
sige tuloy ulit...
eng: grabe. andami kong hinulaan sa objective part... :| pero pwede na. papasa naman siguro ako. tapos ung "essay" ko...halos 1 sentence lang...tapos worth 10 points siguro isang essay :| halaaa...
pagkatapos ng perio, pumunta na ako sa library para mag-reading notes para sa bio. review na rin un...hanggang 12...dumating na kasi si dadi. pagdating sa bahay, kumain ng lunch tapos review agad. yep...sipag... cyempre bio eh. i <3 bio. hehehe. saka cyempre nagreview rin ako ng math. oo nga pala! nainis ako sa buhok ko nung wednesday. mukha kasi akong bruha! wahahaha! nakalimutan ko kasi ung suklay ko dito sa bahay. tapos ang dry ng buhok ko...nag-shampoo kasi. grr... bakit ko nakalimutan ang suklay ko? kasi naman super nagmamadali na ako nung umaga nun. dahil ulan nang ulan, hindi nakapag-sampay ng bagong labang damit. nag-halungkat pa tuloy ako ng mga gamit... :| naiyak pa nga ako nung umaga kasi inis na inis ako... [ahh...iyakin ako...]
nag-review nga ako ng bio at math hanggang 3:15 tapos relax muna. nag-piano ako hanggang 4 :D 45 minutes nagpiano... saya! tapos resume ng pag-aaal hanggang 6, tulog, kain, review.
maaga akong natulog...mga 8:30 siguro. pero next day...
Perio day 2
5 ako nagising. hehe...more than 8 hours of sleep. tsk tsk. nag-review ulit ako sa kwarto hanggang 6. naligo, nag-ayos ng gamit, at kumain. dumating sa pisay...7:10. review review... wait. hindi pala ako masyadong naka-review kasi may nagpaturo tungkol sa circles. ehem ehem... n-- never mind. dumating na si maam docto at di ko man lang nasilip ang reviewer na ginawa ko. :|
math: madali ung first part. nag-laser ulit ako ng 6 numbers. go C!!! sana lucky letter!!! wait lang...definitions muna.
LASER: pare-parehong letter ang sagot sa hindi alam.
SHOTGUN: iba-ibang letters
ok? gets??? :P sayang. kung mas marami pang time, pwedeng ma-perfect un...joke lang. pero posible nga.
bio: ok naman. buti na lang nag-reading notes ako. hehehe. mas na-appreciate ko na ang reading notes. pero grabe kaya. may na-skip akong isang number kaya lagpas 10 ung naibang sagot ko. buti na lang maaga kong natapos ung test at pinalitan ko ung mga sagot ko. review review hanggang maubos ang time. wala namang mawawala kung mag-review di ba? [oras lang] may dalawang sagot akong pinalitan. pero, namomroblema ako dun sa isang question...kung fibrinogen or fibrin...fibrinogen ung sagot ko...hindi naman kasi protein ang fibrin di ba? :/
pagkatapos ng bio perio, nag-notes na ako para sa socsci. tapos, nung 12 na, pumunta ako sa reading center para sa socsci review. may athlos at ka-group ko sina jio at timmy. grabe ung mga tanong. hindi kasama sa mga napag-aralan ko sa library. pero ok lang. 21/30 kami. tapos nag-recite din ako. :P tuwang-tuwa tuloy si quintin :| hehe. natapos kami 1:30 tapos nagcommute ako papunta sa philcoa, nag-merienda/lunch, at nag-commute pauwi. *tingin sa computer clock* hala! 3:47 na!!! kailangan nang magreview pero nagb-blog pa rin. lagpas 2 hours na ako dito!!! waahh...
...wala pa akong nahahandang gamit p[ara sa retreat. sana naman tuyo na ang mga damit...11 pa rin ang mga palanca...wahh...di pa ako nagrereview sa physics...tama na ngang blog!
*END OF DISTRACTIONS*
2:50 PM