image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, October 09, 2007

perio day 3, retreat, 3rd quarter 1st day [cont'd]


retreat

day 1/perio 3rd day

habang nasa sasakyan, nagnotes ako sa socsci. pagdating ko sa skul, sinubmit ko na kay maam bawagan ung filler ko tapos nagreview agad ako...

physics: ok naman ung sa simula pero biglang puro computations na nung part ng 20s...grr...nagskip muna ako tapos binalikan ko na nung nagbell na x_x. go laser C!!!

socsci: buti na lang nag-attend ako ng review. may mga nadiscuss kasi dun na hindi masyadong naituro sa amin at lumabas sa perio. pero as usual, nagpanic ako sa open-notes time. hindi ko alam kung ano ung uunahin kong hanapin sa filler. pero siguro naman pumasa ako.

nang tapos na ang lahat ng perio, anlaking relief. pumunta na ako sa library para gumawa ng palanca drafts [kasi naiwan ko ung mga papel sa sasakyan kasama ng retreat stuff ko] hanggang 12...nung dumating na si dadi. saka lang ako nagbihis, naglibut-libot, at pumunta sa front lob para sa assembly. ka-bus namin ang be. grabe nga eh...nahuli pang nakapasok ang girls ng rb sa bus. katabi ko tuloy si nikolai >_< [oo na...masama ako...*dasal muna ulit kay God for forgiveness*] gusto ko pa naman sanang katabi si kelsy...waaahhh...mukhang nakatulog ako sa halos buong biyahe pero nakapikit lang ako nun. pano ba naman kasi ako makakatulog nun kung ang init at napaka-uncomfortable ng pwesto ko? ang ingay pa kasi may tv at nanonood sila ng wowowee...nung nairita na ako sa isang oras na pagkukunwaring natutulog ako, bumangon ako. dun naman nagsimulang magtanung nang magtanong ang katabi ko. >_< *dasal ulit* gusto ko tuloy bumalik sa pagkukunwari. pero well...no choice...

pagdating sa angels' hills, masaya ako dahil natapos din sa wakas ang mahabang biyahe. nagsnacks muna kami saka nag-orientation. ka-room ko sina kelsy at patti cruz. :D dun kami sa 25B. pagkatapos ng orientation, binigay ung susi tapos pumunta ako sa cottage. nakisabay pa ako kina ate dyane nun kasi hindi ko mahanap sina kelsy at magkatabi lang naman kami ng cottage nina ate dyane. pagdating nina kelsy, nag-ayos kami ng gamit at namili ng gagamiting kama. dun lang muna kami. gumawa ako ng konting palanca tapos pinabalik sa conference room. usap-usap lang ulit tapos dinner na. sa retreat, kasabay kong kumain ang mga girl dormers. masarap ang pagkain ng angels' hills... :D kinuha ko kay kelsy ung susi namin pero nagkaligaw-ligaw pa ako nun. hehehe. sumabay na lang ako kina verna at hinatid nila ako kina ate dyane. nakipag-kwentuhan sila dun at pinaampon ako sa mga kapitbahay. :P tapos, nung gabi, may activity ang batch namin. may puzzle munang bubuuin para malaman ang groupmates. ako ay group circle! yaay! tapos, bring me...blah. haaayy...hindi naman lahat nakapagparticipate...aww... pagkatapos ng activity na un, bumalik na kami sa cottages at gumawa pa ako ng mga palanca hanggang mga 12. tapos, natulog na. pero gising pa rin si patti nung natulog ako. nagbasa pa siya ng libro saka nagcram din ng palanca. natulog kami habang nakikinig sa religious songs :D

day 2

nag-alarm ang cellphone ni kelsy ng 6 am. ako nga lang ung nagising. ginising ko rin si kelsy kasi siya ung pinakamalapit sa akin. nag-ayos ako ng kama at naligo na. pupunta sana ako sa 6:30 mass noon kaso nga lang naligaw nga ako kaya hindi na ako nakapunta. tinuloy ko lang ang pagcram ng palancas. [final count...28+] pumunta na kami sa sto. nino hall at nag-breakfast. tapos, naglibut-libot muna ako para magsubmit ng palancas. tapos, talks na. ang nag-talk forever ay si bro. francis jonathan. "free gift of God". talk sa boy-girl relationship, break. talk sa coping with moods, lunch. talk sa conflict and rebellion...grabe 'tong mga talks na 'to. dito lang ako talaga tinamaan. marami akong nakilala...super iyakan nung nakapikit tapos magi-imagine and stuff. tapos yakapan. awww...mostly girls ang niyakap ko tapos 2 boys [jaders! guess who...obvious naman eh :P ] tapos, break ulit. bumalik ako sa room para gumawa pa ng palanca tapos early dinner na. tapos, human bingo. papapirmahin ung isang tao sa isang description...blah blah. grabe...ayon sa aking statistics, pinakamaraming nagpa-autograph sa akin sa "someone you can enjoy the silence with". hehe...duh. tapos, palanca time! nag-circle per section tapos bigayan ng candles and envelopes. nag-light ng candles...napaka-dramatic...tapos nagbasa ng palanca. halos di naman ako naiyak sa pagbabasa ng palanca. dun lang ako naiyak sa letter ng parents. hindi lang kasi ako makapaniwalang nasa top 10 pala ako ng rb. woohhh!!! grabe...matalino pa rin pala ako sa kabila ng nagbabagsakang long test sa chem. nung binuksan na ung ilaw, nagbigay pa ako ng mga palancang hindi pa naibibigay tapos bumalik na ako sa room kasama nina kelsy. pabalik-balik naman ako sa conference room para magbigay ng bagong gawang palanca [in short, crammed palancas] at para magmerienda [uhmmm..."midnight snack" daw]. bumabalik din sa kwarto para magbasa ng palanca...nagcram din ako ng palancas para kina dastynne at erin. hehe...mga kasama sa kainan! :D kami nina kelsy at patti, dun lang sa cottage namin habang ung ibang tao, nakikipagchikahan pa sa kapitbahay. maaga na lang kaming natulog...

speaking of tulog, kailangan ko nang matulog...ayokong late magising bukas. :P to be continued na lang ulit!

9:08 PM