Monday, October 08, 2007
perio day 3, retreat, 3rd quarter 1st day
simulan natin sa pinaka recent...
3rd Quarter 1st daylate ako nagising...mga 5:30. si liz kasi eh...hindi magaling manggising. [saka 10:30 ako natulog kagabi. nanood kami ni ate joanne ng conan :P ] waaahh...kailangan ko pa naman sanang mag-ayos ng mga gamit ko...so, super nagmadali ako kanina. hindi na ako nakapag-agahan kaya sa sasakyan na lang. pagdating sa pisay, naglagay muna ako ng gamit sa locker tapos bumaba na para sa flag cem.
tapos, physics. nangolekta si sir lim ng homeworks [konti lang KAMING RESPONSABLE] at nagdiscuss tungkol sa kepler's laws. ansaya nung pinakita ni sir na example sa halley's comet [hehe...ambabaw ko]
break! pumunta ako sa caf at nakiupo kina koko. nagpaka-nerd na ako habang nag-uusap sila nina jio, criselle, at benetz. gumawa kasi ako ng physics problems eh [kahit sa wednesday pa due]...yep yep! sipag ko talaga!!!
math break ulit. sabi ni maam de joya, pahinga muna kami. yaaayy!!! tuloy lang akosa pagpapaka-nerd.
filipino...sinabi lang ni sir jogon kung ano ung gagawin for 3rd quarter. tapos, tapos na! pumunta muna ako sa caf tapos, bumalik sa library para magpaka-nerd ulit. tinapos ko na ung physics...
homeroom! uhmmm...nangumusta lang si maam tungkol sa retreat, pinakita rin ung perio results sa bio...saka ko na lang ipopost ung perio scores ko...o kaya hindi na. tapos, binigay ung paskorus piece. "diwa ng pasko". hindi ko alam un. pero...ung mga dati rin namang kanta sa paskorus di ko rin alam pero natutunan naman :)
lunch nerd time. pumunta ulit ako sa library at tinuloy ko pa rin ung physics. tapos, dumating si maam osit at nagsabing pinapapunta ako ni maam bernal...blah blah. pumunta kami sa 3rd floor audi. speech nga pala ng 2nd yr. at judge si maam. pumunta ako sa kanya tapos binigay niya sa akin ung ipapagawa niya sa rb kung sakaling late matapos ung contest. bumalik na ako sa library, at tinapos ang physics saka pinaxerox.
english. sinulat ko sa blackboard ung binigay ni maam bernal tapos dumating na siya. wala lang. sinabi niya ang feedback niya sa perio. ayaw daw niya ng maiksing essay. ouch. ayaw rin niya ng sulat langgam. ouch ulit. pero nilakihan ko naman YATA ung sulat ko sa perio. malaki naman lagi ang sulat ko tuwing english.
chem break. walang chem. pumunta ulit ako sa library at nagresearch naman ako ng poems para sa filipino na next week pa rin ang deadline. ang haba ng mga poems na nakita ko kaya ansakit sa kamay magsulat. kaya tumigil muna ako magsulat 10 minutes bago mag-bell kasi ayokong nangangawit ang kamay ko kapag nag-pingpong na kami.
pe. tournament kami. nung una, mga 1st 20 minutes, nagdiscuss si sir rojas ng rules. tapos laban na. nanood muna ako ng laban nina verna at cel. panalo si cel...siya ung nasa right...un ang swerte place sa kanila. tapos, kami naman ni koko. panalo ako! ako naman ung nasa left...dun ang swerte sa laban namin ni koko...wheeee...saya! andaming beses nga naming nag-tie eh. kinareer pa namin ung last match. pero hindi naman umabot sa first to 15 :P
pag-alis sa gym, dumaan ako sa shb at nakita ko ang chem perio results. wheee!!! 36/50 ako! yaayy!!! pasado!!! nagcommute ako pauwi...medyo nanood ng tv, nag-late lunch, at nagcocomputer na ngayon. hehe. anong oras pa kaya ako matatapos sa blog post na 'to? oh well...wala namang kailangang icram. saka nga pala...nagn-noteworthy na ako ng paskorus piece...grabe...ang cool!!!
may halo pa rin ako galing sa retreat. sa tuwing nagkakasala ako, tumitigil ako para magdasal at magsorry kay God. 0:)
retreatDAY 1/
perio day 3grabe...nagpanic na ako nung umaga para maghanda ng gamit sabay sa pagrereview. hindi na nga ako masyadong nakapagreview eh.
[to be continued...]
4:46 PM