image
kesi's blog
image image image image
Thursday, October 18, 2007

pagpapaalam


bday ni quintin bukas. kaya kahapon...

ermm...galing sa chem unit...pagkatapos kumopya ng acetate-notes

timmy: hey partner! bonding tayo.

lakad-lakad ng konti...

timmy: pupunta ka ba sa party ni quintin?
ako: di ko pa sigurado...
timmy: bakit? may transpo naman ah...
ako: di ko pa natatanong eh.

tahimik lang ako. smile ng konti tapos punta na sa 2nd 1 1/2 floor [nasa hagdan lang]. at bumaba nang tuluyan kasi nandun na si dadi. pinag-isipan ko pa nun...pupunta kaya ako? magpapaalam ba ako o tatakas na lang? papayagan naman kaya ako? maraming katanungan sa aking isip. minsan lang kasi pumayag sina mami at dadi sa mga ganitong party-party...

habang nasa l300, nagbasa lang ako ng mog. hanggang nakumpleto na ang mga ka-schoolbus...hindi ko pa tinanong si dadi nung wala pa ung busmates ko. para kasing wrong timing. napasilip ako sa bulsa. nakita ko ang listahan ng mga supplies na kailangang bilhin. nakalimutan ko nga palang ibigay nung umaga. at biglang naisip ko...ang plano.

ang plano: bago dumating sa bahay nina don, kinuha ko ang listahan at ang invitation. tiniklop ko nang magkasama. sa harap ang listahan, invitation sa likod. pagkarating kina don, "ay dadi..." sabay iniabot kay dadi ang dalawang papel na nakatiklop nang magkasama.

tahimik lang ako. naghintay ako ng sagot. siguro binasa ni dadi habang nagd-drive... tumingin siya sa salamin at nakita ang repleksyon ko. sabi niya sa imahe, "pwede bang ikaw na lang ang bumili nito sa ever?" akala ko naman kung ano. suspense pa man din. iniabot niya sa akin ang listahan at maya-maya'y iniabot ang P120. binaba niya ako sa ever at dumiretso ako sa expressions at namili. kulang pa ang pera kaya't inabonohan ko na ang pamasahe sa jeep pauwi at ang P4.25...kulang pa nga kasi ang perang binigay.

pagdating ko dito sa bahay, gumawa na ako ng hw. pagdating ni dadi mula sa simbahan, napadaan siya dito sa study room. tanong niya, "magkaklase ba kayo ni eusebio?" at umiling ako. bigla kong naisip. ano kaya ang ibig sabihin ng tanong na iyon. payag o hindi?

nang sumunod na araw [kaninang umaga], tinanong naman ako ni dadi "gusto mo ba pumunta dito? may kasama ka ba?" parang...ako naman...wow! it's my choice! minsan lang ang ganito sa pamilya. may levels nga kasi. at mas mataas ang parents sa children. kaya kung ano ang gustuhin nila, masusunod. ikinibit ko lang ang mga balikat ko. ewan.

pagkarating dito sa bahay, tinanong ulit ako. "o. pano na?"

...

so...pinayagan na nga siguro ako. pagdating naman ni mami "kanino ka kaya pwedeng sumabay?" sabi ko kay timmy. pinayagan na nga ako pero pwede pang magbago ang pasya. malalaman na lang talaga natin kapag nasa loob na ng bahay na pagdarausan.

wala pa akong naihahandang damit. buti na nga lang at tinapos ko muna ang str group rrl bago magblog. matagal na sa clear folder ko ang bio hw. eng essay na lang. pero, oh well, pina-type ko na kay ate joanne ung ibang parts habang naglelettering ako ng poster ng youth camp para rin bukas. konting dagdag-bawas na lang tapos na ako. yay!

6:24 PM