Monday, September 17, 2007
umuwing talunan ang pesimistikong optimista...
4:30 ako gumising kaninang umaga. klangan kasi, 6 nasa pisay na para sa pro. sina patrice, allen at william...sabi nila 5 sila pupunta. pero masyado namang maaga kaya 6 na lang. nag-fx ako kasama ni mommy papunta sa agham tapos nag-padyak. pagdating dun, binigay ko ung paperbag na gagamitin sa dikum sa guard tapos dumating si maam xavier. pumunta naman ako sa robo room. hindi naman nagp-program sina william, allen, at patrice. nag-ayos na lang kami ng gamit at sumakay sa pisay van...umalis na sa pisay...6:30 am...
sa van...tahimik lang. may konting kwentuhan pero tumitigil-tigil. after 1 hour...dumating na kami sa alabang town center. naghintay muna kami sa labas ng van kasi pupuntahan pa ni maam xavier sina dem at ced. pagbalik ni maam, pumunta na kami sa loob at nag-ayos ng gamit. marami nang nandun pagdating namin. puro nagt-test ng robot...kaya nagtest na rin sina william. ginawa naman ni dem ung walking robot para rin magtest...9 dapat magsisimula ung mismong program pero 10 lang dumating ung mga taga-felta kaya late din nagsimula. pagkatapos ng opening, nag-meeting muna ang mga coach. tapos, buddy system [kinalas ung robots, nagdelete ng programs]. at nagsimula na nga.
gumawa ng program si patrice based sa notes niya. si dem naman, ni-redesign ung robot niya. baka daw kasi madisqualify sabi ni maam xavier. ako naman, nakatunganga. tagabantay ng mga gamit kapag nagt-test ng robot sina patrice. after 1 hour, quarantine. kinuha na ung mga robots. magre-resume after lunch...1:45 yata. dun lang ako sa table namin. wala kasing magbabantay ng gamit habang kumakain ang teammates ko. kumain na lang ako ng biscuits...tapos sumunod na rin ako sa burger king. nilibre ako ng parents ni dem [thank you po! <-- as if magbabasa sila ng blog ko di ba? ] at kumain na. pagbalik doon sa playing field, nag-robo rally na ng elementary. tapos, robo ambulating rally sa high school. nakakainis nga kasi hindi man lang gumalaw ung walking robot namin. ung design pa naman nuin dati, gumana nung pumunta kami sa felta. grr.. tapos, 2nd round. inayos ung robot pero hindi pa rin gumalaw. so, ang score namin sa ambulating rally...0.
pagkatapos ng ambulating rally, alishan naman. ginawa ko na ung mga programs habang ginagawa nina dem at patrice ung robot. grabe...ang hirap magtest kung gagana ung robot. sobrang dami kasing nagsisiksikan sa track. naubos tuloy ung time. hindi ko pa napagana ung robot namin. quarantine ulit. tapos nung kami na, ako ung nag-operate. umabot sa dulo pero umikot lang nang umikot. inisip kong mali ung values kaya inayos ko. lalo nang mahirap magtesting ng robot. marami kasing gustong bumawi ng score. hindi ko man lang na-test nang maayos ung robot namin. quarantine ulit tapos nung kami na ulit, mali ung pagkakalagay ko. :(( napaaga ung pagkasense ng black line. so, ung score namin sa alishan, 0.
nainis talaga ko nun. lahat ng pinagpaguran, pinagpuyatan, pinag-aksayahan ng panahon... total score=0. kahihiyan sa pisay. 1st time daw nung driver na mag-drive pauwi nang walang dalang trophy ang mga sakay niya. 1st time na hindi kasali ang pisay main sa finals. ung alishan...pag-asa sanang makarating sa finals. halos naka-depende sa akin...walang nangyari. :(( tapos, ung pisay main A [sina william, allen at ced] hindi rin kasali sa finals. pero at least sila naka-score man lang. kahiya-hiya...waahh...
sandali...dapat nga...think positive! sabi ni maam xavier, kung kasali kami sa finals, sa mcdo lang kami kakain. kailangan kasing magtipid para sa pagpunta sa taiwan. pero nung pagkatapos ng elims, nung pauwi na kami, kumain kami sa snackaroo. ansarap!!! grabe!!! kasama pa namin nun ung mga taga-pisay cagayan. saka, marami naman kaming bagong experiences...wheee...tapos nakakita ulit ako ng mga upis people. sina anjo, kapatid ni joelle, at patrick [kapatid ni raiza]. ung iba di ko kilala :P pero congrats pa rin team upis at team pisay bicol & cagayan!!!! good luck sa finals! ;)
pagkatapos ng events, nagbigay na ng
freebies freeby [pencil holder] at naglipit na kami ng gamit tapos umalis na...di tulad nung umaga, sobrang ingay na sa van pauwi. nandun kasi sina ced at dem. siguro nga naingayan na sa kanila ung mga pisay cagayan. hehehe. 10:30 kami dumating sa pisay. kumain pa nga kasi kami sa snackaroo. suuuupppeeerrr sarap! nag-order ako ng chicken bbq inasal. :d wahh...nagugutom tuloy ako. tapos, tinikman ko rin ung steak. ung iba naman, nag-order ng sisig, liempo, pork bbq, etc... grabe... ginugutom ko na talaga ang sarili ko...pagbalik dito sa bahay, kinwento ko kay ate joanne ang mga nangyari. tapos, nagb-blog na ngayon...hehehe...
haaayy...siguro'y hindi nga nakatadhana ang pagkapanalo sa akin. onga pala. congrats sa lahat sa inyong dikum!!! [kahit hindi ko naman napanood]
10:48 PM