image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, September 25, 2007

uhh...kinda memorable...stuff...


thursday: practest sa chem. aggghhh...alisin sa memories!!! makaka-0 ako! palibhasa mahirap na problem ang natapat sa akin. naubos na ung time ko sa pagsolve. tapos puro mali pa ung final answer ko. 2 mins para i-prepare ung solution...i mean...gah. suuuupppppeeeerrr nagpanic ako nun. nagmamadali talaga...nakalimutan kong ipakita kay maam velasco ung weight fine! MASS. tapos nanginginig na ako nun. andami ko tuloy spillage ng distilled water. waaahhh... x_x naiyak talaga ako sa banyo...habang nagbibihis para sa pe.


friday: 2:30 uwian pero hindi. basta...practest ng ibang groups sa chem. nag-inventory na lang ako sa robo...hanggang dumating si dadi. hinatid niya ako sa palma hall para sa cherubs. since anniversary ng cherubs [at ng martial law...], may cakeS kami...yay! pero bago kumain, practice muna. kumanta kami ng babae ka, masayang pasko po ninong, at jingle bells. wahaha. nakaka-lss. tapos, kumain na kami ng cake...super sarap! chocolate saka mocha! :d pagkatapos kumain, uwian na. kinuhaan namin sina mami ng cake. bday kasi ni mami. kinain nila sa sasakyan pagkasundo sa amin tapos umuwi na kami. may dala ring cake si mami nun. regalo ng officemates niya. ung...lasang ref cake na cake...hehehe. pagdating sa bahay, cyempre, celebrate celebrate...puro kainan. dito nagsimula ang pagsasabi ko kay ate joanne...20 pounds...20 pounds... [kailangan kong maka-gain ng 20 pounds para hindi ako underweight] ansaya ko nga nun eh. wala kasing saturday classes. kaya enjoy-enjoy lang. nakapanood pa ako ng tv. pero hindi kami nakagawa ng card para kay mommy... :( tapos habang nanonood kami ng tv, hinanap ni dadi ung mic...ung ginamit para sa dikum...na nawawala ngayon... :(( super kinabahan ako nun. tinakas ko lang kasi ung mic...hindi pala sa amin...at di ko inakalang mawawala. :(

saturday: nag-ayos kami ng gamit kasi pumunta nga kami nun sa batangas. 10:30 na yata kami dumating dun. sayang nga kasi hindi na kami kumain ng goto. awww...so, ang ginawa ko nung araw na un, physics practice problems, kgw, tv, at KAIN! 20 pounds! andami kong kinain sa batangas...di tulad dito sa bahay. siguro kung dun ako patirahin for 1 month, hindi na ako underweight...hehe...jowk. dun ulit kami natulog kina lola auring. wala naman sila eh :P

sunday: pagkagising, pinakialaman ko ung cellphone ni ate joanne...hehehe. tapos nung gising na siya, pumunta kami kina tita aida. kumain kami ng breakfast, nanood ng tv [at sa kulitan nina wendell at nica], naligo, at nagpagupit ng buhok. haaayyy...short-haired na naman ako. oo nga pala! dahil may mga nakapila pa sa gemini, at matagal pa ako, bumili muna ako ng FRANKS!!! :d saka ng mikmik. pagbalik ko dun, nagpagupit na si liz. tapos si ate joanne. tapos ako. pagbalik namin, pinakita namin kay mommy at sa mga tita ang bagong hairstyle. maya-maya, dumating na sina tita ly. nung tanghali naman, kainan ulit. 20 pounds! parang blowout ni kuya neil at belated celebration ni mommy. 20 pounds! pagkatapos kumain, nanood ulit ng tv. pero dahil sa sobrang kabusugan, masarap matulog. nakatulog ako dun sa may piano. nung nagising ako, umakyat naman ako papunta sa kwarto at dun na natulog. pagkagising ko, nag-aayos na ng gamit sina dadi. uuwi na kasi kami eh. so, nag-ayos na rin ako ng gamit at bumaba na. mano muna sa lola at mga tito't tita tapos umalis na kami. hindi muna kami umuwi. pumunta muna kami sa condo...nag-ayos ng gamit at nakigulo kay ate kitel. saka lang kami umuwi. wala na akong ginawa dito sa bahay...wala nang hw eh...nung dinner naman, nag-uwi ng pagkain galing batangas. so, celebration ulit. pero hindi na ako matakaw nun. sobrang busog na sa mga kinain sa probinsya eh. tapos na ang 20 pounds...

monday: blah blah. nag-cleanup nung homeroom...blah blah. maulan nung hapon kaya ang hirap pumunta sa gym para sa pe. wala naman pala si sir rojas...pero nakita ko cya nung tanghali. pero wala nga talagang pe. kaya pumunta na ako sa lib at gumawa ng str. ayokong magcommute pauwi kasi malakas nga ang ulan. tapos, pumunta sa robo para ituloy ang inventory hanggang sa dumating si dadi. pagdating sa bahay, malakas pa rin ang ulan. nanood kami ni ate joanne ng tv saka ng conan. tuluy-tuloy ang panonood ko hanggang 10:20. super exciting kasi eh :D

ngaun: 1:40 dapat ang uwian pero may makeup sa bio kahit wala naman kaming na-miss na klase. grrr...2:30 na ako nakaalis sa school. pumunta ako sa mcdo philcoa at kumain ng burger mcdo, fries, at coke. doon, nakilala ko si mr. mcdo delivery boy. nakilala niya siguro ako dahil sa pisay uniform [recall: sa jolibee, nakilala ko si mr. dost...hehehe.] sabi niya, siya ang nagdedeliver sa pisay dormers...at ngayon, eto...nagb-blog ulit. saka nanonood ng conan...:D tapos ko na naman ung physics problems.

wala pa akong nasisimulang palanca! next week na ang retreat!!! waaahh... [at next week na rin ang perio! halaaaaaa...]

3:54 PM