image
kesi's blog
image image image image
Saturday, September 08, 2007

long time no blog...


haaayyy...mabait kasi ako...ayaw magpa-distract sa blogging. [sa detective conan lang nagpapadistract. hehe] dahil sa blogging, bagsak ako sa lt sa chem gaya ng aking inasahan...

so...simula muna sa latest na balita...

kanina, family day at card-giving. actually, halos hindi naman family day ang ginawa ko sa pisay kundi robo, robo, at robo. at halos lahat ng oras, nakabuntot sa akin si liz [ung kapatid ko.] pati sa parade, sa gym, sa caf, sa locker, at pati sa tapat ng lab ng robo. haaayy... so un. pinanood lang namin ung "exhibition" ng 1st saka 3rd year tapos bumaba na papunta sa atm machine para mag-withdraw [1st time!] ng pera mula sa atm...yay! tapos, bumili kami ng juice at pumasok ulit sa gym para mag-merienda. umalis ako kami ni liz papunta sa caf para bumili ng pagkain, tapos pumunta kami sa robo. lumabas-labas ako at kinausap ang makulit na bata. pagkatapos mag-lunch, dinala ko siya sa 3rd floor at pinakita si hero :D ang cute! waahhh...kaya nga ayaw kong iuwi...baka marumihan ni liz tulad ng nangyayari kay parnarn. hehe. [pero inaalagaan ko pa rin :D] super hirap gumawa ng program at design ng robot para sa train of alishan!!! waaahhh... next week na...pressure. pressure. [pero cyempre...nagb-blog pa rin.] nung nakuha na nina mami at dadi ang aking card [tinatamad akong kunin ung card ko...summary na lang. kung walang chem na 2 unit subject at tanging line of 2 ang grade...2.25 pa...mas malapit sana ako sa dl mark...1.63 yata ave ko. waahh...grrr you chem! un na ang summary. umalis na sila at umuwi samantalang ako, program-program pa rin para sa robo. lumipas ang ilang oras, may mga dumating na 08...robo last year. nagcompete din. nagbigay sila ng tips...sa love life. :| ok...may konting robo pero most of the time, puro prom date, ligaw, emotional stuff... ang pinagsasabi nila sa akin. para bang...for every 8 facts about their love life, isang robo tip... :| hehehe. grabe. nung malapit nang mag-5, pinagligpit na kami at nagcommute na ako papunta sa tandang sora at nag-kfc! [parang di na nagsawa sa kfc sa family day] saka lang nagjeep pauwi. magsisipag na sana ako pagdating ko dito sa bahay pero nagcomputer si ate oan. nanood na lang ako ng tv...tapos dvd...tapos kumain...tapos dvd pa rin...dumating sina dadi at mami, nanood ng tv...blahblah. at nagcocomputer na ngayon...hanggang ngayon...tingin ko lalagpas pa ako ng 12...saya! :D

friday: gah. nothing special. nag-practice lang kami ng dikum [uhh...kinda practice...parang introduction to singers...bnigyan ko sila ng sample part sa chorus. tapos nag-tune kami ng gatorade bottles.] tapos, sa eng, andaming nagsaya! wala si maam bernal!!! yay!!! walang long test!!! pero may activity naman. boring...hindi free time...ah! onga pala...dito binigay ung black tshirts namin...hehe. pero habang binibigay un, nag-robo pa muna. inventory :|

thursday: hapi bday kay alvin! well, di naman siguro cya magbabasa ng blog ko...pero wala yatang nakapag-greet sa kanya. oh well...pagkatapos ng pe class namin, balak ko sanang maghintay sa pagdating ng Na sa astb pero antagal. kaya pumunta na lang ako sa shb papunta sa chem room. on the way, naibigay ko naman ung stffed toy. :D hehe...relief. parang...exchange exchange lang...pero cheap ako. sorry...nagtitipid para makakain sa kungsaan-saan. hehehe. :D

wednesday: walang klase! yay! foundation day kasi. so, nung umaga, may mass. Let us offer each other the sign of peace. *peace, peace* "happy birthday". hehe. happy bday arn-arn! pagkatapos ng mass, program na. antagal naming nakatayo...sobrang nakaka-bore. tapos, ung dalawa kong katabi, sina timmy & shane, parehong matalino...wahh... out of 10 Rb girls ang dl...ouch. di na naman ako kasama. :( better luck next time. blah blah. awards stuff...at tapos na. lunch, tapos gawa ng p6 probset tapos talent show. ansaya! lalo na nung nagsayaw ung teachers...hehehe...wild!!! tapos, nag-introduce ng mr & ms pisay. at nag-robo... hindi ako nag-robo. kailangang umalis nang maaga...para makabili ng panregalo. puro robo na lang kasi ang inatupag ko...nag-ever ako...hinanap ang P99 store [para makatipid] pero wala na... :( naglibot ako, nagutom, kumain ng sushi sa tokyo tokyo, naglibot ulit, at nagpasyang sa expressions na lang bumili ng stuffed toys now named Hero and Hera...oohh...

tuesday: may quiz din pala sa str...nye. tapos, ung quiz tungkol sa maya sa socsci, ok lang...posibleng perfect...hehe. open notes at ginamit ko ang notes ni ate joanne. hindi naman specified na dapat sariling notes :D

monday: math lt...un-perfect-able...pero passable.

uhh...un na lang...marami pang kailangang i-cram...for 1 weekend day...again. wah...

10:48 PM