image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, September 11, 2007

fulfilling day


wow! i love this day!!! grabe!!!

quote of the day: "it just gets better..."

woke up early...kailangang magcram ng chem probset. pero, dahil masarap ang tulog kong more than 8 hours, super tamad ko kanina...nakapagsimula lang ako nang maayos nung mga 5:30 na. cyempre hindi matatapos in 30 mins ung labrep na hindi ko pa maintindihan kanina. so, nung 6 na, umalis na si dadi para magsundo ng mga ka-school bus ko. ang pagkarinig ng pagbukas ng makina ng L300 ay ang hudyat para mag-ayos na ako para sa pag-alis ng bahay. so, dahil sa kwarto ako nag-aaral, nakakalat sa kama ang lahat ng gamit ko. nakaalis na si dadi at nagmadali akong magligpit. naligo na ako at nagbihis at nag-ayos ulit. ngunit hindi sapat ang oras para makakain ako ng agahan. kaya binitbit ko na lang ang baon ko at sumakay na sa sasakyan.habang nasa sasakyan, kinain ko ang baon kong mamon. at pagdating sa pisay...

pumunta ako sa locker at kinuha ang "histrory of the world". bumalik ako sa bio room at nagbasa at nag-notes. *krriiinngg* (1st bell). maya-maya, *krriiinnggg* 2nd bell!

bio: dumating na si maam docto at nagdiscuss...long test na kasi next week. haaayy...

socsci: pagdating namin sa room, handa na para sa athlos. buti na lang nagbasa ako kahit konti saka dinala ko ung 2nd qtr folder. naka 2 1/2 points ako! yaay! tapos, sa end, ang nakapag-panalo sa amin ay ang aking 1/2 point! hehehe...

math: may quiz tungkol sa trigo...sana perfect ko...ok naman pero antagal gawin. pano na kaya kapag long test na? -_-

str: jellyblubber! hehe. naglecture lang si maam toledo tungkol sa sampling at nagcompute-compute kami ng average lengths. bukas pa due yung mga bagay-bagay. pero ginawa ko na long time ago kaya wala akong kailangang gawin para bukas! yaay!

lunch cram time: tinapos ko ung chem probset. nung mga 11:45 na, bumaba na ako para bumili ng drinks. hintay-hintay lang hanggang 12...

robo: pinagawa kami ng plan para sa train of alishan. [pero wala pang pinapakita sa amin...aww] sana makatulong ng malaki...

chem: last subject 2nd to the last [may makeup sa bio] subject for the day. nag-discuss lang tungkol sa solutions ng probset.

bio: doon kami sa avr. yaay! aircon! hehe...masarap sanang matulog lalo na't nakasara ang ilaw. kaso nga lang, amoy pintura ung avr. nakakahilo... nag-extend pa ng mga 10 mins ang makeup class. long test na kasi at wala pa ako masyandong naa-absorb sa mga tinuturo...

dikum practice: sa brhm sa 4th flr. back. nagpractice kami ng mga singers. wala na si ej...pinalitan ni je... productive naman ang practice namin compared sa practiceS kahapon kung saan wala talagang nangyari. nakasabay na ang singers sa "drums" at nakaabot na kami hanggang sa 1/2 ng refrain! yaayy!!! productive!!! so hanggang 5 kami nagpractice.

robo: late ako...nagpa-excuse kasi ako kay patrice kasi nag dikum kami. well, pagdating ko dun, diretso program na. napagana na namin ang line trace! yay!! Taiwan...here we go! konti na lang at tuluyan nang magagawa ang train of alishan! yaaayyyyyy!!!

grabe saya talaga ng araw na 'to!!! wheeee!!! productive na nga ang dikum at robo, wala na ngang kailangang gawin para bukas, di na nga ako kinulit ni nikolai sa sobrang kakatanong, hindi na masyadong nagkakagulo ang singers, at makakapanood ako ng detectoce conan! yay! :D

oh...btw. HERO: cya ang cute na stuffed toy sa loob ng locker ko. asong orange-ish brownish. bakit hero? wala lang...natatandaan ko lang ung time na kumanta ako sa harap ng batch...hehehe. hero ung title ng kanta. saka may game din kaming nilalaro dati... hero's heart. wala lang...si hero ang hero [uh...duh?]. kailangan niyang kunin ang hearts in a logical way. wahaha...wala lang...tingin ko kasi logical ako mag-isip. hehe...wala lang... :D

7:06 PM