Tuesday, August 07, 2007
ramayana!!!
waahh...ramayana na sa friday! grabe. kailangan talaga naming i-cram ang costumes, props, etc etc. waaahh...
so, kahapon, gumawa lang kami ng mga bagay-bagay from 11 am to 5 pm. oof. 6 hours. ako naman, nakatunganga lang sa isang tabi, o kaya naglalaro ng snake 2/space impact sa cellphone. tapos, siguro nung mga 12 na, tumulong ako sa pag-paint ng "branches" ng "trees". tapos, tunganga ulit, at tumulong na lang ako sa pagtatahi sa loob ng grhm. wooh! rb lang yata ang makikitang nagha-hand-sew ng costumes! hehe... ako ung gumawa ng front half ng green vest ni shatrughna [er...tama ba spelling?]. hehe...great achievement. pero masaya talagang experience ang magtahi ng costume... tapos, mga 4:30, nagpractice na ng acting. andami laging wala kaya nakakainis. grrr.
tungkol naman sa perio, BABAGSAK AKO SA CHEM!!! waaaah. ung mga tumingin na sa mga papel nila, bagsak daw sila. waaaaaahh. paano na ako? tapos ung english naman, waaaahh...ano ba naman un? puro essays at vocab. di pa naman ako magaling magsulat ng essays...
bahala na...kung ano ang sinulat ko sa mga answer sheets sa perio, un na un. di na mapapalitan...
4:47 AM