image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, August 22, 2007

ramayana [ulit]


haaayy...grabe...ang aga kong gumising kahit wala naman akong klangang gawin...mga 10 pa ako nakatulog kahit nakahiga na ako bago mag-9. ang konti tuloy ng tulog ko...10 ako natulog tapos 1 ako nagising. 3 hours!!! waaaaahh... hindi kasi ako makatulog... O_O

so, kahapon ang general rehearsal no. 3 [gr no. 1 & 2 nung monday...sa bahay nina jio]. ansaya...naka-costume na sila...ang ganda...sobrang proud tuloy ako sa vest ni shatrughna [tama ba spelling]. matibay at maganda...hehehe...cyempre ako kasi ang gumupit, nagtahi ng harap, at nagdugtong sa harap at likod ng vest. :D

grabe...andaming beses ko pala magch-change costume...sunud-sunod pa halos ang scenes ko... x_x

tapos kanina naman, pagkagising ko, ayaw ko pang bumangon dahil sobrang kulang ang tulog ko. pero, dahil hindi nga ako makatulog, sayang ang oras kung pipilitin ko ang sarili kong matulog. kaya, naligo na lang ako, nag-ayos ng costumes, at nagbraid ng buhok para may curls...hehe... all these for 30 mins. tapos hindi lang isa ung braid...10 un...para masaya :D

ngaun naman, nagp-practice na ng sayaw... prabhu deva kalluri vaanil...ewan ko kung ano dito ung title...tapos, nagb-blog, nakikipag-chat, nagb-bloghop, at kunganu-ano pa. basta...ganito lang hanggang mga 5. *tignin sa computer clock* wooh! matagal pa...manonood na rin ako ng conan sa youtube... yay! :D pag 5 na, magluluto ako ng oats, kakain, mag-aayos ulit ng gamit para siguradong walang nalimutan, maglalakad papunta sa overpass sa st. peter, tatawid sa overpass, sasakay ng jeep papunta sa agham, at magpa-padyak kung super lapit nang mag-6:30. hehe... scheduled talaga... :P

last reminder:
Rubidium presents
Ramayana
August 22, 2007 [Today!]
10:50-11:40 am
PSHS 3rd flr Auditorium
Admission is free! :D

2:55 AM