image
kesi's blog
image image image image
Thursday, August 02, 2007

perio


haayy...grabe...ang aga ng perio ng pisay. sa ibang schools, next week pa. ang pisay, august 1-3. pero since walang pasok bukas [yay!], august 6 ang perio day 3.

perio day 1
maaga akong nagising. mga 4 am pa lang nun. kahit kasi natutulog ako, kinakabahan na ako sa perio. nag-review ako ng bio, tapos math, tapos bio, tapos math ulit hanggang dumating si dadi. pagdating sa pisay, hindi naman ako kinabahan. relax lang...smile lang... binalik sa amin ung long test sa math. 40/50. 2nd highest yata! yay! ansaya!

MATH: hmmm...nag-skip ako sa maraming nos. pero nasagutan ko naman lahat. ok lang naman ang math perio. kaya[ng-kaya?]...passable

BIO: pagdating ng bio perio, may mga lumabas na questions na pinag-aralan ko. ung iba naman, sabi nga ni timmy, "what the heck is this?!" hehe...pero madali namang...mag shotgun. lumabas na ung results kanina. 43/60. ok naman...pasado. PERO, nakita ko sa record ni maam, 43-...hala! ano un? deduction?! dahil ba napaka-careless ko at class number ko last year ang naisusulat ko sa mga sina-submit ko? waaaaggg...

nag-submit na kami ng bio filler tapos naglakad na ako papunta sa quezon ave. muntik na akong masagasaan ng motorsiklo. sobrang drained na kasi ng utak ko. tatawid pa sana ako nung go na. x_x pagdating ko sa bahay, naku! distraction! nanood pa kami ni ate joanne ng conan sa veoh, naglaro pa ng games sa neopets, etc. etc... tapos, nung nagsimula na akong magreview mga 12:30, inantok naman ako nung mga 1:15 na kaya natulog ako hanggang 3. waaahh...andaming review time ang nasayang! waahh...nagreview agad ako, tapos nung 4 na, nanood ako ng tv hanggang 6 [distraction ulit x_x ]. dahil sobra na ang distractions, dire-diretso na ang pag-aaral ko hanggang 9:15. [pero nag-dinner pa, nag-ayos pa kami ni liz ng kama]

perio day 2
4 ulit ako nagising. nagreview agad ako ng socsci hanggang mga 5:30. naligo na ako tapos nagreview ulit hanggang 6:15 at kumain.pagdating sa skul, relax ulit. tinuruan ko pa si zaldy ng projectile motion kahit hindi naman ako magaling sa physics. nagreview pa ako ng socsci.

PHYSICS: 1st 4 numbers pa lang, nagskip na ako. pero nasagutan ko naman lahat. shotgun nga lang ung iba. sa ibang nos., wala sa choices ung sagot ko kaya shotgun pa rin. papasa naman siguro ako...

SOCSCI: waah...ang hirap pero masasagot naman. parang gitna ng test ni maam cristobal at sir martin. tapos, nung last 10 mins, pwedeng buksan ung fillers. grabe! super nagpapanic na ako nun! andami ko pa kasing hindi nasasagutan. hindi ko rin mahanap ung ibang mga notes ko sa sobrang dami...waahh...papasa kaya ako? :((

inannounce na walang pasok bukas. pumunta pa ako sa philcoa para mag-take out ng king's congee :d pag-uwi, kumain na ako tapos relax-relax lang. ramayana practice na lang bukas. hindi muna kailangang magreview para sa chem at english...multiply, friendster, at blog...hehe...


12:00 PM