image
kesi's blog
image image image image
Monday, August 20, 2007

laugh laugh laugh (part 2)


haaayy...grabe...nakakapagod talaga itong araw na 'to. hinatid kami nina ate kitel, ate joanne, ako, at liz sa verbum dei para mag-practice ng mga kanta para sa anniversary. andami palang church songs ang hindi namin alam. kailangang mag-practice. pagkatapos namin maglunch ng tacos saka macaroni w/beef, tuloy ulit ang pagp-practice hanggang mga 2:15. tapos, nagkulitan na lang kami hanggang dumating si dadi para sunduin kami papunta sa condo. doon, kumain kami ng marie at ng chicken sotanghon. :d tapos, naglaro kami ni liz ng cards, maya-maya, nag-merienda ng spanish bread, pan de coco, at ensaymada. dahil bitin pa rin [hehe...takaw...], pinabili pa ako ng cheese bread. tapos, nanood na ng tv, nag-ayos ng mga gamit, at umalis na papunta sa simbahan. pagkatapos magsimba, hinatid namin si ate kitel papunta sa condo at umwi na. at dito nagsisimula ang ka-hyper-an...

hehehe...i love days like these... :))

habang nasa sasakyan kasi kanina, pauwi galing condo galing verbum dei, walang magawa kaya kwentuhan at ka-hyper-an lang ang nangyayari...

liz: dati, nung nasa batangas tau, nagtanong sa akin si wendell/nica/ella...
wendell/nica/ella to liz: san ka nag-aaral?
liz: Holy Spirit...
wendell: Amen.

kami: hehehehe... :))

oof...niyahahahaha...wala lang...ganiyan talaga pag hyper... :))

8:52 PM