image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, August 28, 2007

fifty toots


[from aug. 22, 2007 until today, august 28, 2007]
[sorry sa mga mao-offend. naiinis lang kasi talaga ako.]

toot # 1: maaga nga akong nagising para sa ramayana practice. maaga ring nakarating sa pisay. wala namang kwenta kasi 8 lang nagsimula ung "seryosong" practice.
toot # 2: naka-isang runthrough nga kami ng ramayana, mali-mali naman [ehem lights and sounds]
toot # 3: sobrang sunud-sunod ang roles ko kung saan magch-change costume. pagkatapos tuloy ng scenes ko, panic! panic!
toot # 4: nakalimutan ko kung saan ko pinatong ung toga nung nag-change costume ako. kung saan-saan pa tuloy ako nagpupupunta.
toot # 5: kung ako si maam bernal, super impressed ako sa na. lalong bababa ang tingin ko sa rb. :(
toot # 6: muntik ko nang makalimutang magdala ng pe uniform nung thursday.
toot # 7: hindi na siguro ako sasali sa concert ng himig. MASYADONG HECTIC ANG SKED KO.
toot # 8: may quiz sa math nung friday. babagsak ako dahil imbes na A1 ang ilagay ko sa formula, x ang nilagay ko! grrr.
toot # 9: may quiz ulit sa math bukas


mega toot # 1: sinermonan kami ni maam bernal pagkatapos ng play. sobrang rowdy daw kasi ng audience namin. tawanan pa nang tawanan. ano'ng magagawa namin? palayasin lahat ng tumatawang audience? she doesn't appreciate comedy...sabi nga ng iba.
mega toot # 2: ayoko nang magpahiram ng kahit anong panulat. ako kasi ang napapahamak. nung aptitude test kasi [ehem ehem.], wala ung mech pen ko kaya lead na lang ang pinansagot ko.

negative toot # 1: marami ang nagandahan sa play namin. lalo na sa fight scenes.
negative toot # 2: ininvite ako ni maam crisostomo na sumali sa concert ng himig. kulang kasi ng soprano.
negative toot # 3: medyo naiintindihan ko na ang chm [dahil ba si maam butaran ang nagturo sa amin ngayon? ]
negative toot # 4: buti na lang nasimulan ko agad ung bio hw kundi hindi na ako nakatulog kagabi.

~~ to be continued [i know there are more toots to come...] ~~

7:04 PM