image
kesi's blog
image image image image
Saturday, August 04, 2007

(?)


uhmm...di ko alam kung ano dapat ang nararamdaman ko... :|

kahapon, masaya kasi postponed ang perio. pero, may ramayana practice naman kami. bago pumunta dun, dumaan muna kami nina dadi, ate belle, ate joanne, at rj sa lumang bahay sa pag-asa. umalis na kasi ung dating nakatira dun. pumunta naman kami sa barangay hall para mapa-register pero saturday pa raw. tapos, hinatid kami [ate joanne & me] sa tapat ng pisay. uuwi na kasi cya sa bahay tapos ako naman, naglakad papunta sa mcdo [may mga cs dun...] sa quezon ave.

pagdating dun, bumili muna ako sa 7-11 saka sumakay sa tricycle papunta kina jio. ngaun ko lang nalaman [o nakalimutan ko lang] na P20 ang sakay sa tricycle. :| pagdating dun, halos wala na naman akong ginawa. nag-practice lang kami ng narration, saka lahat ng scenes. hindi pa rin nagagawa ung fight scenes nina ravana & rama! waaahh... onga pala. Rb Ramayana: 12 NN, Aug. 10 @ 3rd flr audi. hala...anlapit na...natapos kami ng mga 5 pm. tapos, sumabay kami kina gero papunta sa pisay. grabe! siksikan talaga kami. more than 1/2 ng Rb ang sumakay sa isang revo...hehe...literal bonding :))

pagdating sa pisay, naglakad kami nina dianne c at zaldy. nag-jeep kami tapos bumaba na ako sa central. may cherubs kasi eh. sabi nga ni zaldy, ang hectic ng sked ko. mula doon, naglakad ako papuntang palma hall. so, gaano kalayo yun? 1 km? pwede...haayy...tapos, habang nglalakad ako, may 3 lalaki...sabi nila, "babae ba 'to o lalaki". ooh...sarap sagutin ng "none of the above. bakla po ako 'no?!" >_< style="color: rgb(51, 204, 255);">sk registration [hindi na sa pag-asa]. binaba kami sa isang kanto tapos naglakad kami hanggang sa dead-end -______- sobrang nakakapagod. ansakit sa paa. wala kamig nakitang barangay hall...kaya nagtanong na lang si ate joanne. sinundan namin ung babaeng may green na payong [sabi kasi nung aleng pinagtanungan sundan namin cya]. nakarating na kami sa barangay hall. nagsulat na kami sa attendance sheet, nag-fill-up ng forms [kinabahan nga kami kasi, paano na kung hindi pala part ng batasan ang ce 2 (subdivision namin)? eh di sayang ang pagpapagod namin.]. pinapila kami sa maputik na basketball court, nag-finger print, tapos naglakad sa kantong pinagbabaan namin. sumakay kami sa ever ikot para bumaba sa ever [duh...?] at naglibot kami para maghanap ng pang-konekta sa computer ng infrared ng cellphone [gets?]. marami kaming bagong nakita sa ever. kanina ko lang nakita ung sinehan...hehe...tapos, nung sumuko na si ate joanne [at last], bumili kami ng shawarma at gulaman at naglakad pauwi.

pagdating sa bahay, nandito na si ate kitel. nanood kami ng videos tapos nakatulog na ako at nung nagising na, kumain ng lunch. tapos, distraction, computer. hanggang ngayon ba naman...malapit nang mag-5. hindi ko man lang nasusulyapan [lalim ulit] kahit ang cover ng "siddhartha" o kaya ng chem filler. hala... perio sa monday... may activity pa yata sa verbum dei bukas. pano na ako magre-review?! hala...

onga pala. nung thursday, wala lang. nanood kami ni ate joanne ng "which star are you from". ang ewan ng ending. nyeh. tapos, cyempre, pagkatapos ng ending, credits na. nagbabasa ako ng credits nang may nakaagaw ng aking pansin. ADRIAN LIM photo producer. uh...sir lim? kapangalan lang naman siguro di ba? kung hindi, uh... cool?

4:41 PM