image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, August 08, 2007

bad good luck


4 ako gumising kanina. kailangan ko kasing magcram ng health...hehe...nakatapos na ako ng 2 essays [di ko ipo-post dito sa blog ang essays ko. beh] ng mga 6. ambilis nga ng oras eh. o dahil lang ba madilim kaya hindi ko namamalayan ang pagdating ng bawat minuto -__-

usually, mga 6 umaalis si dadi dito sa bahay para magsundo ng mga ka-school bus ko pero hindi ko napansing mas maaga pala siya umalis. naligo na ako pagkatapos ko gumawa ng essay. pagdating ko sa kwarto para magbihis, dumating si ate belle. sabi niya, walang pasok si liz. nagbihis na ako pero hindi ko napansin na nandun na pala si dadi. 6:20 pa lang nun. usually, 6:30 dumadating si dadi. inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso na sa sasakyan. grabe...basang-basa ung bag ko. naulanan naman ung uniform ko [cyempre pati ako]. hindi pa ako nag-agahan nun kaya dinalhan na lang ako ng pagkain sa sasakyan. pagkaliko namin sa sandiganbayan, naalala ni dadi na hindi pa pala niya nadadaanan sina jombo. so, super nagmamadali na kami. naisip ko na ngang male-late na ako. may physics long test pa naman kami. nung pa-u-turn na si dadi sa ever, may nabunggo kaming motorsiklo. tumilapon [uhmmm...exaggeration] ung dalawang nakasakay. naisip ko, SIGURADONG male-late ako. buti na lang, walang nasaktan sa kanila. usap-usap lang sila kasama si dadi, tapos binigyan sila ng P500. pagkatapos nun, ok na. nasundo na namin si jana at katapat na namin ang bahay ni jombo nang biglang nag-text si tito lito. wala na raw pasok sa pisay. tumawag si dadi sa pisay para ma-confirm pero busy. tumawag ung mga ka-school bus ko sa mga kaklase nila. wala na daw pasok. hinatid na ni dadi ung mga sinundo niya pabalik sa bahay nila at umuwi na kami. buong araw, hanggang ngayon, wala akong ginawa kundi manood ng detective conan sa veoh at manood ng tv. hehehe.

GOOD! makakapag-cram pa ako ng health. mas may time din ang mga magc-cram ng intro sa str [go zaldy!] at lab rep sa chem at bio. na-postpone din ang physics lt at comsci prac test. hehehe.

BAD! hindi kami makakapag-practice ng ramayana. pano kung hindi maiba ung schedule? waahh...nagka-aksidente pa dahil sa pagmamadali. wala namang pasok -____-

onga pala! advertise muna ng ramayana...

RUBIDIUM RAMAYANA
Aug. 17, 2007

Third Floor Auditorium
12 noon







un na lang muna. manonood ulit ako ng tv. magc-cram ng health mamaya >:D

kay lamig ng simoy ng hangin... brrrrr...[malapit na ang ber months] nasobrahan yata ang pagdadasal ng mga pilipino para sa ulan...

4:36 PM