image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, July 24, 2007

pre-bday lakwatsa no. 3


grabe! ang gastos ko! naka-2 C2 ako, bumili pa ng hello panda, pumunta sa jolibee at kumain ng 1 pc. burger steak at caramel pastillas sundae. may pamasahe pa pauwi...haaayy...

nainis nga ako lalo na pagkatapos ng lunch. ung computer kasi namin sa robo, nababaliw na. 30 mins ba naman ang kailangan para lang mabuksan ang isang file at mai-run sa rcx. grrr...ung chem at extra bio class naman, ok lang. tapos, nagpractice ng ramayana. natapos ng mga 4:10 at pumunta na ako sa library para magcomputer. nung dumating na si dadi, hinatid na ako sa palma hall para sa cherubs practice.

nandun lang ako sa labas ng room dahil naka-lock pa ung room. tapos, dumating si at maya-maya, dumating ang janitor na nagbukas ng room. pumasok na kami dun at naghintay. mga 5:30, dapat nags-start na ung rehearsal pero kaming dalawa pa rin ang nandun. tapos, dumating sina ate jane at ate cla. kwentuhan, tapos nung mga 5:45, nagtext ako kay tita len. nagreply naman..."no meetings this week." nasa ospital daw kasi si tito rolly. haaayy...sinabi ko kina ate cla nang biglang dumating si gidell. paalis na rin naman kami. so, nagcommute ako papuntang philcoa sakay ang isang mukhang bagong gawang jeep na may magandang bintanang parang sa kotse at nag-jolibee habang iniisip kung pumunta si liz sa palma hall nang walang kasama. nag-text naman si dadi. nakauwi na daw si liz...buti na lang.

nung nakapila na ako sa counter, may matandang lalaking naka-yellow na barong na may light yellow na embroidery [ooh...detailed...] ang nagsabing "anong year ka na?" ako naman, "3rd yr. po." tapos, tanong ulit cya, "alam mo ba kung ano'ng uniform ito?", turu-turo ang barong niya. umiling naman ako. sabi niya, sa dost daw un. tapos, nag-order na ako at umupo sa isang mesa. nung naka-order na ung si mr. dost, nakiupo siya sa mesa ko. puno na kasi ung restaurant eh. tapos, chika-chika kami tungkol sa pisay, blah blah blah hanggang maubos ko ang burger steak. [naisip ko, buti na lang hindi cheesy fries ang inorder ko. nakakahiya dahil madumi kainin...>_<] hehehe...ansaya naman. nakakilala ko pa si mr. dost sa aking last 14-year-old day. hehe... tapos, nagpaalam na ako. nagcommute na ako papunta sa bahay habang kumakain ng caramel pastillas sundae at nag-iisip ng alibi kung bakit late akong umuwi samantalang nagtext ko kay dadi ng mga 5:45 na pauwi na ako. lagpas 6 na nun...nasa philcoa pa lang ako...hala... pag-uwi ko, hindi naman ako nagsinungaling. mabait ako eh 0:-) saka bday ko naman bukas. pwedeng pagbigyan...hehehe... naku...late na naman akong matutulog. lagi namang ganito kapag wlang hw eh... wahahahaha...

HBTM [hapi bday to me] bukas!!!

10:03 PM