Monday, July 23, 2007
long weekend! yay!
ansaya nga naman talaga kapag may extrang araw para gumawa ng kahit ano. grabe. si ate joanne, walang ginawa kundi magbasa ng harry potter na download galing sa internet. si liz naman, puro kain, tulog, laro. si ate kitel, nagpapakasaya sa pagkain ng chicken nuggets at chicken fingers dun sa condo...hmph! eh, ako? nanonood lang ng tv, kumakain, o kaya nagp-piano [as usual].
nung saturday, nagpractice sa bahay nina jio. tapos, kumain sa chowking. tapos, nanood na ng tv hanggang gabi.
kahapon naman [sunday], maaga pa ring nagising...parang may pasok. piano, computer, nood ng tv, tapos nagsimba. tapos, pumunta kami nina ate joanne, ate kitel, mommy at daddy sa manila para sa youth formation ng verbum dei. inaamin ko...lumilipad ang isip ko nun e_e basta ang naaalala ko lang, nag-usap tungkol sa freedom [we're all free!] at happiness. tapos, kumain kami ng ref cake [ulit] at biko at umuwi na. pagkauwi, nood na ng tv, kain, nood ulit, tapos nanood kami ni liz ng beauty and the beast xmas & kronk's new groove. so, mga 11 na kami natapos sa panonood...at di pa kami nakontento. manonood pa nga sana kami ulit ng ibang movie pero dahil late na, nagbaraha na lang kami...at natulog ng mga 11:30. =_=
ngayon naman, pareho lang ng ginagawa ko tuwing bakasyon. nanonood ng tv at dvd, nagp-piano, kumakanta, nagpapaka-vain, nagco-computer, at kunganu-ano pa. haaay...nanood pa ako kanina ng mga first 15 mins ng sona. gumawa rin ako ng sansrival!!! grabe! ansarap! waaahh...nakakaadik! :d
grahams sansrival!ingredients:
2 pcs graham crackers
1 tbsp softened butter
1 tbsp margarine
1/2 tbsp sugar [preferably powdered]
procedure:
mix butter, margarine, and sugar together until smooth. spread thickly on grahams. chill! 1 serving! :d
waaaaaahhh...gusto ko pang gumawa pero ubos na ung grahams :((
may pasok na naman bukas...walang kailangang icram pero late akong matutulog...hehe :D
8:40 PM