Wednesday, July 25, 2007
HBTM!!!
ooh...15 na 'ko...tanda na...so, what's new?
sa lahat ng nag-greet sa akin, maraming salamat ulit [nagpasalamat naman ako sa halos lahat ng bumati eh].
ang mga mababait na nag-greet sa akin: in order :D
arnold, mommy, liz, rj w/ ate belle at ate josie, daddy, sam f., ate lea, dianne co, rb pipol, alvin, ram, james, baj, francis q, francis i., kenneth, someone who doesn't know me whom i don't know either [tama ba? basta...hindi kami magkakilala...], jhon, zaldy, maam dawn, arnold ulit, at iba pang mga kakilala nung uwian.
hmmm...grabe. ang aga kong nagising kanina. mga 1:15 pa lang...tapos, natulog ulit ako at nagising ng mga 4:30. natulog ulit at nagising ng mga 5. nag-ayos na ako ng gamit, nagbasa ng text sa cellphone, naligo, at nagsimulang kumain ng cheesedog w/ rice bago mag-6. tapos na akong kumain pag-alis ni dadi. kaya naman, nagpiano na lang ako. canon "in d" [in c naman dapat eh], under the sea, thousand miles, mario brothers theme, at the entertainer. grabe ha...parang nag-piano concert na ako sa bahay... :D 6:30 na dumating si daddy. hindi alam ng mga ka-school bus ko na bday ko :P .
pagdating sa pisay, para bang wala talagang may alam na bday ko. kaya tahimik [lagi naman...] na pumunta sa table nang..."happy bday frances" sabi ni dianne co. unang kaklaseng bumati! nagpasalamat naman ako :D nung physics experiment na, maraming naka-alala. "happy bday sabi ni arnold!" -________- oo na...cya na nga ang unang bumati sa akin. nung break na, pumunta ako sa library. tapos, filipino, math, lunch, robo. wala lang...parang normal days. tapos, str. ang ingay ni zaldy! "maam! bday ni frances ngayon!" sige...ipagsigawan sa buong mundo! [ayokong manlibre...] binati naman ako ni maam dawn. cya ang kaisa-isang teacher na bumati sa akin. tapos, comsci. normal ulit. eng...may practice kami sa audi. mabilis akong maglakad kaya nakapunta kaagad ako dun. nung dumating si timmy, sabi niya sa akin, "nandito ka na?! may ibibigay sa iyo si arn-arn! iniiwasan mo yata eh..." naisip ko naman, pwedeng maya-maya na lang. pagkatapos ng eng, chem. maraming discussion kaya lumagpas pa sa 2nd bell. paglabas ko ng room, sabi ko na nga ba. nandun cya sa labas ng room, may hawak na panda stuffed toy [recall...panda stuffed toy rin ang binigay ko nung xmas]. binigay niya tapos greet. nagpasalamat ulit ako. tapos, nung palabas na ako sa shb, ung mga kaklase ko naman, kilig! haaayy...
ewan nag-guilty ako kasi hindi ko man lang cya napasalamatan nang maayos... :((so, nagpractice na ang rb ng ramayana sa grhm. nainggit pa ung ibang mga kaklase ko sa akin dahil sa panda :D. wala lang...
pag-uwi sa bahay, nagtanong si daddy kung anong flavor ng icecream ang bibilhin. sabi ko, ung 3 in 1. bumili nga nun...chocolate, strawberry, ube. :d dessert namin nung dinner. kumain pa kami ng homemade spaghetti na parang gawa sa jolibee...tapos, nag-icecream na kami. ansarap! lalo na kapag may sprinkles! [ang malas ni ate kitel. nasa condo kasi cya]. tapos, pinag-usapan ung nagbigay sa akin ng panda. sabi ni mommy, ako raw siguro ang unang mag-aasawa. -_________________________________-
nang gabing ito, nabusog talaga ako. masaya rin! marami na rin kasi akong natanggap na regalo. flash drive galing kay mommy, bag galing kay mommy, 3 pantalon galing ulit kay mommy, isang 4 in 1 ballpen na free galing sa tindahan nung bag na galing kay mommy, ang panda stuffed toy na unnamed pa rin, at ang mga bati ng mga kamag-anak, kaklase, kaeskuwela, at iba pang hindi ko na gustong malimutan.
yeah! happy bday to me!!!
9:34 PM