image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, July 11, 2007

2 down, more to go -_-


wahaha! tapos ko na ung essay ko!

Filipino para sa Pilipino

Noong 2004, ihinarap ni Cebu Rep. Eduardo Gullas ang Executive Order No. 210, Department of Education Order 36 sa korte. Sinasabi nitong dapat ay Ingles ang maging lenguahe sa pagtuturo sa mga eskuwelahan. Isinasaad din dito na hindi dapat lumagpas sa sampung porsiyento ng mga pagsusulit ang mga tanong na nakasulat sa wikang Filipino, at nalalabing mga tanong ay nasa wikang Ingles.

Isinatupad ni Pangulong Arroyo ang batas na ito upang pataasin ang kalidad ng pagsasalita ng Ingles ng mga Pilipino. Mas makaka-angat daw ang ekonomiya ng Pilipinas kung makakaya nating makipag-usap at makipag-negosasyon nang maayos sa mga dayuhan, lalo na sa mga Amerikano.

Ngunit ano ang silbi nito? Ipinapakita lang ng batas na ito ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mayayamang pa-Ingles-Ingles pa ang salita at ng mga mahihirap at ibang mga probinsyanong hindi uunlad ang dahil hindi marunong mag-Ingles. Nilalabag din ng EO 210 ang Artikulo XIV Section 6 ng ating konstitusyon na nagsasabing dahil Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, dapat ay pangalagaan natin ito at gamitin bilang pangunahing wika sa komunikasyon at edukasyon. Isa pa, hindi tayo mga Amerikanong nagsasalitang talaga ng Ingles. Pilipino tayo. Wala na rin naman tayo sa ilalim ng pananakop ng Amerika kaya hindi natin kailangang gamitin ang wika nila. Ang paggamit ng wika ng ibang bansa sa halip na gamitin ang ating wikang pambansa ay para bang pag-aalis ng dangal sa sarili nating bansa. Ikinakahiya at itinatakwil na natin ito. Ang kulang na lang ay gawing pambansang wika ang Ingles. Hindi nga lang sa eskuwelahan makikita ang ganitong sitwasyon. Kahit sa Korte Suprema, nasa wikang Ingles din ang mga petisyon ng kongreso. Ang presidente, kung mag-ulat ay wikang dayuhan din. Ayaw yata nilang maintindihan sila ng karaniwang mamamayan. Sila mismo ang lumalabag sa konstitusyon ng Pilipinas kahit hindi nila nalalaman!

Ayon nga kay Randy David, walang wikang umuunlad kung hindi ito nababasa’t naisusulat at kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga kaisipang bago sa ibang mga kultura. Sinabi rin niyang kailangang makipag-usap ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isantabi ito sa muling pag-aakalang hindi na ito angkop sa nagbabagong panahon. Kung nakasanayan na ng mga probinsyano’t mahihirap ang pagsasalita ng dayalekto nila, iyon ang dapat gamitin sa pagtuturo sa kanila upang madali nilang maintindihan ang mga leksyon. Kung hindi rin naman maiintindihan ang Ingles na itinuturo ng guro, mas maganda talaga kung itong nakasanayang wika na lang ang gamitin. Mas may matututunan pa ang mga estudyante kung ganoon. May pag-asa rin nga naman itong umasenso gamit ang sariling wika. Mas uunlad ang Pilipinas kung may hindi marunong mag-Ingles pero naiintindihan ang mga itinuro sa kanya, kaysa sa pagkakaroon ng marunong mag-Ingles ngunit hindi maka-intindi.

Hoy, kapwa kong Pilipino! Filipino ang pambansang wika natin, hindi Ingles. Dapat natin itong ipagtanggol at ipagmalaki sapagkat maaaring ito ang maging dahilan ng pagsulong ng ating ekonomiya sa hinaharap.

haaaay...tapos ko na rin ung bio hw...yay!

10:32 PM