image
kesi's blog
image image image image
Monday, May 28, 2007

last week...


nung wednesday, pumunta kami sa proj. 6 para magswimming. dumating kami nina dadi, rj, ate joanne, liz, at ate emily dun ng mga 8:30 tapos diretso swimming na. ang saya! lalo na kasi hindi malamig ung tubig at hindi kami giginawin. may dalawang pools doon. isang pambata na mga 3 ft. deep at isang pangmatanda na hanggang lagpas 5 ft. deep. cyempre, doon kami sa pool na may karatulang "DANGER! No childrens allowed beyond this point. DEEP WATER." ok...ang ganda ng grammar di ba? napaisip pa nga si ate joanne kung ano ang plural ng children...hehehe... so un. swimming sa napaka-chlorinated na tubig [para makita ung ilalim ng pool, dapat, halos halikan mo na ung sahig...waaahh]. sisiran ng 25 centavo coin o kaya piso [kasi nawala ung .25]. pumunta rin kami ni ate joanne sa malalim na part ng pool kung saan may naapakan ako shades [parang ung nangyari nung pumunta kami sa beach nung xmas vacation...may naapakan akong goggles somewhere sa dagat at inarbor ko na...] bago magtanghali, nagdatingan na ung ibang bisita--sina jl, tita lisa, tito norman, joseph, at johanna. kinausap ako ni tita lisa at sinabi niya sa aking pupunta si alvin na kaklase ko nung 1st yr. oohh...dati, nagkita na kami ni michiko kina tita norms...ngaun naman, dahil kina tita lisa kaya nakita ko na rin si alvin. wehehe...may iba pa kayang taga-pisay na nasa pagasa? nung tanghali na, dumating na sina alvin saka kami umahon muna ni ate joanne para mananghalian. pero nung paahon na si ate joanne, nasugatan ung paa niya. kadiri...bloody...pero nilagyan na niya ng betadine at tinakluban niya ng lumang damit para hindi makita at para na rin hindi dapuan ng langaw. at un...kain, kain, habang may bagay na nakakawalang-gana* sa gilid ng upuan ko... X_x pero dahil lagi akong napapatingin doon, nawalan na ako ng gana at tumayo na. kinuha ko muna ung cellphone ni ate joanne sa bag niya nang biglang--KWOOSHT!--eeeeewwww!!! waaahhh!!! naapakan ko ang bagay na nakakawalang gana*! buti na lang at naka-tsinelas ako at pwede kong ipahid sa sahig--...--kung anu-anong kakulitan ang pinaggagagawa namin ni ate joanne sa kainan habang naghihintay na humina ang sinag ng araw [wow...]. may pa-picture-picture, kwentuhan, tawanan, at kung-anu-ano pang ka-eklat-an hanggang mag 2:00. nagswimming ulit kami. sisiran ulit ng coins kahit P5 naman ang nasisisid namin [kina jl un]. nagpractice pa nga ako kung ano ang gagawin ko kung malunod ako [pero lagi na lang akong lumulubog kaya sabi ko, malulunod talaga ako kung sakali]. nagpagalingan kami ni ate joanne sa pag-freestyle nang nakataas ang ulo, at sa pag-side stroke na imposible namang magawa. ang saya pa nga nung nagsimulang umulan. mas malamig pa ung ulan kaysa sa tubig sa pool! nagswimming kami hanggang mga 4:30 tapos nag"banlaw" na sa "shower room" [doon kami sa labas ng banyo nagbanlaw kasi walang tubig sa loob...mabaho pa]. bumili kami ng icecream tapos sumakay na sa sasakyan. nagppicture-picture pa kmi nina rj at ate joanne doon sa cellphone niya. hehehe...nakakatuwa ung pix...baka maipost ni ate joanne sa multiply niya. un lang!

*in other words, suka ni rj X_x

7:10 AM