image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, May 22, 2007

cherubs outing


hehehe...ngaun lang ako nakapagpost kasi walang laptop o kaya ginagamit lagi ni ate kitel or ate joanne.

may 16, 2007. mga 9:30 kami umalis dito sa bahay nina ate joanne at liz samantalang 9:30 ang "call time". so, nagcommute lang kami galing sandiganbayan [hinatid kami papunta dun ni dadi] at dumating sa mcdo sa mrt mga 10. buti nga hindi pa nakaalis ung mga nandun na. naghintay muna kami sa iba pang dadating pero dahil boring, umalis muna kami ni liz para magshopping sa 7-11. mga P200+ ang pera niya samantalang P70 lang ang dala ko :'( bumalik na ulit kami sa mcdo at naghintay pa...at napagod sa paghihintay nang mga 10:30. pumunta na kami sa mrt station kung saan pumila kaming 13 sa elevator [hindi nag-escalator kasi sira, hindi nagstairs kasi ewan]. ung 1st batch ng ma nakasakay, pumunta na pala sa 3rd flr. pero tawiran lang un kaya nasayang lang ang pag-elevator nila kasi nagstairs pa sila papunta sa 2nd floor. kami namang 2nd batch, diretso na sa 2nd flr. yay!

tapos, pumila na kami para makakuha ng card. nang nakuha na namin ang aming mga card, cyempre, pinasok na sa slot. at...biglang may dumaang tren! binigay na sa akin ni liz ang card niya habang si ate mariel ay sumigaw ng "uy! pasok na! dali!" kaya naman nagtakbuhan kaming lahat. nakapasok na si liz nang nagsimulang sumara ang pinto. panic! panic! hinila siya ni ate joanne palabas...waahhh...at nakalabas na nga si liz. nagtawanan kaming lahat sa nangyaring 'yon. wala pa naman kay liz ang ticket niya at baka maligaw pa ng station kung naiwan cya sa loob. sa sunod na lang kaming lahat sumakay. habang nasa mrt, walang ginawa kundi kwentuhan, picture-an, at tawanan hanggang makarating sa ortigas station. bumaba na kami at dumiretso na sa megamall.

nakasalubong namin sina ysabel at jacque at pumunta muna kami sa mga sinehan para tingnan ang schedule ng spiderman 3 pero dahil mga 1 pa ang simula, nagpasya kaming maglunch na sa spaghetti factory. antagal bago kami nakapili ng kakainin! andami kasing pwedeng pagpilian. kami nina ate joanne at liz, nagshare na lang sa pasta sampler. pasta: ung pa-twirl twirl pa. sauces: elizabeth's carbonara, 100% pinoy, bacon & mushroom. nung dumating na ung order namin, hindi naman twirly ung pasta pero hindi na kami nagreklamo. kay liz ang bacon and mushroom, sa akin ang carbonara, at kay at joanne ang pinoy :d ung iba, nagshare na rin sa order nila. marami naman kasi bawat isang order saka para na rin makatipid. nag-order pa nga pala kami ng banana split pagkaubos ng pasta! naghintayan pa kaming makatapos ng pagkain at nagsimula nang magbayaran. grabe...andaming nagastos...nakaabot ng P2041.20. nagbayad na kami tapos umalis na. pumunta naman kami sa great image para mag-group picture. so, bayaran [nabawasan na ako ng P10] at picture-an. tiningnan namin ung pix sa computer at namili ng mga gusto. nang nakapili na, nangialam na ng computer. ni-right click ni ate rasziel ung isa naming picture at tinapat ang cursor sa "Set as Desktop Background". umalis na si ate rasziel nang biglang pinindot ni elayne ang space bar. tiningnan ni ate joanne ung desktop pero wala namang nangyari. nung paalis na kami, pumunta na ang isang lalaki sa computer at inexit niya ung windows...at ang desktop picture...picture ng cherubs! wahahaha! pero nakakahiya...pero masaya...hehehe...pumunta ulit kami sa mga sinehan at bibili na sana ng tickets ng spiderman 3 pero kulang na ang pera naming magkakapatid kaya abonohan na lang...pero P70 nga lang ang dala ko at nabawasan na ng P10 dahil sa pagpapapicture. kaya, umutang na lang ako kay ate joanne. shrek 3 na lang ang napagpasiyahan naming panoorin para mas mura at hindi pa napapanood ng lahat [pero ang shrek 3, may 18 pa ang showing. advanced screening ang napanood namin!]. bumili na ng tickets at pumunta na sa sinehan. bumili na kami ng popcorn kaya nagkautang ulit ako kay ate joanne. tapos, nanood na kami ng shrek 3. grabe...nakakatuwa lalo na nung kumakanta sa snow white...[o sige na nga...hindi na ako maglalagay ng spoilers] nung tapos na ung movie, picture picture sa harap ng poster ni shrek! tapos, naghanapan na kami ng mga hindi nanood ng movie. tapos, nung nagkita-kita na kami, nagsimula nang maghiwa-hiwalay para umuwi na. pumunta kaming mga natira sa starbucks at doon naghintay ng mga susundo. nung dumating na si dadi, umuwi na kami. the end.

6:03 AM