image
kesi's blog
image image image image
Tuesday, May 15, 2007

batangas 2 days


waaahh...onga pala! belated happy bday kay liz at belated happy mother's day!

pumunta kami sa batangas nung sunday (bday ni liz). pagdating namin dun, nanood na kami ng tv tapos naghanda para magswimming sa ksp (katigbak swimming pool). nagtaka nga ako nung umaga kasi walang tao dun sa bahay nina tita aida...un pala, nagsi-swimming! buong araw kami nandun. either nagsi-swimming, kumakain, o kaya nagf-frisbee. hehehe...umalis lang kami dun mga 5 para pumunta sa bahay nina lola auring. dun na muna kami kasi wala naman sila...pumunta sa america. nanood lang kami ng tv at ng movie hanggang hapunan kina tita aida "sa kabila". tapos, bumalik ulit kami kina lola auring "sa kabila" (ulit) para naman gumawa ng mother's day card para kay mommy na sobrang crammed at ng bday letter para kay liz na sobra-sobra-super crammed habang nanonood ng "miss congeniality". tapos, saktong pagkatapos ng card para kay mommy, dumating sila ni daddy. kumain kami ng vietnamese lumpia (ang anghang at lasang dahon) tapos, natulog na. oo nga pala! si liz, doon sa kabila natulog kasama ni wendell as usual.

next day, maaga kaming nagising dahil sa kakulitan ni rj. naligo na ako tapos pumunta sa kabila para mag-agahan. kung-anu-ano lang ang ginawa naming pampalipas ng oras. naglunch na kami saka dumating na sina mommy at daddy galing sa pagboto tapos may dala silang icecream. kumain kami tapos pumunta sa kabila para mag-impake. tapos, bumalik ulit kami sa kabila para magmano. pumunta muna kami sa condo hanggang mga 3 siguro tapos naiwan dun sina mommy at ate kitel. pumunta kami sa palawan (pagasa) kasama si tita lu. nagmerienda muna kami ng buko pie at lemonade tapos umalis muna si daddy habang kami, nakipagkulitan kay sushi at nanood ng mr. bean's holiday. hindi namin natapos kaya hiniram na muna namin kay kuya nj. pag-uwi sa bahay, nag-ayos kami ng gamit, nagluto, kumain, nagcomputer, nanood ng tv, at natulog...

4:04 PM