long long long to be continued post...
late posts...
camp week!
actually, 9 days na puro camp pero halos 1 week na rin...
summer camp (april 20-21)
pumunta kami sa sierra
madre, tanay, rizal. buddy ko nun si therese. sumakay kami kasama sina ate mariel, elayne, sandy, at michelle doon sa besta van ni tito ringo. kahit tahimik kami, masaya pa rin kasi may tv kami at nag "stop-over" muna kami sa nature lovers point :) anlamig ng hangin doon! binaba na muna namin ung bags namin sa room (daet suite!!!) tapos nag-orientation tungkol sa lugar at nagmerienda ng ginataang bilu-bilo. pagkatapos naman nun, nag-getting-to-know-you kami. ung activity namin, katulad ng activity nung orientation para sa 1st yr sa pisay (ung may kumot bet. 2 groups tapos huhulaan kung sino ung representative ng isang group). ansaya lalo na nung nagkasabay sina macky at maki! :P tapos, naglaro naman ng bahay, baboy, bagyo. 2 beses nga akong naging taya eh. tapos, pinakuha sa amin ung bandana para sa next activity. doon muna kami sa station 4-newspaper relay c/o ate joanne & ate rasziel. ansaya kahit nagkapunit-punit na ung mga dyaryo. station 5-catch the dragon's tail c/o kuya gabby & ate mariel. una naming kalaban ung grp. 5 (group 4 kami) at ang score namin: 0! tapos, group 3 naman ang kalaban. score namin: 2! ...pero talo kami by 2 pts :( tapos, trust walk c/o ate pam. dun ginamit ung blindfold tapos kung anu-ano ang pinagawa sa amin. station 2-electric fence c/o kuya ra. ang weird lang talaga...kailangang dumaan sa pinagbuhul-buhol na tali...pagkatapos ng activity na un, lunch na. pero may konting twist. kakain nang naka-blindfold. ang kalat namin nun ni therese! nagkahulug-hulog na ung tinola sa sahig...nyehehe...
continuation...
dahil kagagaling lang sa sakit ni therese, nagpahinga muna kami sa kwarto. tapos, meron nang mga talks tungkol sa discipline, etc...tapos merienda na ulit :d at nag-assign na ng groups para sa presentation para sa 1st and last night doon. humiwalay na muna ung mga apprentices para "magpractice ng presentation nila" habang kami namang mga regulars ay nagmuni-muni at ang mga 09 ay gumawa ng cards para sa staff (as usual). maya-maya, pinuntahan na namin ang mga apprentice at nagsabing nagdesisyon na kaming groups 3 & 4 (group 4 ako) na mag-merge. brainstorming ng halos 1 1/2 hrs pero walang naisip...kaya naisipang maghiwalay na lang. dinner na tapos nag-usap ulit ang groups 3&4 para mag-"remerge". may naisip na kasing kwento si ria. tapos practice na sa masbate suite. ang gugulo ng mga apprentice at may mga nakikigulo pang mga taga-ibang grupo kaya ang hirap magpractice... pero natapos rin naman namin...hindi nga lang masyadong polished. nung magp-presentations na, tinawag kami ni tita marvie kaya pumunta na kami. nakakatuwa ung mga presentations kahit hindi ko masyadong naintindihan. kinuhaan naman ni daddy ng video un kaya masaya...pwedeng panoorin ulit! tapos, presentation na ng junior staff. may with feelings, action, comedy, drama...blahblah. tapos bigayan na ng regalo. binigyan ng mga 07 ang mga apprentices ng pics nila na may dedics sa likod...(ang cheap! pero masaya) tapos announcement na ng best presentation. may best actor: joshua the explorer! at ang best presentation, kami! nag-midnight snack na kami ng hot chocolate. matapos ang mahabang araw, dumiretso na kami sa kwarto para magpahinga habang ang iba, nagcards pa.
next day, maaga akong nagising. naligo na ako at nag-ayos ng kama at naghintay para magising ang iba pang nasa kwarto. hindi na kami sa hall kumain kasi hinahanda na un para sa reception ng kasal sa hapon. dun kami nagbreakfast sa canteen. ngaun naman, monks meal (bawal manghingi ng pagkain, makipag-usap, at kumuha ng pagkain para sa sarili)--tapsilog & papaya. salamat sa lahat ng mga ka-table ko at pinakain niyo ako! tapos, nag-discussion na tungkol sa monks meal at pinaghanda na kami ng mga gamit para sa trekking papunta sa spring valley. maya-maya, nag-trekking na kami papunta sa parang clubhouse malapit sa pool. may mga nag-billiards, nagbabad o kaya tumambay sa pool (isa na ako), naglaro sa playground, at may umakyat sa "small hill" para sa way of the cross. doon sa swimming pool, may mga umupo sa side kasi sabi ni tita, pwedeng MAGTAMPISAW pero si dani, pasaway. nagbabad muna ng paa, tapos hanggang tuhod, hanggang baiwang, tapos lumublob na! pinagsabihan tuloy...ako naman, nanood lang ako sa paglalaro ng pusoy dos. pinag-aralan ko lang kung ano ang pwedeng itira. hindi ko kasi maintindihan ang explanation ni ate joanne nung tinuturuan niya ako dati. bumalik na kami sa "clubhouse" kasi umambon na at para na rin sa iba pang activities. may web, at bigayan ng flowers, bato, pako, at candy. tapos, naglunch. wala nang activity sa lunch para naman makapag-pahinga naman kami. nung tapos nahalos lahat maglunch, dumating na ung mga vans para ihatid kami ulit sa mga rooms. pero, hindi na muna kami sumabay ni ate joanne, therese, awira, etc. sa 1st batch kasi naghintayan kaming makatapos ng pagkain. ang suwerte nga namin kasi biglang may sumulpot na mga mangga para iuwi. tapos, dumating na sina mommy at rj. sumama na muna kami ni ate joanne sa kanila habang ang mga buddy namin, nauna na. pagbalik namin sa rooms, naghanda na kami para sa pag-alis at kinantahan namin ung mga bisita doon. tapos, nag-usap na tungkol sa mga buddy para sa tour. si therese naman, nagpasama pa sa akin para matawagan niya ang nany niya para magpasundo. nakakaawa nga kasi umiiyak na eh. wala kasing signal kaya hindi niya matawagan. bumalik na lang ulit kami doon sa rooms at nagpaalam nang para bang never na kami ulit magkikita. tapos, umuwi na kami kasama sina mommy, daddy, at rj sakay ng revo pabalik sa bahay.summer tour (april 23-27)
grabe...ang aga ng assembly pero ang late namin dumating. kinabahan talaga ako kasi paano na kung naiwan kami ng bus?! buti na lang hindi pa...sumama na ako sa aking buddy...si pat.
mahaba ang biyahe pero di ko matandaan kung gaano...pagdating namin sa simbahan sa betis, guagua, pampanga, nag-baggage chain na agad kami papunta sa 2nd floor. tapos, nagbreakfast na kami ng longganisa & omelette at meron ding hot chocolate. pagkatapos, naglibot muna kami sa loob ng simbahan. pumunta rin kami sa choir loft at sa bell tower. nung mga 10 na, nag-singing workshop na kami kasama ang betis children's choir saka iba pang choir. ang gagaling nila kumanta! idol! tapos, habang nagme-merienda ng sandwich & gulaman, nagpractice na rin kami ng mga kanta para hindi naman kami mapahiya sa harap ng ibang choir. tuloy ng workshop tapos lunch na ng pork w/ mushrooms, coleslaw, at minatamis na saging. tapos, nagpahinga muna kami (actually, nagbaraha at nagkulitan), nag-sound check sa simbahan, at nag-makeup at costume. nagpractice ulit kasama ang mga taga-betis tapos konting pahinga at concert na. grabe talaga sila...sa practice pa lang, magaling na...pano pa sa mismong concert. ang gagaling din ng mga soloista nila! pagkatapos nung concert, bumalik na kami sa kwarto para magbihis. doon kami sa bahay ng monsenyor nagdinner kasama na rin ang mga taga-betis. ang kulit nina beebop kasi masyado daw akong mahilig sa coke kasi naka-dalawang bote ako (sakto lang naman...hindi 1.5). may mga nagbaraha, nakipagbonding, at kung-anu-ano pa. pagbalik sa simbahan ng mga 10 pm, nagsulat na kami sa mga cards na ibibigay sa mga staff na tumulong sa amin doon sa betis. tapos, natulog na agad ako. sobrang lamig talaga! nagising pa ako ng mga 3:00 para mag-cr at halos di na ulit nakatulog dahil sa ginaw.
next day, nagbreakfast na agad kami, bigayan ng thank you cards at picture taking sa harap ng simbahan kung saan nakaset na ang mga arrangements para sa shooting doon ng maalaala mo kaya (yata) kasama ang mga taga-betis at si reyna elena ng mga chicharon! :D nagbaggage chain ulit kami. umalis na kami para pumunta sa bacolor para tingnan ang mga simbahang natabunan ng lahar. ung isa, halos natabunan ung buong 1st floor tapos ung sunod, bubong na lang ung natira kaya tinayuan ng simbahan sa taas. pagkatapos nun, tuluyan na kaming umalis sa pampanga patungo sa nueva ecija. grabe...sobrang haba ng biyahe...hilung-hilo na ako nun. 5 hours ba namang biyahe...ang haba nun di ba?!
to be continued...
verbum dei youth camp (april 28-29)
ginising kami ni ate joanne mga 6 pa lang. nakakatamad pumunta sa isa pang camp pagkatapos ng marami pang camp. haaaayyy...un...nag-impake na at naligo at nag-agahan. hinatid kami ni dadi sa mrt station tapos sumakay kami sa mrt papuntang taft. grabe...nung araw na un lang ako nakaranas ng sobrang sikip sa mrt! bumili na muna kami ng waffles kasi nagutom kami ( :d belgian chocolate & swiss chocolate!) tapos nagsimula nang hanapin ang "crow bus station". tingin ko, naka 1 oras kaming naghanap ng crow. libot-libot...tanong-tanong...pero ang hirap talaga hanapin. ung isang tinanong namin, jeep driver..."dun lang sa kanto". haaayy...andaming kanto! saan?! sunod na tinanong, guard..."nakikita mo ba ung brown na un...sa ilalim ng sogo". anong brown?! waaahh! pumunta na lang kami sa sogo at naglibot. naghanap...at nakita namin ang tunnel papunta sa likod nung building...tunnel papunta sa "bus station"! tingin dito, tingin doon. pero wala kaming makitang crow. ang nakita lang namin: crowN! nasugbu-tagaytay din naman ung route kaya sumakay na kami. nung medyo umaandar na, pagtingin namin sa bintana, may dumaang bus: CROW! naisip tuloy namin, pano kung mali ang sinakyang bus? pero nakasakay na kami...wala nang magagawa.
wala akong magawa sa hi-tech na bus na un (ang cool nung ticket...) kaya natulog na lang ako. ewan ko ba kung gaano katagal ung biyahe. kasintagal ng time para makatapos ng movie...
dumating na kami sa verbum dei tagaytay. pagpunta namin sa chapel, nanonood cla ng movie: fourth wise man. pero halos wala na kaming naabutan. sharing tapos lunch tapos siesta. tapos, may mga talks...nakakaantok pero may matututunan. tapos confession at preparation na para sa presentation sa gabi. nung gabi na, anlamig-lamig. nag-animation songs muna kami may presentations (liwanag, taktak mo, game ka na ba...kami!) tapos "midnight" snack na (mga 10 pa lang). may hilaw na hotdogs na kailangang lutuin sa bonfire at meron ding hot chocolate :d nakakainis nga lang kasi ung hotdogs mahirap lutuin kasi ang init talaga ng apoy (duh...) kaya kinain na lang namin nang hilaw. pagkatapos ng midnight snack, may iba pang nag-present. tapos tulog na.
next day, ang haba ng pila sa banyo kaya antagal bago kami nakaligo ni ate joanne. tapos, nagbreakfast at naghanda para sa misa. pagkatapos ng mass, may games pa kami at mga usap-usapan pa. tapos, tinawag kami nina ate joanne, phuc at ate ni phuc para makabiyahe na pauwi. sumakay kami sa bus. sayang nga lang kasi may plano sana kaming magbulalo at bumili ng pasalubong. panutsa na lang ang nabili namin...dire-diretso papunta sa taft at nag-mrt at nagjeep pauwi. :)
*****************************
at home w/ daddy...
sina ate kitel at mommy, sa condo muna nakatira nung ibang araw...kaya kami muna nina liz at ate joanne ang nagluluto at naglilinis ng bahay kapag umaalis na si daddy. at dahil dun, nag-imbento si ate joanne ng mga bagong recipes!
recipe # 1: hotdog & cheese omelette
ingredients:
2 hotdogs (sliced)
cheese (desired amt., grated)
2 eggs!
procedure:
mix everything until "smooth"!
recipe # 2: hotcake delight!

ingredients:
hotcakes
milk cream (condensed milk+cream)
cinnamon cream (cinnamon+condensed milk+cream)
chocolate cream (chocolate syrup+cocoa+condensed milk+cream)
procedure:
pour cream/s over hotcakes. enjoy!
**********************************
dugsh dugsh dugsh
grabe si rj...waaaahh...sobrang nakakakaba! ganito kasi ang nangyari...
may 2, 2007 mga 6:45 pm: nasa condo kaming lahat except mommy nang dumating ang delivery boy ng tubig. nagbayad si daddy ng P50 pero wala raw panukli...kaya humingi si daddy ng barya kay ate kitel na nasa kwarto. naiwang bukas ang pinto. tinutulungan ko si ate joanne magluto habang nanonood ng tv si liz. at si rj...hindi namin namalayang lumabas na pala ng condo...waaaahhh!!! nagbayad na si daddy at nagsabing aalis cya. pag-alis ni daddy, saka lang namin narealize na nawawala si rj. hanap dito, hanap doon. pero hindi namin cya nakita. naisip naming baka lumabas cya kasama ni daddy kaya nag-elevator kami ni liz papunta sa ground flr. at nagtanong sa guard kung kasama ni daddy si rj pero hindi raw niya kasama. panic! panic! umakyat kami sa stairs para tingnan kung nasa ibang floor si rj. maya-maya, may narinig akong footsteps sa 3rd flr. tumakbo kami ni liz papunta dun at nakita namin si rj galing sa isang kwarto na may hawak na chocolate wafer. haaaayyy...buti na lang hindi cya nakababa papunta sa 1st flr. at lumabas papunta sa kalsada...bumalik na kami sa unit 502 kasama si rj. grabe...kinabahan ako nun... ^_^
**********************
other recipes...
wala lang...nag-eexperiment lang kami...
fruit cocktail jelly
[instructions sa book ni liz "hele"]
~~~~~~~~~~~~
milk chocolate jelly

ingredients:
gulaman
condensed milk
cocoa
chocolate syrup
procedure:
obvious naman di ba?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
cocoa hotcakes

ingredients:
cocoa
hotcake batter
chocolate syrup
procedure:
mix cocoa w/ hotcake batter. put mixture in pan/llanera. steam until thoroughly cooked. put chocolate syrup on top. enjoy!
7:47 AM