Saturday, December 16, 2006
oh great...
naiinis ako kasi more than 1 year ko nang di nakikita ang upis friends ko... :((
kahapon, pumunta ako sa high school pero ibang 09 lang ang naabutan ko. nandun lang ako simula 1:30 hanggang 2:15 tpos umalis na ako. naglakad ako simula sa high school papunta sa sunken garden papunta sa oblation papunta sa philcoa. nainis kasi talaga ako at wala ring jeep na may space pa...pupunta pa nga sana ako sa lantern parade pero pag-uwi ni ate kitel, sabi niya, hindi daw tuloy kasi may bomb threat at rally. sa philcoa, dinaan ko na lang ang inis at lungkot sa pagkain...habang nagbabasa ng things fall apart [tfa] tapos nag-commute na pauwi [inisip ko pa nga kung maglalakad ulit ako pero marami namang jeep eh].
eto ang nilakad ko...

ang sarap umiyak. miss ko na talaga kau angelica & lea!!! waaahhh...
malungkot nga ako at pinagyabang ko pa ang haba ng nilakad ko...
maya-maya, nanood na lang kami ng princess hours [goong] sa internet upto sawa...hanggang hatinggabi. kaya tuloy napuyat kami nina ate joanne at ate kitel at hindi nakapag-simbang gabi :(
11:25 AM