Friday, September 08, 2006
last day ng humanities
dahil di nga ako nakapunta sa practice kahapon, di ko alam kung ano'ng gagawin ko...buti na lang tinext ko sina criselle at arn-arn... :)
nung umaga, nag-practice ang adelfa sa parking ng brha...[kasama ang isang cute na kitten...]hanggang mga 8:45. kasi pumunta pa kami sa debate sa 3/f audi para maipakitang nag-attend kami. pero, pagdating nmin, wala nang sapce sa loob...kaya dun na lang kami sa labas. dahil dun, wala na kaming maintindihan sa debate kaya naglabasan na lang ang mga cellphone. wala na rin naman kaming maintindihan kaya nagkasundo kaming may maiwan muna habang nagpa-practice ung iba dun ulit sa parking lot. practice practice practice...hanggang 10:35. pinakain muna kami ng lunch. at kumain ako ng sushi. si ate joanne kasi e...promoter...sabi niya sa akin kahapon...
"ansarap talaga ng sushi! bili ka! sobrang sarap talaga!"laban sa "so?!" niya, sabi ko...
"whatever..."pero ayaw pa rin magpatalo...
"masarap nga talaga!..." ...blahblahblah...nagtuluy-tuloy pa...
hanggang mapa-
"oo na." ako...
yan ang kwento ng pagbili ko ng sushi...
grabe...di ko masyadong na-enjoy ang pagkain nun. andami kasing nakatingin sa akin e...parang 1st time lang makakita ng taong kumakain ng sushi. pwede namang kay ysy na lang tumingin e...un din nman ang kinain niya...
pagkatapos kumain ng sushi, kinain ko ung baon ko [sabi ng isang adelfa, anatakaw ko raw pero payat pa rin... :P] tapos dumating si arn-arn. binigay niya sa akin ung flowers at sinabing "may you be the hope of adelfa" or something like that...tapos may nagsabing "uy! picturan niyo! nagpo-propose si arn-arn kay ces!" ...whatever...
tapos practice ulit nung 11 na. hanggang mga 12:15 para makapagpahinga at makapagbihis na kami. pumunta kami nina ysy, jo at criselle sa 3/f front landing para dun na magpractice. nagbihis muna tapos naghintay nang matagal para dumating ang ibang adelfa. nung nagdatingan na sila, nag-practice ulit...una sa audi, pangalawa sa front landing...tapos pwedeng manood ng ibang speech choir pero dun na lang kami nina guia, runer, arn-arn, at nikolai malapit sa backstage. wala kaming magawa kaya nanood na rin kami ng presentations...
adelfa na! un...presentation...ung part na
all the people raised the cry, fearing not to bleed or die, dapat mahuhulog kami nina guia at baj at sasaluhin ng ibang guys. si jombo ung sumalo sa akin pero nagulat yata siya. muntikan na akong bumagsak pero ok naman. tinapos na ung poem tapos nagagulu-gulo na ung exit. ung side namin, sigawan na! pero ung kabilang side, nakaupo pa rin...nung tapos na ung presentation, ansaya-saya na! tapos na, yay! nanood na lang kami ng ibang sections, intermission, tapos nood ulit. announce na ng winners: 2nd ang rosal [ang mga zombies] at 1st ang dahlia [go airah! :P]
awarding ceremony dun pa rin sa audi. 3rd place ang blue team sa laro ng lahi...panalo ang group nina bea sa kkkwiz [go adelfa! go bea!]...un lang yata...
tapos may mass kasi
bday ni mama mary. pero di ako nakapunta...nagdasal na lang ako. pumunta ako sa skul bus at hinintay si ate joanne. nung dumating na siya, kinwento ko sa kanya ang pagkain ko ng sushi dahil sa pagpo-promote niya...
"ang anghang...ansakit sa ilong"
"ha? hindi naman e...ansarap talaga!"
"oo kaya..."
"baka naman nilagay mo lahat ng wasabe! kalahati lang ung ginamit ko e..."
waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!! kaya naman pala!!! nilagay ko lahat ng wasabe!!!!!
pag-uwi sa bahay, wala nang nakatayong flower...awww...
7:06 PM