Saturday, July 01, 2006
sa mall of asia...
umalis kami dito sa bahay ng mga 12:30 pm papuntang mall of asia. buong pamilya sana kaso wala si mami kasi pumunta siya sa binyag ng anak ng officemate nia.
natulog na muna ako sa kotse tpos nagising sa entrance ng nakakahilong parking lot. nakapag-park na si dadi ng sasakyan sa rooftop mga 1:30 pm. pumasok kami sa entrance pero andaming nakapila sa elevator. nagsisiksikan lahat ng tao para lang makasakay sa elevator...nang bumukas na, nagtulakan naman para makapasok. nakapasok nga cna dadi, rj, at liz sa elevator pero kami nina ate kitel at ate joanne, di na kasya saka na-overload na rin ung elevator. lumabas na lang cna dadi tpos nag-stairs na lang kami galing 6th flr. hanggang 2nd flr...haaaaaaaayyyy...nakakapagod un...
naglibut-libot muna kami tapos nagpahangin sa part ng sm na malapit sa manila bay. pictur-picture...ancute nga ni arjay kasi gustung-gusto nia ung view ng buildings at ng manila bay kaya ayaw nia tumingin sa camera e...
pumunta kami sa greenwich para kumain tapos naglibot ulit kami hanggang makarating sa ground flr... nagpa-pic kami kasama ung 3 "robots" [taong parang robot ang kilos]. umakyat pa ulit kami para makapunta sa kabilang side ng building. bumaba kami para makapunta sa manila bay.
sa manila bay, ansarap magpahangin. umupo kami sa side...nakakatakot nga kasi baka mahulog ung tsinelas ko sa mga bato e...pinicturan kami ni dadi na nakaupo tapos pinicturan namin sila ni liz na nakatayo sa mga bato. kami naman nina ate kitel at ate joanne ang pinicturan ni dadi na nakatayo sa bato...tapos nakaupo naman...tapos, bumalik kami sa inupuan namin bago pumunta sa mga bato. nagpahangin ulit tapos bumalik na sa loob ng building.
umambon na. nag-cr cna dadi at rj at lumabas kaming natira para manood ng marching band ng storyland. pagkalabas nina dadi, bumili na muna kami ng snowpy tapos umakyat na ulit sa 6th flr. sakay ng elevator.
5:30 na. pagkarating namin sa rooftop, anlakas na ng ulan. hinatid ng isang lalaking may payong si dadi paunta sa kotse tapos sinundo nia kami sa exit.
bumaba ulit kami sa nakakahilong parking lot. pupunta pa sana kami sa condo naming malinis na kaso nga lang, anlakas talaga ng ulan. nakarating na lang kami dito sa bahay ng mga 6:30 pm.
8:53 PM