image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, June 07, 2006

sophomore re-orientation


mga 7:15 ako dumating sa skul...7:30 raw kasi magsisimula ung re-orientation e...pa-text-text muna ako tapos naglaro na lang ng games sa cellphone...

7:30 na...wala pang nag-aakyatan...7:35...7:40...7:45 lang nag-akyatan papuntang audi...

nung nandun na ang karamihan sa loob ng audi, blah blah blah blah...[nakinig ako ha! andami lang kasing diniscuss...pati questions...] tapos, nag-snacks kami ung ibang tao...ung iba naman, kasama na ako, nag-stay na lang sa audi. ung iba, nagkwentuhan, ako, naglaro ulit sa cellphone...

tapos na ung snack time, subject teachers naman...blah blah blah...sulat sulat sulat [nagte-takedown notes ako...ü]...tapos, nag-lunch na kami...

pagkatapos mag-lunch, nag-pta meeting ang parents tapos nag-batch congress ang 09...blahblahblah[ulit...pero nakikinig pa rin ako...]...

pagkatapos nun, pumunta ako sa caf para bumili ng id sling at id holder. pumunta ako dun...nakita kong tatlo na lang ang natitira para sa 2nd yr. binili ni carmel ung dalawa...tapos sabi ko..."pabili po nung sa id..."sabi naman nung nandun..."sige" at pumunta cya sa cash register..."meron pa po ba kau nung sa id?" sabi ng isa kong ka-batch[di ko cya kilala e...] at...binigay sa kanya!!!nakakainis talaga no? paano kung sa iyo mangyari un??? grrrrrrr!!! pumunta na lang ako sa front lob. dun ko nakasalubong si karmina. pumunta kami sa isang table...naglaro ako ng cell at tinuruan ko cya kung paano maglaro ng opposites/reversi. dumating si anna tapos kulitan na...

pumunta kami sa caf para bumili ng pagkain. tapos, umakyat kami sa 3rd flr. para tingnan kung tapos na ung meeting ng parents [antagal kasi nila bumaba e...] naglaro na lang muna sina karmina at anna tapos nakisali sina jonathan at jp...nanuod lang ako at natawa sa mga pinaggagagawa nila...Ü

lumabas na si mami galing sa audi...nagpaalam sa mga naglalaro...tapos, umuwi na kami...

4:49 PM