Sunday, June 04, 2006
pentecost youth camp sa verbum dei
pumunta kami nina ate kitel at ate joanne sa verbum nung friday...
friday...
pumunta muna kami sa bahay nina ate ana kasi sasabay kami sa kanila papuntang verbum dei, tagaytay. pero, bago pumunta doon, pumunta muna kami sa tagaytay midlands...pumunta na kami sa verbum dei, kumain ng tanghalian[mga 3:00 pm na nun], namili ng room [bethel ung room na napili namin...pang-apat na tao kahit tatlo lang kami], at nag-ayos ng gamit...
maya-maya, dumating si ate lani at ate regina. sumama na lang sa room namin si ate lani...nagpakilala, tapos hinulaan pa ni ate reg ung mga pangalan namin...hehehe...
naglaro na lang kami ng baraha habang naghihintay na may magawa...pagkatapos, nag-merienda kami ng donuts, gumawa ng bagong songbook, at nag-practice para sa rosary prayers namin sa gabi.
bumalik na kami sa building at kumain ng dinner habang nagku-kwentuhan tungkol sa spirits. pagkatapos kumain, nag-rosary na kami sa 2nd flr. chapel at natulog.
saturday...
maaga akong nagising kaya naglaro na lang muna ako sa cellphone. pinaikot ko ung electric fan sa kwarto [kasi nakatutok lang kay ate kitel...nainitan ako] tapos, sa sobrang ingay, nagising ung roommates ko...sabi nila, parang alarm clock daw...hehehe...
naligo kami tapos kumain at naglakad-lakad sa labas. bumalik kami sa building tapos nag-register sa chapel sakabilang building...marami na kasing dumating...
nag-activities na muna kami para makilala namin ang isa't-isa...tapos, ang mananalo, maghuhugas ng mga pinggan...hehehe...
nag-lecture si ate reg [inantok na ako nun] tpos, nag-campfire na...ansaya talaga...may mga presentations at songs...[favorite ko ung make-tue-tue-pa-pa... :D] pagkatapos nun, nag-hot chocolate at kumain nung masarap na tinapay...tapos, natulog na ng mga 12. sumama na rin sa room namin si ate reg kasi walang humihiga sa taas ng doubledeck...hindi kasi tinatamaan ng electricfan e...kaya kaming tatlo nina ate kitel at ate joanne ang nagsiksikan sa dalawang kama
sunday...
maaga kaming ginising kasi may misa pa kapag 8:00 na. dapat, maaga kaming maligo at magbreakfast. sa misa, ako ag nag-alay ng uling...la lang...pagkatapos ng mass, naglaro pa kami ng pinoy olympics at kumanta ng songs w/ actions. dumating na sina mami, dadi, rj, at liz. sina mami, dadi, at rj, nag-stay sa 2nd flr. chapel habang gumagawa kami nina liz ng thank you cards para sa parents namin. tapos, nag-snacks, nag-sharing, at nag-ending program. pagkatapos nun, kunganu-ano na ang ginawa at umuwi na kaming magkakamag-anak...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
pasukan na sa upis at shs bukas!!! ang aga naman...
ano kayang mangyayari sa batchmates ko sa upis???
ano kayang mangyayari sa 1st day ni liz sa shs???
10:09 PM