Monday, May 29, 2006
magulong araw
haaayy sa wakas...makakapag-post na ako sa blog na 'to...
kaninang umaga, dumating kami [kasama ko si ate joanne] sa pisay ng mga 8 am. nakita naming may mga nagfa-flag cem[kung un man ung spelling...]. ang konti lang ng nandun pero pagdating namin sa 2nd flr, ang haba na ng pila. katapat na kami ng door ng faculty...
hintay...hintay pa...sumasakit na ang paa namin sa pagtayo...sige pa kahit pawis na pawis na kami...hanggang...
kami na ang sunod!!!ang babaw ng kaligayahan no? pero ganyan talaga kapag matagal nang naghihintay sa pila...sa medical clinic pa lang un!!! meron pang pipilahan sa SA...
ganun ulit...hintay ulit sa pila...hintay pa...kahit maraming sumisingit sa pila...kahit
P50 lang ang babayaran...nasa harap na ng pila...nagbayad...pumunta sa reg...at...
pumila na naman!!!nakakainis talaga...andaming kailangang pilahan...buti na lang hindi ako dormer kundi mas marami pa akong kaming pipilahan...nakapila pa rin...pero may sumisingit...hanggang...next!yehey!!! ako na!!!binigay ung mga papel-papel...tapos sinulat 'to...
sa wakas!!! alam ko na ang section ko!!! ADELFA!!!sinu-sino kaya ang mga kaklase ko???
hindi pa dyan nagtatapos ang kwento...nakipagsiksikan pa ako sa property office para kumuha ng form at libro...natagalan nga ako dun hanggang...
kinuha na ang enrollment form ko!!!"tech o sci???" "ha??? may sinabi bang ganun???"ang gulo talaga...tiningnan ko na lang sa listahan...
"tech po ako..."parang wala lang ung expression ko pero sa kaloob-looban ko...
"YYYYEEEESSSS!!! nabawasan ako ng isang makapal na libro!!!"ang babaw ko talaga...pero malaking bagay un sa akin...alam nio ba kung bakit???
kasi...
MAGCO-COMMUTE LANG KAMI NI ATE JOANNE PAUWI...at...LALONG BIBIGAT ANG MGA DALA NAMING BAGS KAPAG NADAGDAGAN PA UNG DADALHIN NAMING LIBRO!!! buti na lang talaga...tech ako...hehehe
habang sinasagutan ni ate joanne ung forms para sa books, sabi ko, magpapa-pic na 'ko sa ASTB.
pagdating ko dun, konti lang ung nakapila...nung 2nd na ako sa pila...natandaan ko...
nakalimutan ko ung temporary id ko!!!waaaaaaaaahhh!!!umakyat ako sa 2nd flr at hinanap ung maliit na papel na un...hindi na muna ako bumalik sa ASTB kaya tumulong na lang ako sa pagfi-fill up ng forms...binigay ung isang form sa property office, nilagay ang mga libro sa malalaking bags, at binitbit ang mga mabibigat na bags papunta sa ASTB
pagkarating dun, nagpa-picture na kaagad ako...wala namang pila e. ang ewan nga nung pagpapa-picture kasi may name plate pa na hahawakan...mukha kaming preso...
pagkatapos magpa-pic, lumabas na kami at sumakay sa padyak...mukha ngang nahirapan ung nagba-bike [sa padyak...hehe...di ko alam ung tawag e...] sa pagpedal kasi ambigat ng mga dala naming bags e...hehehehe...
sumakay na kami sa jeep at nakauwi na dito sa bahay...pagkauwi, nagpalamig sa electric fan at kumain ng lunch. pagkakain ng lunch, kumain ng walnuts w/ chocolate syrup [yum! :d] at nagpunas ng pingpong table na binubuan ni arjay ng turtle wax...haaaayyy...
pagkatapos naman nun, nag-computer games, at ngaun, eto na't nagpo-post na sa blog...
3:03 PM