Sunday, May 14, 2006
hapi mother's day!!!
hapi mother's day!!! umagang-umaga...ginising kami ni liz para designan ung card na binili para kay mommy at sa mga lola namin. un...design design...drawing drawing...sulat sulat...
kainis nga e...laging pumapasok si mommy dun sa kwarto kaya nakikita niya ung mga cards habang ginagawa namin...grrrr...hindi na tuloy surprise...
nung hapon na, binigay na namin ung cards, parang surprised...cguro para hindi kami ma-disappoint...o kaya dahil maganda talaga ung card...hehehehe...
oo nga pala...nung buong araw na un, andami kong natanggap na text. galing cguro sa officemates ni mommy. sabi nila...hapi mother's day!!! reaction ko naman, hindi pa 'ko nanay!!! pero...ok lang naman...cguro hindi lang nila alam na bago na ung sim ni mommy at ung luma naman niya ay napunta sa akin...haaaayyy...
3:41 PM