image
kesi's blog
image image image image
Monday, April 17, 2006

holy week [days...] sa batangas


day 1--maundy thursday

tanghaling tapat kami pumunta sa batangas. grabe, sobrang init talaga nun. dumating kami dun ng mga 4:45 pm... sobrang init kaya sarap na sarap talaga akong kumain ng icecream...
pagdating sa bahay, nagpaka-busy sa paglalaro ng rubik's cube at nanood nang nanood ng tv. nung hapon, nagpagupit ako ng buhok...bumalik na naman sa dati ang buhok ko... [maigsi na naman...]
nang gabi na, dun kami natulog sa kwarto ng mga pinsan ko. pero, bago matulog, nanood muna kami ng tv... [movie: if only]

day 2--good friday

late na akong nagising...tinapay lang tuloy ang agahan ko...pagkatapos kumain, nanood na naman ng tv, bumili ng snacks, nanood na naman ng tv, at sumubok ulit na mag-solve ng rubik's cube. natulog ako nang tanghali na...pagkagising, nagsimba kami ng pamilya ko. pagkauwi, nanood ng tv tapos sumilip sa prusisyon. ung kapatid kong sumama sa prusisyon [si liz], dumiretso sa bahay nina tita bessie. kami namang nasa bahay, kumain na ng hapunan tapos sinundo si liz...pagdating sa bahay, nanood na naman kami ng tv... [movie: the passion of Christ] grabe, nakakaiyak...hindi ko na nga kayang makita ung crucifixion kaya nakinig na lang ako nang nakapikit hanggang makatulog.

day 3--black saturday

late ulit akong nagising...nagmadali akong kumain ng tinapay[almusal na naman] kasi magsi-swimming kami sa el madero... pagdating namin dun, kahit maaga pa, andami na ng mga nagsi-swimming!!! kaya naman sinamantala na namin ung oras bago dumami pa ung mga nandun... ang saya talaga... may nambabasa ng watergun, may habulan sa tubig, swimming contests, at kung anu-ano pa...nakakainis nga lang kasi nung hapon na, andumi na ng tubig sa pool. nakakawalang-gana na tuloy ang pagsi-swimming...
nung hapon naman, aalis na sina ate kaye[pinsan ko], kuya dj[asawa ni ate kaye] at nica[yung anak nina ate kaye at kuya dj]. ang cute talaga ni nica...kiniss niya ako...first tym talaga...

day 4--easter sunday

maaga dapat gumising kasi uuwi na kami sa qc at may pupuntahan si ate kitel...hinatid namin ung iba pa naming mga pinsan sa makati tapos pumunta sa bahay nina tita norms at tito joel sa palawan[ung street sa pag-asa, hindi ung...probinsya]...galing dun, pumunta kami sa bahay nina mam poli[teacher ni ate kitel] para kunin ung edited speech...tapos, umuwi na kami sa bahay namin...

o, wala na pala 'to sa batangas...ibang usapan na...

*************

ah...oo nga pala... happy graduation sa batch 06 ng upis!!! congrats sa inyo.... :)
at, ok na ba ang blog ko??? comment naman sa bagong blog skin...

10:07 AM