image
kesi's blog
image image image image
Wednesday, November 11, 2009

sembreak!


napakaiksi ng sembreak. dapat halos 1 month. oh well. marami naman akong nagawa. natapos ko na ang fullmetal alchemist, fma movie: conqueror of shamballa, fma brotherhood, nodame cantabile [anime], nodame cantabile paris-hen, at mga ova nila. nung 1st sem nga pala at summer break [long long time ago], marami rin akong natapos na anime series. nung summer, tinapos ko na ang dn angel, otome wa boku ni koishiteru, ginban kaleidoscope, seto no hanayome, special a, denno coil, code geass, k-on, at la corda d'oro primo/secondo passo. alam ko. adik ako. masaya kasing mag-anime marathon kapag gusto mo talagang mag-ubos ng oras. weekdays nga ng 1st sem, nakatapos pa ako ng azumanga daioh at hayate no gotoku season 1&2. nanonood pa rin ako ng katekyo hitman reborn, shugo chara at fullmetal alchemist every week. nagbabasa pa ako ng manga ng bakuman, gakuen alice, at shugo chara. grabe. andami ko palang sinusubaybayan. wahaha. nanonood pa rin naman ako ng tv...hindi lang naman 2d stuff. hehe. may mga kunganu-ano rin akong ginawa ngayong sembreak. inayos ko naman ung cabinet namin ni liz na mukhang tinamaan ng sobrang lakas na hangin ni santi sa sobrang gulo. tinulungan ko rin si liz sa projects at hws niya nung may pasok pa cya. aww. i'm such a nice sister. :P eto. nakapagblog pa ako ng pagkahaba-habang blog posts. kaso nga lang hindi ko na nagawa ang plano kong i-master ang "flight of the bumblebee" sa piano dahil masyado akong nahook sa anime. hindi ko yata nahawakan man lang ang piano. aww.

nov 1. sa condo nga kami nagstay nina ate kitel at ate oan. nung umaga, naghanda na kami ng gamit para sa pagpunta namin sa batangas. sinundo na kami nina mami at dadi. pumunta na kami sa batangas, kumain. naging comsci person of the family na talaga si ate oan. nireformat niya ung laptop ni ate kitel. pagkatapos kumain ng nakakabusog na lunch [masarap pala ang salad lalo na kapag may mangga at crabsticks], nireformat naman niya ung laptop ni joem. grabe. anlala ng sira ng screen ng laptop ni joem. pareho lang kasi kami ng laptop...sabay binili...parehong may defect ung screen. pero ung akin, konting blink-blink lang. ung kay joem, parang transition ng powerpoint slides. bigla na lang magf-freeze ung screen, unti-unting mag-iiba ng kulay, mawawala, at poof! andyan na ulit. matagal tuloy ireformat ung laptop na un dahil sa panirang screen. anyway, iniwan lang namin un sa kwarto habang nag-iinstall ng windows. pumunta na kami sa sementeryo. sa libingan nina tita agnes at kapatid nina patrick [nakalimutan ko na ung pangalan. T____T jp yata.], sooobrang dumi. halatang bumagyo sa batangas. kaya si mami muna ung andun at naglinis. pumunta na kami sa libingan ni lolo jose. dasal-dasal, tapos dun lang kaming magkakapatid habang nakikikulit kay nica. hindi na kami pumunta sa iba. aww, liz. hindi ka na nakakuha ng iyong usual stock ng candies at butong-pakwan. :)) tapos, bumalik na kami kina tita agnes. medyo malinis na. nakita rin namin sina patrick. sa batangas na kasi sila tumirang magkakapatid kasi nasa states si tita chona. tapos, bumalik na kami sa bahay. tinuloy na ni ate oan ang pagrereformat ng laptop ni joem habang naglalaro si liz ng emerald city confidential sa laptop ni ate oan na naka-windows 7 na, at natutulog ako. maya-maya, nag-brownout na. buti na lang tapos na magreformat. hindi na rin naglaptop si liz. bumaba na kami ni ate oan at nakichika sa mga pinsan/tito at tita sa may veranda. nagsayaw ng nobody sina nica, wendell, at liz. nung nagkakuryente na, nagdinner na kami. naglaro naman ng pinoy henyo sina ate kitel, nica, liz, at wendell. pinakamemorable ung si wendell na ang manghuhula. batman dapat kasi suot niya ung batman costume niya nung tanghali.

wendell: "tao?"
kami: "oo"
(...)
wendell: "lalaki?"
kami: "oo"
(...)
wendell: "superhero?"
kami: "oo"
wendell: "superman?"
kami: "malapit naaa..."
wendell: "darna?"
kami: "lalaki nga eh."
wendell: "DARNO? lalaking darna!"

:)) panalo ka talaga wendell. anyway, yun. as usual, maaga kaming natutulog sa batangas. hindi kami maka-internet at makapag-anime marathon eh. hahaha. dun ako natulog sa maliit na sofa sa tabi ng bintana. paggising ko ng madaling araw, sobrang sinisipon na ako at ansakit na ng ulo at katawan ko. ilang beses kaya akong nagpaikut-ikot, naghahanap ng magandang puwesto. haaay. kahit na maaga akong natulog at hindi masyadong maagang nagising, puyat pa rin ang feeling ko. =______=

nov 2. bumalik na kami sa qc nung umaga. nagsimula na ako sa pagiging anime adik sa sembreak.

nov 4. may medchoir kaya sabay kami ni ate kitel na pumunta sa manila. wala pang tcg, as expected. nakuha ko na ang math classcard ko. tapos nagpagawa na kaming dalawa ng certificate of good moral character [gmc] para sa oblation scholarship, at kumain ng tig-isang noodle queen galing sa noodle king. hehe. tumambay lang kami sa sinigang express "sex" o___o hanggang sa medchoir na. hindi na kami umuwi sa qc.

nov 5. enrollment ko na! kaso nga lang sobrang tinamad ako nung umaga. nag-fma lang ako. wahaha. nung hapon lang ako pumunta sa cm para kunin ang form 5 ko. finill-out tapos pinasign-an. yun lang. hindi pa naman ako makakapagbayad ng 27k++ pesos pang-tuition in a snap. malamang hindi pa ako registered. pero at least may form 5 na ako. kinuha ko na ung gmc namin ni ate kitel at medchoir na. tapos, bumalik na ako sa qc. yey.

nov 7. wedding gig sa medchoir. galing sa qc, nagbus ako papuntang pedro gil dala ang lahat ng medchoir stuff namin ni ate kitel. nakakahilo talaga kapag bus ang sinakyan. o hindi lang ba ako sanay? nagpalabas pala ng "supah papalicious" sa bus. wala lang. medyo nanood ako. pumunta na ako sa stones. ako lang ung andun nung call-time na. kumain lang ako ng "lunch" kong kariman. tapos, nung medyo dumarami na kami, pumunta na sa medlounge. practice-practice, tapos nagbihis na. naka-centennial costume kami nina gee-ann at jasper. yay! parang members na talaga ha. wahaha. anyway, papunta sa simbahan, dun ako sumakay sa sasakyan ni ate joan. kasama ko dun sina ate joan [malamang], ate trinia, kuya drew, kuya vj, kuya reci, ate eliza, at uhh...si kuya vic yata. kumanta lang kami habang nasa biyahe. ung simbahan ay ung malaking simbahan malapit sa naia. wedding nga pala un nina maam majoy at sir marc [hindi ko sila kilala pero uhmm...faculty yata sila ng cm]. bawal kumanta ng love songs sa simbahang un. ang arte. basta un. kanta-kanta. nakakapagod. tapos, nagdinner SILA sa the fort. sumabay lang akong pumunta sa qc kay ate joan. kuwento-kuwento lang si ate joan tungkol sa pisay life/intarmed life habang nasa biyahe. binaba ako sa meralco. take note. naka-costume pa rin ako nito. hahaha. buti na lang gabi na. wala na masyadong makakakita sa aking nakacostume habang naglalakad pauwi sa bahay. hahaha.

nov 8. practice sa verbum dei ng mga kanta para sa national encounter. sumama kami nina ate kitel at ate oan. nagtampo si liz dahil hindi cya makakasama kasi may trip to baguio sila sa encounter day. matapos ang rehearsal ng mga kanta, kaming magkakapatid at si sister cecilia na lang ang nagpractice. si ate kitel ang tagakanta, si sister cecilia ung konting kanta at organ, si ate oan sa recorder [flute], at ako ang tagahawak ng notes para sa flute at ng mga cellphone na pang-record. cool ung pag-aarrange ng notes ng flute. kaso nga lang halatang-halata pag nauubusan na ng hininga. nauna nang umalis si ate kitel. natira na lang kami ni ate oan dun habang hinihintay si mami. pinakain kami ng mga misyonera. hehe. masarap ang crackers. masarap ang singkamas. masarap ang malamig na tubig.

nov 9. papunta na sana ako sa medchoir nung hapon. kakatapos ko lang maligo at halos kakarating lang ni ate oan galing sa enrollment niya, tinanong niya sa akin, "hindi mo ba alam?" ako naman, "huh?" "patay na si lolo." "ehh?" hindi ko talaga alam kung paano ako magrereact. pinabihis niya na ako at pumunta kami sa national kidney institute [nki...dun nilipat si lolo maning nung friday] kasama ung caregiver ni lolo. pagdating namin dun, nakaupo lang si lola auring sa upuan, malungkot. "wala na." andun din ung pinsan ni dadi. sa loob ng kwarto, wala si lolo. si dadi at mga gamit na lang ung andun. na-cardiac arrest daw si lolo. 20 mins na binigyan ng chest compressions pero wala na talaga. :( dumating din sina tita norms, tito joel, at mami. usap-usap tungkol sa mga pangyayari, burol at libing. hindi na ako nag-medchoir. ipinamahagi ko na kay ate kitel ang bad news. napakahirap i-phrase. iningles ko pa. kumain kami ng mga natirang pagkain...vietnamese noodles, ponkan at dalandan. tapos, umuwi na kami. pagdating namin nina lola, sa bahay, niyakap ni liz si lola. nakakatouch. hindi man lang namin nayakap ni ate oan si lola matapos ang pangyayari. hindi talaga namin alam kung pano magreact. nakakaguilty. nakakainggit si liz. sana niyakap ko rin si lola. :( pumunta na sina mami at dadi sa nki tapos sa batangas.

nov 10. pumunta ako sa upm para ayusin ang enrollment ko. nung 1:30 pm na, kinuha ko ung pe at kom classcards ko kay anna sa our. tres ako sa pe. tres. tres. tres. tres. tres. T_______T hindi ko na napansin ang uno ko sa kom na 6 units. tres kasi ako sa pe. tres. treeeeeeees. lowest grade in my liiiife! waaah... buti na lang talaga hindi un counted sa gwa. kinuha ko na ung natsci classcard ko tapos pinaphotocopy ang classcards at gmc. pumunta na kay maam becky at pina-cancel ang ilang mga bayarin sa tuition. mula sa 27k++, naging P59.50. yey! nagbayad na ako sa cashier, nagpa-certified true copy ng classcards sa cm, nag-8 pcs takoyaki sa kidomanga, nagsundae sa ministop kasi sobrang napaso ang dila ko sa takoyaki, nag-popsicle at bumili ng extra strong mint tictac sa 7-11, nagmedchoir, at umuwi sa qc.

nov 11. last day na ng sembreak. plano ko sana talagang magpiano kaso hindi na natuloy. nanood lang ako ng ova ng nodame cantabile, nag-ayos ng school stuff at condo stuff, nag-internet, naglinis ng kainan at nagpakain kay bunsoy. wala na palang birdseed ung lovebirds namin. tinataob na naman nila ung kainan nila. sorry. ubos na talaga ung birdseed. dapat magpabili na kay dadi. pero busy pa siya. basta. marami akong inatupag. 2 na ako nakaalis sa bahay dala ang isang malaking backpack. pumunta ako sa manila. cashier muna sa faura para magbayad para sa classcard thingy. tapos, cm sa pedro gil para kunin ung classcard thingy. tapos balik sa faura para ibigay ang scholarship requirements kay maam becky. nakakapagod talaga. anlaki at ambigat pa ng dala kong backpack. pero sa huli, natapos na sa wakas. aabangan ko na lang kung kailan ilalabas ng cs [college secretary] ang tcg. 1.337 nga pala ang gwa ko [yata]. naks naman. kahit tres tres tres ang pe ko na hindi naman kasama sa gwa, antaaaaaaas! yaaay! mukhang US ako ha. yippeedoo! pabalik sa condo, nag-kfc muna ako. sa buong 1st sem nga pala, walang isang linggong lumipas nang hindi ako kumakain sa kfc. bwahaha. pagkatapos mag-kfc, bumili naman ako ng fillers sa national bookstore saka umuwi. bibili sana ako ng isaw kasi matagal na o hindi pa ako nakakatikim ng isaw. pero bukas na lang siguro ako mag-iisaw. hehe. anyway, andito na ako sa condo. may pasok na bukas. sana maging maayos at masaya ang 2nd sem. malapit na rin nga palang magPasko. PASuKan na rin bukas. haaay. babalik na rin dito sa pilipinas ang mga father's side tito at tita namin sa us para sa burol at libing ni lolo maning. lolo, mamimiss ka namin. wala na kaming lolo sa mother's side, ngayon naman sa father's side na rin. :(


4:06 PM


kkkkkkkkuuuuuuuuwwwwwwwweeeeeeeennnnnnnnttttttttoooooooo [last part na!]


ayan. last part na. yehey!

oct 6. practest sa pe. waaah. di na kasi natuloy ung wall climbing namin sa market market. sayaaaaang. kailan pa kaya ako huling nag-wall climbing? sa pisay fair? kaya, ung practest namin, muscular endurance to the max! 1 minute push-up [ihohold sa 90 degrees ang elbows for 1 minute], 1 minute plank, at 1 minute squat [hindi ung up-down-up-down]. grabe. mukhang madali lang pero sobrang nakakanginig ng muscles.

oct 7. originally, simula na dapat ito ng sembreak. o kaya magsisimula na ang finals at malapit nang mag-sembreak. asa naman. histo fieldtrip namin. magkasama ang imed at comsci. hindi ako excited pero ako ang pangalawang nakarating sa harap ng rh. una si sarah faye. late lang dumating ung iba. last na dumating si oj na naging seatmate ko. sa bus, habang nasa biyahe, nanood kami ng ilang episodes ng garireo...este galileo pala. hehe. basta parang nag-iimbestiga ng mga krimen gamit ang scientific/mathematical approach. naks. basta fun ung pagsusulat nung bidang lalaki sa kungsaan-saan ng mga equations niya. hahaha. una nga pala naming pinuntahan ang ilog maria. tagaytay 'to. nanood muna kami ng video. since medyo open-air ung kwarto kung saan kami nanood, nung bigla na lang umulan nang malakas, biglang may bumuhos na isang maliit na timbang tubig galing sa kisame kina jarby. malapit din sa akin pero hindi naman ako sobrang nabasa. tapos, nanood naman kami ng bee sting therapy. pag pinapanood, parang...owwwww...naiiwan pa ung stinger ng bee sa balat. parang ang weird ng feeling nun. pero parang kagat lang naman daw ng langgam. basta ang galing nung epekto. tapos, dun sa 2nd floor nung room kung saan kami nanood ng video, parang terrace na. malakas ung hangin dun. wheee... sunod naming pinuntahan ang mushroom burger para kumain ng lunch. dalawang burgers ang binili ko. hahaha. antakaw. pero hindi ako sa loob kumain. dun na lang sa loob ng bus. kaso nga lang, si patti lang ung nasa loob ng bus at natutulog siya. tinawagan pa cya ni tella para buksan ung pinto ng bus. hindi pa namin alam kung paano buksan kaya...basta. ang gulo. may mga nagbebenta pa ng candy, buko pie, at ispesyal ispasol :)) napakamapilit nila. waah. pinagkaguluhan nila ako. pero sila naman ang tumulong sa aming mabuksan ang pinto ng bus. tapos, pumunta naman kami sa uhh...nakalimutan ko na T____T basta ung may hallelujah diet. nakakahiya nga nun kasi una, nanood kami ng video tungkol sa all-natural diet na walang meat, dairy products, and other dead food, puro fruits, vegetables, and nuts lang. nasa front row ako, sa harap nung nagpe-present, tapos nakakatulog ako. waaah. nakakahiya. sorry po. inaantok talaga ako. uminom kasi ako ng gamot nung lunch...eh hindi naman no-drowse. waaah. tinigil na tuloy ung video sa kalagitnaan. nakaka-guilty... tapos, bumili ng green smoothie, o kung anuman ang tawag dun, ung iba. gawa un sa mga dahon, gulay, ewan. nakatikim naman ako. lasang dahon nga. hahaha. tapos, pumunta kami sa simbahan kung saan yata kinasal sina gma at fg. meron ding parang mga units na mukhang hotel room sa loob sa tabi ng simbahan. libut-libot lang dun tapos bumalik na kami sa manila. kasabay ko sa jeep pabalik sa condo si doha. pero dapat pala nagpababa na lang ako sa vito cruz nung dumaan dun ung bus para wala na akong gastos. kayang-kaya lakarin ang condo. pero malay ko bang dadaan dun ung bus. oh well. whatever.

oct 11. fun run nung 6-8 am sa academic oval/careless este carless oval tuwing sunday. hehe. takbo takbo takbo. sobrang nakakapagod. sobrang nakaka-dehydrate. pero buti naman may dala na akong isang boteng tubig at gatorade, di tulad nung practice run namin sa pe sa upm [see sept 15]. 150th place yata ako. pasok naman siguro sa 35 mins na time limit namin para sa 2 laps paikot ng oval [di tulad ng 45 mins na time limit para sa ibang mga klase. haaay]. 3rd place si shenna sa girls! woohoo! ang galing mo! tapos, puro imed block 13 ang 1st, 2nd at 3rd sa boys. 1st si vince, 2nd si jio, at 3rd si terence. adik. pagkatapos nga nung fun run, nakita namin si sir vlad. hehe. wala lang. tapos naglakad lang ako papuntang central para umuwi at kumain ng agahan. yehey

oct 12. dito nagsimula ang kom adventures ko. sa araw na ito, pumunta ako sa comelec. parang ansimple lang. tiningnan ko sa website nila tapos, nakita ko ung directions. galing sa quiapo church, sasakay ng pier jeep at bababa sa may manila cathedral/palacio del gobernador. kaya un. galing sa klase, nagjeep ako papuntang quiapo church. kaso nga lang, sa side opposite quiapo church ako binaba ng jeep. may bakod sa island kaya hindi pwedeng tumawid. ayun. naglakad pa ako ng pagkalayu-layo para makatawid sa overpass. may underpass naman pala malapit sa binabaan ko ng jeep. sumakay na ako ng pier jeep, napunta sa manila bay. halaaa...hindi ko na alam kung saan ako napupunta. napunta na ako sa intramuros. huwaw. nakita ko na ang napakalaking manila cathedral at ang palacio del gobernador. kaso nga lang, nasaan ang comelec. nagtanong lang ako sa guard at nagbigay cya sa akin ng directions. napunta ako sa ruins. RUINS. comelec ruins. nagkasunog nga pala sa comelec ilang taon na ang nakalilipas. mukhang wala pang tao dun. sino ba naman ang titira sa ruins. haaay. panalo. umalis na lang ako nang walang bitbit na data ng senatorial election canvass reports. sumakay na lang ulit ako ng mga jeep pabalik sa upm. may medchoir kasi. maaga pa akong dumating galing sa paglilibot ko sa manila.

oct 13. bday ni arjay! kaso nga lang wala ako sa qc. aww. may sop sectionals sa medchoir. nakakatawa. may tinurong techniques kung paano maaabot ung high notes kapag kumakanta. kailangan daw kasi ng "puson power". pwedeng mag-"butt squeeze" o kaya bend backwards. basta.

oct 14. last day na ng ipc para sa 1st sem. binigyan kami ng tig-iisang chocolate. yehey! vanhouten fruit and nut! tapos, pumunta naman ako sa senate. ang alam ko lang, sa may gsis building un sa roxas boulevard. nagresearch na ako sa google maps kung pano pumunta roon. sa gil puyat, side opposite condo side, dire-diretso lang hanggang sa makapunta sa roxas boulevard. tapos sa may highway-ish place, turn left hanggang sa makita na ang gsis building. sounds easy. kaya, nag-lrt ako papuntang gil puyat. amazing. 1st time na hindi ako sa vito cruz, un ave, or pedro gil station bumaba. clap clap clap. nagjeep papunta sa highway-ish place, at naglakad nang naglakad nang naglakad. antagal kong naglakad. ako lang yata ang naglalakad sa sidewalk ng roxas boulevard sa mga oras na un. after mga 30 mins ng paglalakad, napunta na ako sa pbi yata. tapos nagpaturo ulit ako sa guard ng directions papuntang gsis building. ayun! malapit na! "sa tapat lang, ung malaking building sa likod." maya-maya lang, matapos magpahinga nang kaunti sa ministop, napunta na ako sa gsis building at sa senate! whoopeedoo! nakapasok na ako sa senate. kaso nga lang wala akong nakitang actual senator. pumunta na ako sa archives section at naglista ng senate bills ng mga "artistang senador". yeah. sipag much. ansakit sa kamay magsulat ng napakaraming senate bills at mga title nilang paulit-ulit. haaay. soooobrang lamig pa sa archives. naninigas na ung kamay ko habang nagsusulat. nung tapos na ako sa senate bills, umalis na ako. may tiangge sa mismong labas ng archives room. kaso nga lang wala akong binili. kahit pagkain man lang. sayang. nung papalabas na ako sa senate, nakita nung isang guard ung id na iniwan ko. upm id. tapos sabi niya sa akin, dati, doon din siya nag-aral. kaso nga lang na-kick out cya. wala akong nasabi. umalis na lang ako matapos magpakita ng isang "understanding" face. paglabas ko ng gate, nakakita ako ng orange jeep. hindi ung normal jeep tulad ng up ikot. basta jeep. sumakay na ako dun, hindi alam kung saan ako mapupunta. sabi naman sa gilid nung jeep, taft. kaya yan. tapos, napunta na ako sa vito cruz, sa side opposite condo! huwaaaaat?! andali lang pala makapunta sa senate. hindi pala kailangang lakarin ang roxas boulevard. sasakay lang ng ccp complex jeep sa vito cruz side opposite condo. >< kaya, the next day...

oct 15. bumalik ako sa senate para naman magtally ng attendance ng mga artistang senador. kung sakaling nagtataka kayo kung bakit ako nagreresearch ng artistang senador, para yan sa kom research paper ko, "artistang senador, tungkulin ba'y ginagawa mo?" yaaak. ang ewan ng title. basta niresearch ko lang diyan ang senatorial election results ng 2001, 2004, at 2007, attendance ng senators sa 12th, 13th, at 14th congress, at mga bills na ginawa nila. naks. anyway, balik sa kuwento. ayun. nag-ccp complex jeep na lang ako. at napunta na ako sa senate in less than 10 mins. ayos. tapos, pumunta na ulit ako sa archives at nagsimula nang magtally ng absences ng mga artistang senador ng 12th congress gamit ang 12th congress journals. limang kahon ng journals ang binigay sa akin. inisa-isa ko ang more or less 100 journals. huwaw. ansipag ko to the max! mga 6 na yata ako natapos. bumalik pa ako sa upm para sa medchoir kaso nga lang isang kanta na lang ang naabutan ko tapos tapos na ang rehearsal. amazing. pero masaya naman ako kasi tapus na tapos na ang data gathering ko sa kom. yehey! yippeedoo!!

oct 16. thanksgiving dinner/bday party para kay dr. villalon. nagperform ang medchoir. may "solo" ako sa "kahit isang saglit". may mga nagsayaw ng nobody. may kainan. yey.

oct 19. octet exam na. ka-octet ko sina gee-ann, ate jamine, ate trish, anna, kuya jesh, kuya patrick, kuya drew, kuya kim, at kuya bean. kaso nga lang hindi pumunta si kuya patrick. 2nd to the last kaming nag-exam. nung hapon nga pala, after philo, nagpractice kami sa medlounge. practice lang nang practice hanggang sa exam. nakakaubos ng boses un. nung exam, una naming kinanta ung mission impossible theme. pumiyok ako. pero ok lang yan. kinanta rin namin ang "when you believe" at "at the beginning". pleasant-sounding daw kami. naks. pero hindi pa namin kilala ang isa't-isa sa grupo. malamang. day itself lang kami nakakanta nang magkakasama. hahaha. anyway, maganda naman ang kinalabasan. pumasa naman lahat ng nag-octet exam eh.

oct 21. walang pasok. wala na kasing nstp at ipc. yehey. sa condo lang ako buong araw.

oct 23. belated happy bday kay patti at happy bday kay kuya tristan! pagkatapos magpasa ng geo proj kami nina sarah faye, patti, at philline, [at magpicture-picture kasama ang aming project, at mang-imbita si patti ng mga tao para pumunta sa kanyang bday party, at manghula ng student nos ng mga imed people sa listahan ng grades sa math,] naghiwa-hiwalay na. si philline lang pala humiwalay. kaming tatlo, pumunta sa rob para maglunch. mga 3 na un. gutom na talaga kami. kumain kami sa kfc. binigay ko na kay patti ang regalo ko sa kanya. nagustuhan niya ung mechpen. un yata ang pinakanagustuhan niyang regalo. isang malaking YEHEY! daw ang feeling niya. alam na alam ko raw ang gusto niyang regalo. aww. ka-touch. pero obvious naman eh. palagi niya kasing inaadmire at hinihiram ang faber castell mechpen ko. hindi naman daw cya makabili kasi wala cyang nakikitang may binebentang ganun. ayan. binigyan ko na cya ng para sa sarili niya. tapos, humiwalay na si sarah. pumunta kami ni patti sa minex crystals kung saan kami bumili ng minerals para sa geo proj. bumili pa cya doon ng lucky minerals. bumili rin cya ng fish purse para paglagyan ng minerals niya. un na ang kanyang "lucky fish". hehe. tapos, sinamahan niya akong bumili ng black gown na susuutin ko para sa medchoir concert. matagal kaming naglibot ng rob. tapos, nung malapit na kaming sumuko, may nakita na kaming shop ng gown. karimadon. bakit nga naman hindi agad namin naisip na pumunta dun? nakabili na kami ng gown. salamat, lucky fish. lucky ka nga. salamat sa pagsama sa akin, patti. :D

oct 24. last practice na para sa medchoir concert. nung hapon, sa msu. tapos, dinner sa bk sa rob, at practice sa philamlife auditorium. sayang. di ako nakapunta sa churon reunion. hindi rin ako nakapunta sa bday party ni patti. pagkatapos ng practice, kumain muna kami nina jasper, gee-ann, at anna sa mcdo. masarap mag-coke float matapos ang half-day ng pagkanta. wahaha. hindi enjoyable ang napakaliit na pineapple pie ng mcdo. tapos, pauwi na sana kami nang nakasalubong namin ung mga small group people na sasayaw ng dancing queen. saka lang kami umuwi habang pinag-uusapan ng iba ang spiel ni ate kitel sa us tour. beth medler to vet medley. :))

oct 25. umuwi na kami ni ate kitel sa qc. nag-voters registration cya sa city hall. baptismal party ni ravin joseph, anak ni kuya boy, sa kamay kainan. pumunta kami dun nina mami at dadi matapos bisitahin si lolo maning sa heart center. andaming pagkain. soooobrang nakakabusog. tapos, pumunta kami sa city hall para naman bisitahin si ate kitel. ang haba ng pila. hindi pa ako pwedeng bumoto. bata pa ako. hehe.

oct 26. medchoir concert na! ayun, ayos-ayos ng buhok, makeup at costume tapos konting vocalization at exercise, at practice pa. dinner tapos kakanta na. nung malapit nang magsimula ung concert, nalaman namin ni ate kitel na natutulog pa pala si dadi. nasa qc pa sila. amazing. sa huli, nung "meet the fans" na, wala sina mami at dadi at ate oan. haaaay... hindi sila nakapunta. akala nila oct 27 [tuesday] pa ang concert. great. may mga 2016 na pumunta. may pisay people din. andun sina maddie, alexeis, cel g., karen, dondon, jill, sedric, meg, at theia. di ko alam kung may nakalimutan ako. sorry naman. picture-picture lang tapos umuwi na kami ni ate kitel sa qc sakay ang isang taxi na napakabilis ang takbo. 30 mins lang nasa qc namin [usually kasi, mga 1 hour ang biyahe]. naiwan ni ate kitel sa taxi ung cellphone niya. buti na lang mabait ung taxi driver at naibalik sa kanya un after a few days. ito nga pala ung links ng mga videos ng concert galing kay kuya jae. :D

medchoir
01-ave verum corpus
02-mission impossible theme
03-i don't wanna miss a thing
04-kahit isang saglit
05-ang gaan-gaan ng feeling
06-at the beginning

medrhythmics
07-fame

luke mejares
08-let's stay together
09-apologize
10-right now

medchoir
11-when you believe
12-dancing queen
13-tanging yaman
14-sana maulit muli
15-rubber duckie
16-seasons of love
17-[encore]awit ng kolehiyo
18-[encore]bituing walang ningning

oct 30. deadline na ng final paper sa kom. 1.25 ako sa draft. ano kaya grade ko sa final paper? bumisita kami nina ate oan at ate kitel kay lolo sa heart center. pumunta kami ni ate oan sa manila nung hapon. nagpasa ako ng pe classcard tapos nagliwaliw na kami ni ate oan. pumunta kami sa rob at kumain sa kidomanga. takoyaki is <3 !!! tapos tig-isang burger kami. ebi katsu sa kanya tapos gyoza sa akin. tapos, nag-tom's world kami. as usual, kapag nag-arcade kami, may car racing at guitar hero. adik ung naglalaro sa tabi namin nung drums. batang babae tapos ambilis niya mag-drums. as in wooooah! adik!!! nag-basketball din kami. tapos, ung sobrang hindi namin ginawa noon sa ibang arcades, ung may coins na nags-slide. piso-piso lang naman. naka-P100 yata kami ni ate oan dun. ganun karaming P1 coins. hahaha. nakakahiya na ngang magpapalit sa cashier ng piso-piso. pero ang fun kasi. malapit nang bumagsak ang napakaraming coins. nakasabit lang kasi sila. [hahaha. sana naiintindihan niyo kung anong laro ito] sa huli, nanalo kami ni ate oan ng 170++ tickets. pinapalit namin para sa isang set ng ponytails at isang boteng tropicana pulpy orange. hehe. dumating na rin nga pala dun si ate kitel. kumain kami sa naked juicebar. walang medchoir na originally, pinunta ko sa manila. dun kaming tatlo tumuloy sa condo. ansaya! kaso nga lang konti lang ang pagkain. dun nga pala kami tumuloy kasi may verbum dei recollection the next day...kaso nga lang...

oct 31. andyan na si santi! cancelled na ang recollection. sobrang lakas kasi ng hangin. brownout pa sa condo. inubos namin ang battery ng laptop ni ate oan sa pamamagitan ng panonood ng ilang episodes ng glee. naglinis na rin kami sa condo hanggang sa magkakuryente na. nung may kuryente na, computer na lang buong araw. simula na nga pala ito ng totoong sembreak. nung gabi, bumili lang kami ng bbq sa kanto para ipang-ulam. may corned beef at vietnamese soup din. solb na. tapos, nagsimba na kami, bumalik sa condo, at nanood na lang ng tv. yey.

dahil simula na nga pala ng kuwentong sembreak, separate post na yan. laaater. konti na lang naman. yey.


6:32 AM

Wednesday, November 04, 2009

kkkkkkkkuuuuuuuuwwwwwwwweeeeeeeennnnnnnnttttttttoooooooo [cont'd]


september na! yess...

sept 3. naglunch kami ng aking usual lunch-mates, namely sedric, anna, gee-ann, cel, alexeis, at jill, sa bahay ni sedric. 1st time kong makapunta doon. 1st time ko ring makakain ng boxed lunch ng 7-11.

sept 4. blue batch shirt day. foundation day kasi ng pisay. hehe. ladymed day rin. hiwaga yata ung title. basta, pagpunta ko sa science hall, mga 6 pm yata...ako pa lang yata ang 2016 doon. akala ko pa naman late na ako. hinatak na ako ng medchoir at tinuruan pa ako ni ate kitel ng upcm hymn at iba pang kanta. grabe. todo cram sa pagtuturo sa akin. pero sa huli, prayer lang ang kinanta namin. si jio aka mayari, goddess of the moon, ang ladymed ng 2016. simple lang ang damit pero sooobrang talented. maganda ung headdress na pinagawa ni bea. hehe. hmm...si jio ung most talented. grabe humataw eh. ang galing sumayaw. yeah. rhyming. hehe. 3rd place cya tapos 2nd ung kina ate kitel, si lalahon. panalo si kuya rob aka alunsina. magaling din sina...uhh...minaren at...waah. nakalimutan ko na ung pangalan. sorry po. basta. tapos nag-group pics lang kami pagkatapos ng program.

sept 5. alumni homecoming. hindi na pumunta si ate oan kasi sabi niya, konti lang naman siguro ang pupunta sa batch nila. konti nga lang ang pumunta. uhh...may program tapos slideshow ng pisay pics. may binebentang pisay movie ost saka dvd, pisay shirts, lanyards [cream of the cream of the cream of the crop XD ], at marami pang iba. nagsayaw rin sina cyd at jio. tapos, cyempre, may kainan. hehe. kaso nga lang, maaga akong umalis kasi malakas na ung ulan at susunduin lang ako nina mami at dadi. sorry jombo, akala ko talaga magcocommute lang ako. hindi na kita napasabay kasi 'di kita mahanap. anyway, bday nga pala ni arn-arn kaya kinulit ako nina jasper at je. tinext ko naman cya ng 12 something or 1 something...basta madaling-araw. di ko lang alam kung natanggap niya. nag-im din ako nung umaga. kinalabit at binati ko rin nang personal sa homecoming pero baka hindi narinig dahil sa sobrang ingay. ewan ko ba. medyo naguilty ako. ewan. basta. waah. anyway, balik na sa kuwento.

sept 7. wala na namang pasok. andami namang araw na walang pasok. funeral kasi ni ka erdy...ung sa inc. kaya un. traffic dito sa commonwealth.

sept 8. pumunta ang aming pe group, namely ako, patti, alexeis, cel, at sedric, sa dorm ni patti. kailangan kasi naming gumawa ng sarili naming exercise video. nanood kami dun ng exercise videos tulad ng hiphop abs para makakuha ng ideas. sumama rin nga pala sa amin si oj kasi gusto niya ng soup. hehe. ipinagluto kami ni patti ng hot and sour soup. parang thick sinigang lang. nung paalis na kami, pinagbihis naman ni patti si alexeis ng pambabaeng damit, at inayusan ng buhok, nilagyan ng powder. :)) go ladymed! :D dahil nga pala rito, nawili na cya sa paglalagay ng powder sa mukha. ayy...

sept 9. maulan. pero maaga akong umalis ng condo nung umaga kasi magsh-shooting kami ng pe video sa pazmen. ako ang pinakamaagang dumating. masyado akong mabait. sa grupo namin, ako na nga ang nakatira sa pinakamalayong tirahan mula sa upm. tapos ako pa ung pinakamaaga. great. nung dumating na lahat, nagvideo na kami sa loob ng nstp room sa pazmen hanggang sa marami nang nagsidatingang mga kaklase at nagsimula na ang nstp. tapos, dahil nga maulan, wala nang klase sa hapon. nagshooting na lang kami sa bahay nina sedric.

sept 10. aba. bahay week pala ito. kung saan-saang bahay/dorm ako napupunta. hehe. nitong araw namang ito, sa condo nina ellie sa rob adriatico ako nakapunta para naman sa cardiovascular exercise na para rin sa pe. pumunta kami roon nina ellie at bea [hindi pumunta si jasper kasi raw...ewan.] at nanood ng jai ho. labo 'no?

sept 11. nagshooting ulit kami ng exercise video sa bahay ni sedric nung umaga. naabutan pa namin dun sina bea at maddie. hehe.

sept 13. happy grandparents' day! originally, plano sana namin nina ate oan at ate kitel na manood ng uaap cheerleading competition pero hindi na nakabili ng tickets si ate kitel. pumunta ang mother's side na nasa qc sa sm north at nagcelebrate kami dun. may isang buong album nga pala ito ng pics dito sa multiply. [link!] kumain kami ng tig-iisang half chicken at kamote fries. nakakainis ang jufran bananang banana ketchup at ung worcestershire sauce na parang toyong hinaluan lang ng tubig. grr. masaya naman ung picture-picture sa labas. may nakahilera kasing mga upuan sa labas ng max's eh. umupo na kaming lahat at nagpapicture. XD happy grandparents' day po lola charing!

sept 15. sooooobrang nakakapagod tumakbo ng 8 laps paikot ng pazmen-dentistry para sa pe. as in soooooobra. wala pa akong bitbit na tubig habang tumatakbo. sobrang nakaka-dehydrate. natapos ko ung 8 laps in 27 mins, 40 secs. whew! nung hapon naman, dahil walang geo, pe na naman ang inatupag namin. nagshooting ulit kami sa bahay ni sed. last shooting na! yehey! nakalimutan ko na ung mga steps na inimbento ni patti. basta meron "langit-lupa-impiyerno!", "para mama [nakasakay sa jeep]", nags-swimming sa baha, at nagtitinikling. :))

sept 20. family day ni liz sa quesci. may mass muna. tapos kainan at mini-program per section. ganun lang ang family day sa kanila. di ko masyadong nafeel. nabusog lang ako. nung gabi naman, nag-advanced bday party para kay mami sa palawan. more food! simpleng kainan lang daw pero andaming handa. nakakabusog talaga. tumataba na talaga ako. hahaha.

sept 21. walang pasok. eid el fitr kasi. happy bday mami! nagcelebrate kami ng bday ni mami nang sama-sama :D may party rin sana sa bahay ni tita lenette kasi bday rin ng cherubs. kaso nga lang, mas priority si mami. ^^ ginawan namin cya ng "golden mom award". hehe. isang trophy na pinrint lang sa computer at pina-3D. happy 50th bday mami!

sept 23. bday ni jill! happy bday! nung una, sa fridays dapat cya manlilibre. pero malamang, dahil sa presyo, lumipat na lang kami. dun na lang niya kami nilibre ng lunch sa holy cow. [feeling ko tuloy sobrang tinipid ko ang libre ko nung bday ko. oh well... next year sa sbarro tayo XD ] kasama sa mga nilibre...ako, si niko at si clint, jim, anna, gee-ann, alexeis, cel, sed, oj, at cyempre si jill. nilibre niya sarili niya. labo. andyan ang tissue paper memories ni oj...tulad ng ginawa niya sa mini-electron reunion. meron ding cake. mmm...marjolaine..basta...salamat sa libre, jill!

sept 25. may math depex nung GABI. as usual. mga 5:30 or 6 ung simula tapos mga 8 matatapos. hindi na tuloy ako nakauwi sa qc. paparating pa naman si...

sept 26. ONDOY! grabe. kahit malapit nang magtanghali, andilim. walang araw. sobrang natabunan ng ulap. sobrang lakas din ng ulan. walang kuryente. stranded kami nina ate kitel at ate nikka sa condo. pancit canton at mami lang ang pagkain namin. may apple, cinnamon and raisin tea pa nga pala. walang kwenta ang ref at ricecooker dahil nga brownout. hindi naman makapagpadeliver ng pagkain kasi lagpas-tuhod ang baha. hindi talaga tumigil ang pag-ulan. buong araw, parang 6 pm na dahil sa dilim. buti nga talaga may nakain pa kami kahit paano. hmm...walang kwenta ang lenovo dahil 5 mins lang yata ang tinatagal ng fully-charged battery niya. nakakatawag naman sina mami sa telepono at nakukumusta kami. may internet ang cellphone ko pero google lang ang napupuntahan. halos buong araw, natulog lang ako. madilim at malamig kasi. wala pang pagkain. walang technology. kandila at isang maliit na flashlight lang ang ilaw. perfect for sleeping. may album din nga pala ako nito. [link!]

sept 27. wala na. cancelled na ang wall climbing namin sa pe. aww. wala pa ring kuryente. pero at least medyo nagkaaraw na. medyo bumaba na rin ang baha. walang elevator. nag-stairs lang kami ni ate kitel pababa galing sa 5th floor [buti nga 5th floor lang eh] para bumili ng pagkain. umabot nga pala hanggang sa hagdan ung baha. pero bumaba na nga ung tubig kaya ok na. nung hapon, marami na lang na nakakalat na basura. halos wala nang baha malapit sa condo. sinundo na kami nina mami at dadi pabalik sa qc, kung saan may kuryente at hindi baha. parang hinding-hindi apektado ng bagyo.

sept 28. walang pasok dahil marami pa ring mga lugar na baha. bday ni ate oan. ginawan namin cya ng underwater camera. hehehe. maliit na matchbox na pinabigat gamit ang pebbles. ginawang mukhang camera tapos ginawang waterproof at nilubog sa isang garapon ng tubig. underwater camera! yey! hahaha. tapos nagpadeliver kami ng pizza nung gabi. may icecream din. :d masaya rin nga palang magpicture-picture nung gabi. hahaha. may freddie aguilar pics na naman si ate kitel.


sept 29. wala pa ring pasok. nung 30, tuloy pa sana ung histo fieldtrip pero wala nang pasok.

ayan! tapos na ang september. to be continued na lang ulit. :D


6:46 AM

Tuesday, November 03, 2009

kkkkkkkkuuuuuuuuwwwwwwwweeeeeeeennnnnnnnttttttttoooooooo


mahabang kuwento. nyee. ang korni. grabe. basta. ito ang PINAIKLING version ng mga pangyayari sa buhay ko sa buong 1st sem ng buong 1st year ng aking college life. ibubuod ko sa abot ng aking makakaya. pero malamang mahaba pa rin...

simulan natin sa june 21. [kitams? mahaba talaga 'to.] father's day. ginawan namin si dadi ng fathers' day card sa computer. tapos pinrint ni ate oan at un na. simpleng-simple. bumalik kami ni ate kitel sa condo nung gabi. naiwan ko ung triple-checked math hw ko sa kotse. great. buti na lang inupload sa groups ung worksheet. kaso nga lang, kulang ung inupload. tumawag pa ako sa bahay para ipa-dictate kay mami ung problems. sets pa ung lesson nun. natuwa ako sa pagkakadictate ni mami. hehe. tnx po. :D pero...the next day...due dapat ang math hw na un. pero absent si sir mong. T_____T aun. walang kwenta ang pagpapadictate ko kay mami. dinala niya sa condo ung hw kong naiwan sa kotse. at un na ung pinasa ko the next day. labo.

june 23. dahil walang pasok ng june 24 dahil sa manila day, bumalik ako sa qc. nag-attend pa ako ng cherubs rehearsal. nagulat nga sila nung andun ako. hehe.

june 24. walang pasok. manila day nga eh.

june 25. may annual freshmen quizbee. representatives ng imed sina patti at vincen. grabe. ang galing nila. champion! tapos tapos, nakakuha ako ng flapjacks gift certificate. yehey! pero di ko naman nagamit.

june 27. pumunta ang buong pamilya sa batangas. bday kasi nina lola auring at raymond.

june 28. ang inakala kong 1st sunday na hindi ako makakapag-religious practice. di ko kasi alam kung saan ang simbahan na malapit sa condo. panic mode ako. buti na nga lang nabigyan ako ni ate kitel ng matinong directions papunta sa simbahan.

june 29. sandwich party. kahit hindi ako pumunta, nakakuha ako ng bk. may dalawang bote pa kami ng nusica [choco spread]. salamat ate kitel! :D

july 1. medchoir open house. pumunta kami nina gee-ann, cel, alexeis, anna, at maddie sa paz men. may kantahan, at cyempre, kainan. yehey! ang gaan-gaan ng feeling, ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo. alam mong 'di ako magsasawa, dahil ang gentle mo naman...

july 2. medchoir audition. mga LU III yata ang mga kasabay ko. walang kasabay na kaklase. gusto ko kasing makauwi nang maaga pag friday [july3] kaya sa audition day 1 na ako pumunta. hmm..."hangad" ung kinanta ko. andami nga palang may kilala sa akin sa medchoir bilang "baby kitel". magaling. tapos may vocalization para malaman kung ano ung tone range. lumagpas ako sa keyboard. :)) may intervals ding kinanta. ung parang do-mi-sol etc etc. onga pala. dumaan ako sa landbank para maayos na ang atm ko para sa oble stipends. pero nagpaphotocopy lang ako ng id tapos closed na sila. haaaay...kaya bumalik pa ako the next day. nakuha ko na ang atm ko. yehey!

july 9. yeah. week after. hehe. may lt sa histo. disaster. un lang ang masasabi ko.

july 10. handog. search for mr. and ms. freshie...sa gab roofdeck. "imed kami, eh ano naman kayo?" yabang to the max! candidates namin sina trish at jio. kasali rin si baham. naka-place sina trish at jio. pero nakalimutan ko na kung anong place. sorry naman.

july 12. verbum dei youth pilgrimage sa white cross, antipolo. kasama kami ni ate oan. maganda dun. isang malaking stations of the cross. kaso nga lang bawal magpasok ng kahit anong pagkain o inumin. bawal din magpasok ng camera.

july 13. 1st ever medchoir rehearsal. :D di ko nga nasigurong pumasa ako bago nito eh. wala kasi akong natanggap na text message kung pumasa ako. pero malamang pumasa nga ako kasi kasama nga ako sa rehearsal. medchoir na rin sina anna, gee-ann, jasper at alexeis. medchoir din si kuya tristan. buddy!

july 17. walang pasok kasi may bagyo. eh pag may bagyo sa manila, todo-todong baha na sa taft. haaaay....

july 20. natanggap ko ang unang [or not?] bday greeting mula sa block 13. salamat sa pagpapaalala, jio! :D

july 22. muli, walang pasok. wala raw kasing nstp at ipc. pero may meeting ang medchoir trainees.

july 24. walang math at kom. therefore, natsci lang ang klase. hapon lang. yehey! bday ko the next day kaya ok lang sana sa aking manlibre nang bonggang-bongga. pero walang nagpalibre. nakatipid pa ako! bwahaha! pero sana nga may nagpalibre. pero sana wala. ewan. nung gabi, pumunta kami nina ate kitel + some 2013 people sa rob. dun kami nagdinner sa chowking...ang aking last 16-year old meal na lauriat...at 9:30, nanood ng harry potter. cyempre late na natapos ung sine. bday ko na. sobrang dilim na sa rob. halos kami na lang ung tao dun. sobrang exciting na experience!

july 25. happy bday to me! malamang, sina ate kitel at ate nikka [kasama namin sa condo, kabatch ni ate kitel] ang unang bumati sa akin nang personal. tumawag din si mami sa telepono nung umaga para batiin ako. cyempre may nagtext din...kay mami pa rin galing ang pinakauna. nagtext din sina kuya tristan, arn-arn, at angge. may mga nag-im at naggreet sa plurk at multiply, na hindi ko na malista. sorry naman at tenkyu tenkyu! may wedding gig sa medchoir. plano sana ni ate kitel, wag na pumunta kasi bday ko nga. mags-swimming din daw sina liz. pero pumunta pa rin kami dahil sa akin. hehe. nagmeet sa medlounge, practice practice. tapos bumili kami ng pagkain sa jollibee sa rob. nilibre ko ng sundae sina ate joan, ate kitel, anna, at gee-ann, at peach mango pie para kay jasper. ayos. inalala ko pa. hahaha. nasalubong nga pala namin sa rob si cel. tapos si alexeis. wala lang. sa medlounge kami kumain at pumunta na sa simbahan kung saan ako nagpa-confirm. may lahing chinese yata ung kinasal kaya nagch-chinese ung pari paminsan-minsan. nakakatuwa. basta, un ang 1st ever medchoir gig ko. pagkatapos ng wedding, magme-merienda pa sana kaso nga lang gusto na namin ni ate kitel na umuwi para makapagcelebrate naman ako with the family. aun. umuwi na kami sa bahay. seventeen ang regalo nila sa akin. ung seventeen ng magazine cover. hehe. basta. lalagyan ko na lang ng pic dito sa susunod.

july 26. matagal ang celebration ng bday ko. hehe. nanlibre pa ako ng dark chocolate sundae ng ministop kina ate kitel, ate oan at liz. bumili pa ako ng bagong mga pamaypay sa st. peter. kaya andami ko nang pamaypay! blue, violet, pink, at red! yippeedoo!!!

july 27. sona. walang pasok. yehey!

july 28. morning of a class day kami pumunta sa condo. ang galing. hindi night before class day. wala lang. naaliw ako.

july 29. nag-pgh tour ang imed sa nstp. nakita namin ung emergency room at ung loob ng ambulance. pinakita rin sa amin kung ano ung ginagawa kapag may naaksidenteng irerescue...si jio ung "naaksidente". ang galing. nai-immobilize talaga ung nirerescue.

aug 3. naki-sit-in si paeng sa math namin. naki-long quiz cya. hehe.

aug 5. walang pasok para i-commemorate si tita cory. :( buti na nga lang walang pasok. nakapagreview ako ng histo.

aug 6. rain rain rain. lumusong ako sa baha. yakk. maganda naman ang performance ko sa histo lt. dapat lang. antagal kong nag-aral eh. walang math. hindi dumating si maam joson sa kom. may dalang teargas si allie for self defense use only. pero nagspray nun si terence sa small closed airconed kom room. magaling. lumabas kaming lahat nang nag-uubuhan. parang naulit ung incident sa research lab nung "sumabog" ung capsaicin nina jill. :)) hindi tuloy makapasok ung next class doon. dahil nga pala malakas na ang ulan, pinostpone na lang ang klase. cancelled na ang math depex.

aug 9. pumunta kami sa batangas. 90th bday ni lola charing eh. cyempre, celebrate celebrate!

aug 11. nagalit sa amin si maam flores sa pe...sobrang misbehaved daw ang klase namin. "isa na lang talaga, id-drop ko na kayo." id-drop na talaga kami. buti na lang nakatiis pa siya sa kakulitan ng block namin. nag-sit-in nga pala si sir mong aka ronald sa kom namin. hindi cya nakilala ni maam joson. :))

aug 15. part 2 yata ng bday celebration ni lola charing. sa pag-asa naman. nagcommute kami ni liz papunta sa mcdo at nagmerienda doon. nakita namin si joem. hehe. tapos, pumunta na kami sa pag-asa at naki-party.

aug 16. may 8:30 mass sa ever tuwing sunday. doon kami nagsimba. pagkatapos ng misa, pinilit namin ang jollibee na magbukas. hahaha.

aug 19. qc day! walang pasok...sa qc. :| muntik na akong umalis ng condo ng 8:30 kahit na 8:30 ang klase namin. magaling magaling magaling. buti na lang natauhan ako. hahaha. may mini-churon reunion sa max's sa rob. kaso nga lang antagal dumating nung order namin kaya hindi masyadong naenjoy ang pagkain. kasama dun sina sir kent, dem, ange, jut, pao, jer, manzo, oj, maynard, at kaklase ni dem.

aug 20. pagkatapos ng klase, nagcommute na ako papuntang pisay para kunin ung 1.5k ko sa pisay galing sa pagiging 3rd place ng aming website sa gvc. whoopeedoo! tapos, pumunta ako sa trino. nagfoodtrip kami ni ate oan. hehe.

aug 21. walang pasok dahil death anniv ni ninoy. nanood kami nina mami, dadi, at ate oan ng choir competition sa ccp. kasali kasi ang medchoir. folk music ang kinanta. ang galing ng lahat ng choirs!

aug 24. nung umaga, pagpasok sa histo room, walang ilaw. andilim. grabe. tapos nag-surprise lt pa kami. panalo. pero ok naman ang nakuha ko :D

aug 26. there's no such thing as free lunch? may free lunch naman sa msc. wala lang. :P

aug 30. verbum dei family day sa nayong pilipino. grabe. kailan pa napunta sa pampanga ang nayong pilipino? masaya mag-sight seeing. hehe. kasama nga pala kami nina mami, dadi, ate oan at liz. hmm...nung hapon, bago umuwi, dumaan muna sa betis at bacoor. aww...memories of cherubs. dumaan din sa fontana. churon memories naman. hehe.

aug 31. wala na namang pasok. national heroes' day kasi.

to be continued. weehee.


10:07 AM

Sunday, August 16, 2009

tapos ang bakasyon [part 1]


may nakalimutan nga pala akong banggitin dun sa 'hatid ng aking bigating long-term memory part 5'...nung pumunta kami sa kamayan, kumain nga kami ng sushi. cyempre, may chopsticks. tapos sabi ni dadi, mas magaling pala akong mag-chopsticks kaysa kay mami. wahaha. wala lang.

june 14 [ulit]. sunday. mga 4:30pm kami umalis ng bahay nina ate kitel, mami, at dadi. lahat ng mga damit at school stuff ko, nakalagay sa isang napakalaking maleta. ung pang-abroad. wahaha. mukhang next year pa ulit ako uuwi ng bahay. XD nag-ayos kami ng mga gamit sa condo. pag-alis nina mami at dadi, aircon at laptop na agad kami ni ate kitel. wahaha. paradise. dito rin kami sa master's bedroom natulog nang magkatabi sa kama kahit na may sariling kama si ate kitel sa kabilang kwarto. para raw may kasama ako. [aww. ang sweet naman...pero kami rin naman ang magkatabi kahit sa kwarto namin sa bahay eh. :P ]

june 15. monday. 1st day of classes. daily routine ko na ang paggising ng 5 am, pag-aayos ng school stuff, pagligo, pagluluto at pagkain ng agahan, at pagco-commute sa kungsaanman. sa buong 1st week, hinatid ako ni ate kitel sa upm. hindi kami naligaw. duh. wahaha. wala naman masyadong aksyon nung 1st day. dalawang klase lang naman ang pinasukan ko: histo at math. prof namin sa histo si sir arnold esguerra. ang masasabi ko lang, sobrang dami naming natutunan sa kanya. nakaka-information overload. tapos, tuwing may mahabang break sa umaga, cyempre hindi pa bukas ang rob kaya sa medcaf na lang kaming lahat tumatambay. teacher naman namin sa math si sir mong. pagkatapos ng math, dahil may program sa upd para sa mga oblation scholars, umalis na kami anna, patti, vince, jio, jereel, billy, jasper, at manzo. nakisabay kami ni patti kay anna. ang aga naming nakarating sa qc. naglunch muna kami sa jolibee philcoa saka lang pumunta sa executive house. kaming tatlo + nanay ni amag ang unang-unang dumating dun. haay...antagal na talaga since huli akong nakapunta sa executive house. as in soooobrang tagal na...nung bday ni alaya nung elem days pa. hehe. so un. marami pang ibang dumating. on time naman yata nagsimula. isang table ang para sa pisay girls at isa pang table para sa pisay guys. hehe. magkakasama kaming lahat. may talkies tungkol sa statistics ng mga nakaka-avail ng scholarship. karamihan, galing sa science high schools. meron ding by birth year, birth month, at zodiac sign din! bwahaha! basta. maraming numbers. :P nag-speech si patti saka ung tatay ni vince. may awarding ng maliliit na certificates galing kay president roman...cyempre, may pictures. kasama ko si mami, pres. roman, at chancellor ramon arcadio sa pic. hehe. gusto ko ngang makita ung pic sa up newsletter. cyempre, may kainan din. [pero wala nang crispy spinach na kinain namin nung bday ni alaya. hehehe] pagkatapos kumain, naghiwa-hiwalay na ulit. kay patti naman ako sumabay papunta sa manila. kasama namin ung parents niya saka mga kapatid. sumabay din sa amin sina ram, anna. at bumalik na kami sa manila. the end.

part 2 na. pero mas nauna ko ung i-post kaysa dito. hehe. part 3 sometime this week. i hope. pero para sa pinaka-recent updates [yakk. parang balita ha...], plurk na lang. http://plurk.com/kesiburesi. :D

10:40 PM

Saturday, August 15, 2009

tapos ang bakasyon [part 2]


oo. wala pang part 1. nasa laptop ko un na nasa condo pa. wala pa akong blog post tungkol sa mga oras na hindi na bakasyon...may pasok na. wahaha. tapos na ang kalahati ng 1st sem. tapos na ang 1st quarter ng mga highschool at elem. tapos, eto ako. magkukuwento sa 1st day week month monthS of classes. banzai!

[ung mga italicized, uhh...narration? hehe. ung hindi, normal blog post. :D ]

aug 11, 9:15 am
gah. 'di na talaga ako nakakablog. palaging nadedelay. masarap manood ng tv, magplurk at magneopets, o kaya naman kumain. hehe. kaya ngayon, 10:30 pa naman ang math. magsusulat na lang muna ako dito sa small notebook. weehee. hmm...natype ko na yata hanggang sa oblation stuff. simulan na lang natin sa welcoming ceremonies.

---------------------------------------

june 16: 8 am pa ang freshmen welcoming ceremonies. hindi ko kailangang gumising nang maaga para sa isang 7 am pe class. wear red daw [kahit sa mga kaklase ko lang ito nabalitaan]. nagmeet kami sa university lib. magkakasama ang mga magkaka-block. umuulan pa nun. nakita namin si elijah. mas matangkad na cya. :P lagpas 9 na yata kami naglakad papunta sa fleur de lis auditorium ng st. paul. bawal ang bottled water sa loob. huhuhu. anyway, umupo kaming mga imed sa bandang harapan, right side kung nakaharap sa stage. andun ung medchoir sa orchestra pit. andun si ate kitel. hehe. nagsimula ang programa sa isang misa. cyempre, kumanta ang medchoir. malamang. bakit naman sila andun kung 'di naman sila kakanta 'di ba? kumanta rin dun si dean montet. woohoo! college of music! natawa lang ako nung nagulat ung mga katabi kong dean pala cya sa upd. :)) pagkatapos ng mass, ayun. may program. board of regents stuff. may mga orgs...kumanta, nagsayaw, blah blah. may rally. at cyempre, ang most memorable part...ung pag-introduce sa mga oblation scholars ng upm. imed lahat. woohoo! parang mas masaya 'to kaysa dun sa oblation thing nung june 15. mas maraming tagapalakpak. mas malaki rin ung certificate. hehe. matapos ang program, naglabasan na ang lahat ng freshies. nakared karamihan :)) ang weird tuloy. para kaming kultong naka-red. nagpuntahan ang karamihan sa rob para maglunch. punung-puno ang mga kainan ng mga nakared. wahaha. magkakasama kami nina patti, mj, jer, clint, at niko na naghanap ng lugar na may space pa. nagpunta kami sa 4th floor. punung-puno na ang usual kainan [mcdo, jolibee, foodcourt]. haaaay...nakiupo na lang kami sa noodleboy. tapos nakita ni patti na may space pa sa kidomanga. doon na kami kumain. takoyaki! ansarap ng takoyaki dun! compared naman sa takoyaki ng ever na puro gulay lang ang laman diba? pero ok din naman ang takoyaki ng upd. with real tako tulad ng sa kidomanga! maraming beses napaso ang dila ko. nakaka-conscious isubo nang buo ang malaking takoyaki. kung kakagat lang naman ng kapiraso, magkakadurug-durog na. edi lalong mahirap kainin. matapos kumain [at magkainggitan sa crepe... :P ] , hindi naman kami nagmadaling bumalik. malay ba naming may upcm welcoming ceremonies pa. pagdating namin sa bslr, ubos na ung mga upuan. dun na lang kami umupo sa may paanan ng nga officials ng college of medicine sa buong program. ayun. program, bleh bluh. may awarding ng mge research projects, saka ng mga top 1 ng bawat batch. go kuya tristan buddy! adik ka. 1.0something ung GWA niya. woah! adik! kaya proud akong maging buddy mo ^^ [kahit asa pa akong maka 1.0 na gwa]. pagkatapos ng talkies, up naming mahal. yebah! naaalala ko pa. malamang. kinakanta din naman sa cherubs un. isa pa, upis -kid-ish ako. labo. hehe. anyway, sabi nung officials sa likod namin, "ok lang yan. matututunan niyo rin yan". oh sure. alam ko na po. i've been singin it since i was 6. :D sabay na kaming umuwi ni ate kitel. malamang hindi kami naligaw. hehe. pero ibang route ung dinaanan namin. hindi na kami naglakad papuntang taft para sumakay ng jeep. ewan ko. 'di ko na maalala kung ano'ng nangyari sa biyahe pauwi.

-------------------------
woah. page 5 na ako ng small notebook...
-------------------------

june 17: hinatid ulit ako ni ate kitel. papunta kami sa paz men nun...nstp...talkies lang un for an hour or so. may "interview" din nun. kagroup ko sina jer at allie...tungkol sa imed experiences so far...pagkatapos nun, paglabas na nstp room sa paz men, sinalubong kami ng ilang 2015 people. mag-buddy date daw kami. aun. nag-bussy sate kami sa wham! burgers. magkakasama kami ng aking buddy na si kuya tristan at grand buddy na si ate carla. kasama rin namin si kuya gab [pero hindi kasama si allie], mj at ate honey, jio & buddy, shah & ate mae & grandbuddy, at alexeis & buddy [?]. ack. sorry. nakalimutan ko na ung mga pangalan at kung sinu-sino ung sumama. binigay na rin nga pala sa akin ni kuya tristan ung buddy stuff part 1. hehe. buddy bonding session lang nun...

---------------------------
to be cont'd. malapit nang magmath. 10:19 am

Aug 14, 2009, 10:57 am
wala pa rin si sir mong. half the time na. dapat walkout na kaninang 10:50 diba? 1/3 rule diba? [hindi 1/3 rule ng pisay...1/3 rule ng up] anyway, eto na naman. when boredom strikes, "blog" na naman. sana matype ko rin 'to sometime soon [yebah! tina-type ko ngaun!]. yuck. conyo. basta. itutuloy ko na lang ang aking "previous post"
-------------------------

june 17 [cont'd]: habang kumakain kami sa wham, meron q&a portion. hehe. antagal namin dun sa rob. sobrang nagmadali kaming mga 2016 para sa ipc. wala palang ipc kaya kinuha na lang namin ung id namin sa our. tapos, nagpacountersign kami nina patti at jill sa medlib. pumunta rin kami sa calderon para makabili ng lanyard. grabe. ambabaw ng vocab ko. nun ko lang analaman ang salitang "lanyard". id sling kasi ang tawag ko dun. pa-lanyard-lanyard pa. >< naligaw ako pauwi. mag-isa lang kasi ako nun. aww. ito kasi ang instruction ni ate kitel:

"sakay ka ng kahit anong jeep except dakota. tapos baba kang v. cruz, sa may condo na may starbucks sa right at jbee sa left." gah. ocampo un...hindi vito cruz... "tawid ka, lakad hanggang bpi." cyempre, malay ko ba kung ano ung tatawiran, taft o ocampo? tapos, may bpi pala sa starbucks side AT sa jollibee side. come on! dun ako napunta sa starbucks side. anlayo ng nilakbay ko dala ang mabigat na bag ng buddy stuff. tanung-tanong na lang ulit. sa layo ng nilakad ko, kinailangan ko pang magjeep pabalik ng taft >< tapos, pumunta na ako sa jollibee side. taft pala ang kailangang tawirin. may bpi sa jollibee side! hurrah! "sakay ng jeep. baba sa espiritu st. sa may zeus. tapos, lakarin mo na diretso. makikita mo na ung bakery." ignore latter part. sumakay lang ako ng jeep at nag-abang ng bakery sa right side. bakery, bakery, nasan ka na? hanggang sa mapunta na ako sa "road to makati". quirino hiway yata un. wahehe. nagjeep pa ako pabalik sa espiritu nung napansin kong may island na sa gitna ng kalsada. at un. nakita ko ung bakery sa right side! hurrah! alam ko na kung ano ung gagawin galing dun. ignore na lang ung mga sumunod na instructions. 'di na ako naligaw. home sweet home! hurrah! yippeedoo!

-----------------------------------
aug. 14, 11:39 am
kom na. masaya naman ako sa results ng math depex. 66.5/75? not ba. :D hinihintay namin dito sa cas lib si maam joson. dito na kami magk-kom.
-----------------------------------

june 18: 1st time kong ma-late sa klase! magkasabay kami ni ate kitel sa pagsakay ng jeep. pero...sa pedro gil cya bumaba! oh no! kaya un. panic na ako nung bumaba na cya. sa faura pa ako. 'di ko talaga alam kung saan ako bababa nun. hindi ko makita ang taft! nasa leon guinto lang pala ako... :)) sa sobrang panic ko nung hindi ko talaga alam ang daang tinatahak ng jeep, bumaba na lang ako at nagtanung-tanong sa mga side vendors. sumakay pa ako ng faura jeep para makapunta sa rh kahit na dalawang kanto lang pala ang layo ko dun. wahehe. ayun. late ako sa histo. nung araw na un ung unang araw ko ng kom at philo. teacher namin sa kom si maam joson. fun. :) nung, philo, hindi agad dumating ang teacher na, ayon sa philo syllabus, mr. ignatius vinzons ang pangalan. hanep. nonexistent pa ang mga cr sa gab nun. na-late pa kami ni patti sa philo. strike 2! sir tius pala ang tawag kay mr. ignatius vinzons. maraming piercings, maraming kuwento, at maraming growth hormone...este...matangkad pala. :P 2:30 natapos ang philo. lakad hanggang taft. jeep papuntang jbee-starbucks, TAWID NG TAFT, at sakay ng jeep sa bpi sa jbee side. yes naman. improving ang aking commuting skills. kaso, napunta na naman ako sa quirino hiway kasi inabangan ko pa rin ung bakery sa right side. alam ko, dian muna ang dadaanan tapos malapit na ang espiritu. nagjeep pa ulit ako pabalik sa espiritu para makauwi sa condo = home #2. saka lang sinabi sa akin ni ate kitel na wala akong maaabangang espiritu st. sa right side kasi nasa left un ng zobel roxas kung saan dumadaan ung jeep. nasa left ung zeus. sa kabilang kanto pa pala ung bakery na palagi kong inaabangan. nalaman ko ring papunta sa faura, babalik pa sa taft ung jeep galing sa leon guinto tapos faura na. tapos, alphabetically arranged pala ung streets ng zobel roxas! a__, __, b__, __, conchu, __, dian, __, ESPIRITU! woah. ganun lang pala un. kaya the next day, last day ng 1st week of classes...

june 19: 'di na ako naligaw sa pagco-commute papunta sa upm at pabalik sa condo! banzai! onga pala. nag-block lunch kami sa medcaf. korni. basta, hindi ko na kinailangang magpakahirap nang matagal sa pagbibitbit ng buddy stuff kasi nga hindi na talaga ako naligaw. hindi na ako napunta sa quirino hiway!!!

to be continued na lang...tapos na ako sa 1st week! yehey! parts 1&3 up next :D

3:11 PM

Friday, March 13, 2009

woah! ~blogging something useful after more than 1 month


therefore, bigating long-term memory ang gagamitin ko dito with the help of my magical 2009 planner :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

retreat...
jan 9. may activity muna sa pisay bago pumunta sa tagaytay. pero late nagsimula ung activity kaya ayun. tambay lang muna sa front lob habang nakikinig sa mga songs sa bago [noong] cellphone. pinapunta kami sa gym tapos may talk ung kabatch ni sir kent [nakalimutan ko na ung name niya. hehe. basta researcher na raw cya]. tapos, batch activity...kakausapin ang mga kabatch. well, obviously, hindi naman ako nakipagchikahan. pare-pareho lang naman ang mga sinasabi nila..."how are you?" o kaya "kumusta na kayo ni arn-arn?". meron din namang ibang nangulit. karamihan, nginitian ko na lang. o kaya binigyan ng extrang "rest". pero ung iba nga, memorable-ish. si zaldy, "agila! *suntok hand [di ko alam kung ano itatawag dun]* atis! ay hindi ka pala atis. sapa! hindi rin. malunggay! *s.h.* hmm...rb! *s.h.* str groupmate! *s.h.*" at kunganu-ano pa. un lang. hehe. si erika naman, dun lang ako ulit nakausap since upis yata. wahaha. tapos, hmm...si minay, na-miss ko. ^^ *hug* si icia, may pic kasama ang lahat ng nakausap niya. si kervin, pinasama pa ako sa retreat choir pero ewan. hindi na lang. masyado na silang maraming na-practice. si paolo maceren, naalala daw ako kasi magaling akong mag-pellet gun nung pisay fair. XD pero mga 1/4 pa ng batch ang hindi natapos. aww. matapos ang activity, lunch na. kumain lang ako ng butter coconut biscuits. ung isang malaking pack. hehe. un na ang lunch ko. hindi ako binaunan eh. tapos, binigay ko na sa mga nararapat na tao ang mga palanca. ung binigay ko na nga ung  mga palanca ng grav, sabi sa akin ni patrice, kami lang talaga ung batch na hindi nanalo sa pro [phil. robotics olympiad]. nakakahiya. waah. eniweiz, nung nagdatingan na ang mga tao, pumila na sa front lob by sections [sobrang sikip!] at nag-board ng bus. magkabus ang electron at tau. seatmate ko si franel for the nth time. hehe. pagdating sa angels' hills, as usual, orientation, tapos merienda ng buko tart :d, ska pag-aayos ng gamit sa rooms. dahil hindi sumama si tin at 2nd day pa darating si patti, kaming dalawa lang muna ni jill ung nandun sa room 9b. [pero palaging bumibisita si guia :) ] kapitbahay namin sina dianne, rej, at baj. tapos, dinner at activity. dito yata kami kumanta-kanta at nagsayawan. sobrang kulit! wahaha. 

i've got peace like a river, i've got peace like a river. i've got peace like a river in my soul, hallelujah!
i've got peace like a river, i've got peace like a river. i've got peace like a river in my soul...

hehe. kadalasan, partner ko si prince. :P tapos, tulog na. kama ko ung pinakamalayo sa balcony, katabi ng wall. sooo...iniwan namin ni jill na bukas ung pinto ng balcony para pumasok ang hangin saka para makapasok cya galing dun [pumupunta pa kasi cya nun sa room nina guia]. pagbalik niya, hindi na sinara ung pinto. napakahimbing ng tulog niya. ako naman, light lang. madaling magising...

jan 10. sooo...madaling-araw. katok nang katok si maam sabanal. cyempre ako ung nagising. tapos un. kinausap ako. sobrang siniguro niya kung walang ibang taong nakapasok sa room namin. bukas nga kasi ung pinto sa balcony. pinacheck pa sa akin ung mga ila-ilalim ng kama. tapos pinasara na sa akin ung pinto at bumalik na ako sa pagtulog. maya-maya, may kumatok ulit. parents naman. pina-check kung kumpleto kami sa room. naisip ko tuloy, hindi na yata ako papatulugin nito... tapos, nung nalamang dalawa lang talaga kami ni jill dun, natulog na ulit ako. the next day, alam ko, hindi ako nakapunta sa mass. basta. breakfast. session. break. session~uncertainty. alam ko ito ung fun session. hehe. per class cya. may "blinded by money" [ung ish-shoot ung coins na nakatakip sa mata sa balde], marshmallow dipped in mustard na ish-shoot sa bibig ng partner, q&a ng kapatid ni jer ["what a shame!" XD ], pagkasyahin sa view ng camera, arrange yourselves by __, lasug-lasog na saging sa station ni sir kent, junk art, at ung obstacle course ni sir vlad. ansaya talaga. tapos, lunch ska group session tapos, confession. [nakakatawa nung confession kasi naligaw pa ako. di ko agad nakita si fr.mon. :P ] naiyak ba ako nun? ewan. haaay. pagbalik sa activity hall, may talk na dun. tapos andun na rin si patti. yay! tatlo na kami sa room! dinner tapos cram ng mga palanca tapos balik sa activity hall at sinabing may "surprise" daw pagbalik namin sa mga kwarto namin. may activity pa ng pagbibigay ng mga candy. nakatanggap ako ng 2 mentos [thanks for being cool], 1 potchi [pusong-mamon], 1 judge [you blow me away], at tinambakan na ako ng choco stick [lima yata un, i want to get to know you better. aww.]. walang nagbigay sa akin ng jellyace [sorry]. mabait naman kasi ang mga tao sa akin. :P may sooooobrang mahabang picture-taking pa pala. hehe. halos lahat ng klase from 1st to 4th year. grabe. riot. ang vain ng batch namin. tapos pahabol pa ung mga elective. nyahaha. binigay ko na ung mga pahabol na palanca/hindi nabigay sa presidents. as expected, andun ung envelope w/ palancas namin. matapos mag-midnight snack, nagbasa na kami ng mga palanca. cyempre, inuna ko ung mga hindi ko sigurado kung kanino galing. sa outer appearance pa lang kasi, madali nang malaman kung kanino galing. may mga sobrang expected [ung mga nagpagawa talaga ako at mga alam ko lang na magbibigay sa akin] at sobrang unexpected [tulad ni john f.] na gumawa ng palanca para sa akin. cyempre last kong binasa ung galing sa parents. grabe. naiyak ako. as in. dun na lang ako nagpaka-emotional sa cr. tapos, natulog na ako habang nakikinig sa mga kanta sa aking cellphone... mahimbing na ang tulog ko nung gabing yun.

jan 11. last day na ng retreat. breakfast tapos handa na para sa mass. ayun. mass, tapos kinuha namin ni patti ung pina-reserve naming buko tarts at bumili ng iba pang pasalubong. tapos, batch picture taking, ayos ng gamit, lunch, checkout, at umalis na kami. 

matapos ang retreat, inaalala ko ang lahat ng mga kasalanang nagagawa ko. ayy. banal. O:)


6:07 AM

Tuesday, February 17, 2009

wanna nosebleed?


hehe. wala lang. trip ko lang ipost ang discussion namin para sa bio presentation on ecology & evolution XD asa namang may magbabasa nitong buo unless sobrang wala cyang magawa. mwahahaha. baka magamit din sa pagrereview just in case. :P

frances: ano na ba nagawa? hehe.
belsha: ano nga ba~
belsha: invite niyo si nyon XD
neil: "research"
frances: ol na ba un?
belsha: yeh
belsha: invi lang~
frances: Ÿ How are DNA probes and PCR technology used for monitoring microorganisms in the environment (i.e. water quality tests)?

Ÿ How is DNA technology used to break the cycle of disease in nature (i.e. intervention in the life cycle of parasites)?

Ÿ What are applications of DNA technology in taxonomic classification? How is it used to establish that a particular organism is, for example, a separate or a new species?

Ÿ How is DNA technology used in the field of molecular paleontology? What is the value of recovering DNA from fossilized specimens?

Ÿ How was DNA technology used to trace the movements of the human population from its African birthplace?

Ÿ What issues attend the cloning of extinct animals?
neon has joined the conference.

neon: hello guys
frances: ano na'ng nagawa?
neon: hmmmm, medyo ok ok naman
neon: papasalitain kita ces ha
neon: you shall explain
belsha: niggah ka tlga nyon XDDD gawain mo a XDD
frances: sure. grade naman un eh. [gc gc gc gc gc]
belsha: yay 8D so so~ ano na ngang nagawa? at kailangan pang gawin?
neon: hmmmm, bigay pa kayo ng mga namomonitor na microorganisms besides water tests?
belsha: biological warfare agents @@
neon: ???
neon: explain
belsha: http://www.spectrum.ieee.org/print/1534 <-- ewan ko lang kung yan yun~ yung part na "DNA detection-on-a-chip"
neon: wait, microorganisms belsha
neon: hindi chemicals
belsha: ah joke XD
neon: joke lang
neon: may bacteria
neon: at virus
neon:
neon: sorry
neon: di ko nkita
belsha: lol XD
neon: ano nga ulit ito
neon: yung DNA tech to break cycle of disease?
neon: belsha
neon: may nahanap ka ba tungkol dito
neon: ces?
neon: paano ko kaya masisimulan ito
belsha: diba may nahanap ka na kahapon @@
frances: ung mga bacteria nag-eextract ng heavy metals --- cleaning up toxic mining wastes
frances: wait lang...*research research pa*
neon: i forgot the link.
belsha: lol
neon: ok ok
belsha: http://www.bio-medicine.org/medicine-news-1/Researchers-block-transmission-of-malaria-in-animal-tests-21379-1/
neil: hello. naDC
neon: hmmmm, example intervention in the life cycle of parasites
neil: anu n nanyayari?
neon: bsta tungkol sa malaria yun
belsha: ^ yun na yung khpon XD
neon: tama
neon:
neil: anu n nangyayaro?
neil: *nangyayari?
frances: question 2 na.
neon: ano ulit yung knock out system?
neon: neil, pagpatuloy mo lang yung pinapagawa ko sa iyo sa evolution
neil: anu nga b? ung problems bla bla?
belsha: ung may tatanggalin kang isang gene( gene nga ba?) para may mawalang trait
neon: paano nga ulit yun
neil: here is no adequate explanation for the origin of life from dead chemicals. Even the simplest life form is tremendously complex.
neil: problem ng evolution
neon: sang tanong yun
neil: ung problem ng evolution?
neil: ganyan bng problem hanap mu?o_O
neon: err,msydong mabigat yung words
neon:
neon: nga pala
neon: sa ecology part
neon: may 4 parts yun
neon: Gene probe technology
neon: PCR technology
neon: Gene Knock-out technology
neon: at Gene Taxonomic Comparison, something something
neon: ewan
neon: walang name yata yun
neon: pakiresearch nga, kung may name ang technology behind taxonomic classification
belsha: --> http://www.lexgen.com/discovery/technology/gene-knockout/gene-knockout-technologies.html yung knock-out @@
belsha: un b ung bar coding n cnasabi niyo knina?
neon: ah
neon: tama
neon: Gene barcoding
neon: thanks
neon:
neon: pahanap naman ng animation or pictures or procedure ng knock out tech oh
belsha: zzz
neon: yung link, may isa na dun. kung may animation
neon: yehey
neon: neil
neon: ces
belsha: ano n nangyari friends?
belsha: wth bkt may "zzz" ako diyan O_o
frances: ito ba ung bold? >> http://www.barcodinglife.org/views/login.php
neon: yep
neon: wait
neon: may log in??
neon:
neon: bsta barcode of life
neon: tanong!!
neon: saan ang taxonomic classification? evolution yun or ecology?
neon:
frances: evolution...
neon: ok
neon: belsha, isa pa ngang example ng disease in nature?
neon: na sinasagot ng Knock out technology?
belsha: http://www.medindia.net/News/Gene-Knock-Out-Technology-Knocks-Out-Malaria-Parasite-Channel-37831-2.htm <-- malaria http://www.businesswire.com/portal/site/google/index.jsp?ndmViewId=news_view&newsId=20061231005002&newsLang=en <-- prion-free daw yung cows, resistant sa mad cow disease
frances: barcode of life
- accepts DNA sequences in fasta format & returns taxonomic assignment [if possible, upto species level]
- fasta: text representing either nucleic acid sequences/peptide sequences [nasa wikipedia. pero super complicated. wag na lang/konti lang idiscuss sa assignment ng letters]
- example: if you entered

>seq1
ASTPGHTIIYEAVCLHNDRTTIP
>seq2 optional comment
ASQKRPSQRHGSKYLATASTMDHARHGFLPRHRDTGILDSIGRFFGGDRGAPK
NMYKDSHHPARTAHYGSLPQKSHGRTQDENPVVHFFKNIVTPRTPPPSQGKGR
KSAHKGFKGVDAQGTLSKIFKLGGRDSRSGSPMARRELVISLIVES

may makikitang results...probable species...
frances: tapos regarding cloning of extinct animals...
frances: in Jurassic Park, dinosaurs brought back to life by combining genetic mat'l of extinct animals & amphibians

Tasmanian tiger/Thylacines - viable DNA successfully extracted by Australian Museum geneticists but more copies needed

but as of now, implanted genetically-modified eggs, when fertilized, do not result to a successful offspring [offspring die from illness shortly after birth]
belsha: ano yung optional comment dun sa seq2?
frances: edi pwedeng tanggalin. hehe.
belsha: lol XDD oo nga naman XD
neon: guys,kaya niyo pang magtagal? kasi, para masend ko sa inyo at maexplain natin ng lahat. wala lang. nasa barcode pa lang ako. shyet, ambagal ko. sorry
belsha: sure @@
frances: ok lang.
neon: thanks.
neil: neon. nakuha mu b ung in-im q n issues?
neon: yes
neon: waah, hindi ako makahanap ng animation/method for gene knock out. . .
frances: http://learn.genetics.utah.edu/content/tech/cloning/whyclone/ --> look at #2 & right side...cloning endangered species...
belsha: *segway* bebs~ pde pa print ng english natin? pls 8D
belsha: ano.. ano pa bang hahanapin?
neon: ei, kung matutulog na kayo, sabihin niyo na sa akin ha. baka magtagal pa ito eh. . .
neil: No, thank you.
Yahoo! Messenger: neil has declined to join.
neil has joined the conference.

neil: naDC
neil: @@
belsha: wb~~
neon: waaah
neon: kunti na lang
neon:
neon: i hope
belsha: ano pa ba?
belsha: go go go keribels 8D
neon: kaya niyo bang lahat ng pptx?
belsha: yeh
belsha: i think
frances: di ko sure...
neon: uhm, microsoft 2007
neon: este
neon: microsoft ppt 2007
neon: nga pala, paano pala ito? how is it used to establish that a particular organism is a separate or a new specie?
belsha: anong "it" ?
neil: pag different ung mitochondrial DNA sequence nung species n un s ibang species
neil: ganun ata un
neil: @@
neon: ah, tama. yung mitochondria
neon: hmmm
neon: next question
neon: ano yung DNA tech used in the field of molecular paleontology again?
neil: PCR
neil: teka. check q ulet
frances: basta ineextract ung DNA galing sa fossilized organisms...so PCR nga cguro
frances: pero karamihan ng DNA, nade-degrade na kaya medyo useless na rin ung mga galing daw sa dinosaurs...
frances: o kaya masyadong konti ang supply...
frances: kaya sa endangered species na lang ginagawa para medyo bago pa ung DNA na ma-extract...
neon: at ano naman dun sa human population from africa
neon: anong dna tech
neil: y chromosome testing
belsha: ndi ba yung mga mito-mitochondria pti Y-chromosome din tapos ung mga markers?
neon: owkhie
neil: Mitochondrial DNA testing
neil: un ung tests n gnamit pra matrace ung ancestry
neil: ung sa y chromosome testing. pde lng xa pag puro lalake
neil: like. son-father-grandfather-great grand father
neil: un ang alam ko
belsha: ui bebs ung s mitochondria ano ba nagmumutate din?
neil: ewan. @@
belsha: kk~
neil: nakakaantok. @@
neon: sorry
neon: sorry
belsha: *sampal* kunwari na lang nagising ka XD
neon: kung hindi niyo na kaya
neon: tulog na kayo
neon: sorry kung matagal
neil: isang group tayo. sama-sama magpuyat.
neon: hahaha
neon: nga pala, nakuha niyo ba yung pinadala ko sa email?
belsha: yeh
neil: yeh
belsha: ang comedy may forum ba XDD
frances: oo
neon: hahaha
neon: ok
neon: wait lang
neon: talaga
neon: ang BLAST ba para sa taxonomic classification?
neil: pang check un ng DNA sequence dba
neon: yes
neil: feeling q hndi rn.
neon: kasi
neil: cguro qng sa mga higher level pde
neon: ang alam ko
neil: pero qng species level hndi pde
neon: bago muna maclassify
neon: ichcheck yung sequence
neon: tapos kung gaano ka different
neon: from the previous organism
neon: dun lang madedetermine kung bago ba or hindi
neil: pde cguro
neon: anong magandang visuals sa paleontology?
neil: fossils
neil: bkt prang pangmedicine and health ung category nung gene knock-out technology. @@
neil: or ako lng may tingin nun.
belsha: hmmm tama XDDD
neon: hmmm, hindi ko alam paano maintegrate kasi eh
belsha: ndi pero ang gamit nya kasi sa atin ung dun s may malaria
neon: paano nga ba ang ecology dyan
belsha: ung life cycle nga ng ano nagugulo
belsha: kaka-oL nga pla ni magno @@
neon: kagrupo ba natin si magno?
neil: oo
neil:
belsha: yeh~ XD
neon: ngek
belsha: best answer e XD
neon: pagawan niyo ng something yun
belsha: kya nga O_o
frances: cno pa ba kagroup natin?
belsha: c labs
belsha: ang alam ko siya na dun s ice breaker chever @@
belsha: nyway~~
neon: hmmm,may nagawa na raw si quilab ng QA at icebreaker
neon: pero
neon: waaah
neon: baka around 30+ slides ito
neon: sana maabot natin 30mins time
neil: pagnawala aq. naDC aq nun. @@
belsha: halata naman e XDD kanina pa yang net niyo XD
neon: hahaha
frances: onga. nakakailang invites na ba ako.
neil: marami-rami n.
neil: at bka marami pa
belsha: XDDD
frances: anubayan. wala na naman si kenneth...
belsha: onga noh ano pa lang gagawin niya? ._.
neil: xa n rw matutulog pra sa atin.
neil: jowk
belsha: lol XDDDD
frances: hala. matutulog lang cya for more than 1 day. XD
belsha: XDD
neon: hahaha
neon:
neon: ang sama niyo
neon:
neon: waaah
neon: paano ko sisimulan yung African thing?
neon:
frances: galing sa anong topic?
neon: molecular paleontology
neon: paexplain nga yung mitochondrial at Ychromosome markesr
neon: markers
neil: naiinherit nung daughter ung mtDNA sequence nung mother
neon: si mitochondrial eve?
belsha: kasi diba ang namamana mo yung mitochondrial (kung XX) at Y (kung XY) e ndi naman nagbabago yun unless magka mutation ka~ ung mga mutation n un.. un ung markers tpos prang tetrace nila kung saang marker nanggaling .... yun yung intindi ko anyway @@
neil: huh? anu un?o_O
neil: d q lam ung mitochondrial eve
neil: search q
belsha: siya ang ina ng sangkatauhan @@ (in terms of mitochondrial) XD
neil: ahh.
belsha: ndi nga~ basta ung mitochondrial sa kanya na trace XDD
neon: so mutations ang trinace?
belsha: yeh i think

ayoko nang ituloy. baka bumabaha na sa kaka-nosebleed mo [eep!]


7:10 PM