(yep. wala pang part 1. december 2009 yun. next time ko na lang ib-blog. xp )
jan 1. yey! happy new year! cyempre maraming fireworks. yey. naglaro kami nina ate oan, ate kitel, liz, at maricris ng monkey in the middle sa gitna ng laat ng putukan. hehe. sooobrang mausok sa labas noon kaya naka-face mask pa kami ni liz. maraming basyong kwitis. ginawan namin ng "HAPPY NEW YEAR!" ang kalsada. pagbalik sa loob ng bahay, sobrang sinisipon na ako. pero cyempre, nagpakavain muna kami nina ate oan at liz bago matulog. yey. nung jan 1 na talaga ['di na madaling-araw], nagcelebrate kami ng new year sa palawan. cyempre, maraming pagkain. at onga pala. nung nagsimba kami, unang simba sa bagong taon, andrama ko sa simbahan. naiyak ako habang nagmimisa. dinahilan ko ang sipon pero may hinanakit lang talaga ako nun. i felt so alone...alone...alone... mmp. emo. simulang-simula ng taon, emo na. tsk tsk tsk.
jan 5. back to school. hmpf. back to reality. (2nd sem pa rin...)
jan 6. pulmo lab ang nstp namin. nag-interview muna kami nina allie, manzo at sarah ng isang pasyente...kung ano ang sakit niya at kung sinong presidente ang iboboto niya. hehe. tapos, pumunta na kami sa opd...kay maam lena. nagdemo cye ng PFT at ABG. at pag wala nang pasyente, nagkukuwento lang siya tungkol sa buhay niya, lovelife niya at ng anak niya.
jan 11. nantorture na naman kami ng palaka. dahil kailangan naming malaman kung saang stimulus nagrerespond ang froggies. ung iba, tinanggalan ng cerebrum [decerebrated. ginupit ang upper jaw hanggang sa mata. oww], may napartial pith at may completely pithed. tapos kinuryente, inikut-ikot, tinusok, pinahiran ng kunganu-anong chemicals. poor poor froggies. kung pwede lang sanang ibalik ang parte ng ulo niyong tinanggal para hindi na kayo tumatalun-talong decerebrated froggies.
jan 12. frog dissection day. magkapair kami ni jasper. hati kami sa frog. may point-point muna ng parts. tapos dun ung pagbabalat - lalo na ung sa kamay at legs. "parang naghuhubad lang ng medyas". :)) pagkatapos balatan ung frog, ilulublob na cya sa garapong may formalin. pero dahil napakagaling kong bata, napakaliit ng dinala kong jar. sobrang pinagsiksikan namin ung palaka sa garapon. at buhay pa cya nun. nakalabas ang lahat ng muscles. aww.
jan 13. pulmo pa rin kami sa nstp. pero, kami naman mismo ang nag-PFT sa mga pasyente. maraming pagkakamali. pero...ganun talaga. 1st time pa lang naman eh. basta dun experience naman yun. blow blow blow blow blow! :)) at kasalanan ko ang pagkakacancel ng data gathering. sori. never na akong magc-click ng kunganuman sa computer kapag di ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nung iki-click ko. :|
jan 14. practest day namin sa pe. hmm...ito yata ung chacha. random ang pagpili ng partner. kami ni terence ang magkapartner. hmm...feeling ko ang weird ng itsura namin...may papel, kung saan isinulat ung steps, na nakatape sa chest. bwahahaha. oh well. ok na yun kaysa sa magmemoriza pa kami ng steps na may pagka-impromptu. :p
jan 16. debut ni elayne! dyosa ang theme. wehehe. hmm...medyo nagpractice yata kaming mga cherubs nung umaga."the show". nakakatawa nga kasi sina maki, paulo at aiken, napapakanta paminsan-minsan ng "i'm just a little GIRL" tapos ambababa ng boses nila. :)) so, gabi ung debut, sa bahay ulit ng mga tito at tita nila kung saan nagdebut din dati si ate rasziel. pinakamemorable talaga ung costume ni aiken! palagtas! kumot at may dahon sa ulo. :)) tapos, 'di na natuloy ang pagkanta namin ng "the show" kasi un din pala ung kakantahin ni ate rasziel. ibang kanta na lang. nakalimutan ko na kung ano. pagpasensytahan. ilang buwan na ba ang nakalipas? basta 'di ko rin naman memoryado ung lyrics eh. napakaraming pagkain dun. panalo talaga kasi may sushi, fishballs, kwek kwek, at napakarami pang iba. dun dun night kung kailan nagkita-kita ulit kami ng mga cherub friends. yay!
jan 21. nanood ng avatar 3D ang medchoir sa imax. whee! sosyal lang ah. imax ang 1st ever theater kung saan ako nakapanood ng 3D na sine! :D
jan 23. braces no more! babalikan na lang ang retainers sa jan 30 tapos 'di ko na kailangang magpabalik-balik sa mandaluyong para magpaadjust ng braces. :D
jan 25. dahil may quartet exam dapat na hindi naman natuloy, nagpractice ang imedchoir kina sed. hehe.
jan 26. nagsimula na yata ang discussion ng human evolution sa socsci. pagkatapos ng isang 1.5 hour meeting, napunta pa lang kami sa coacervates. rocks that gave rise to bigger rocks and bigger rocks gave rise to bigger bigger rocks, and so on. nagcut kaming imedchoir n "math" na sa araw na yun, panonood lang ng salco, movie kung saan ang mga umarte ay mga profs ng dpsm, parapumunta sa medchoir gig sa diamond hotel. 1st national awards for good governance in medicine un. tralala. hindi kami sa diamond hotel nagdinner. pumunta kami sa brothers burger at dun na nga nagdinner, at cyempre, jamming! at pag-uwi sa bahay, nangarir ako sa paggawa ng genogram na 'di pa naman pala due.
jan 27. make health count. presidential forum yun. sa araw na ito, si gibo ang bumisita. kumanta ang medchoir, tapos, dahil nga nagcram ako ng genogram at sobrang nagkulang sa tulog, halos tinulugan ko lang ang forum. magaling na bata. ang masasabi ko lang, matangkad si gibo, at marami cyang freebies [baller ids, calendars, bleh] at fans.
feb 1-5. fx badluck week. 3 beses ako nag-fx papuntang up. at ang bawat fx na ito, nahuli ng pulis sa kalsada kasi nagsasakay ng pasahero sa maling lugar. tsk. pag minamalas ka nga naman.
feb 1. ayun. 6:30 na nga ako nagising at 7 am ang klase at kapag nalate sa hum, wala nang 1 step up sa grade. nahuli pa ang sinakyan kong fx! come on! pero buti naman 'di ako na-late. sobrang whew!
feb 3. sa ward 1 ang nstp. sobrang boring. gumupit lang kami ng mga papel-papel gamit ang paper cutter na mapurol na ang blades, nagstaple ng mga papel na ito, magbabaraha sana pero pinagbawalan ng nurses kaya natulog na lang. sooobrang boring sa ward 1. nung ipc naman, nagcard tricks si sir jun. nakakatuwa. nakakaaliw. hehe. pwede nang pang-sideline. xp
feb 4. practest na naman sa pe. pero tango na yata ito. by group. magkakagrou pkami nina vince, patti, at bea. ako ang lalaki. hehe. ok naman ang performance namin. 1.75 or 1.5 yata. may coincidental color assignments pa kami. green polo si vince at black dress ang partner niyang si bea, green dress ako at black dress si patti. yey. :))
feb 6. may chemlab depex nung umaga. 8.10. take note! saturday ito. >< sa RH roofdeck kami nag-exam at pinagalitan pa ng proctor kaming mga imed dahil ambagal daw naming kumilos. halos 'di na niya kami binigyan ng questionnaires! kailangan maagang matapos ang depex para makahabol sa medchoir gig sa sofitel pagkatapos. nakadress na nga ako habang nag-eexam. 'di lang halata dhil dinisguise ko pa bilang maarteng blouse. muhahaha! maaga ko ngang natapos ung exam. 'di naman ganun kahirap eh. hinintay ko na lang si jasper na magpasa. nagreview muna ako ng konti at nagpasa na rin. at napakataas ng nakuha kong score! namamangha lang ako sa sarili ko. pagpasensiyahan. minsan lang maging imba. nagtaxi kami papuntang sofitel. nagbihis, at nag-grand entrance pa kami para makakanta ng isang dugo. heehee. ayos! pagkataios kumanta ng isang kantang naabutan namin, kumain na kami ng masarap na snacks ng sofitel at naglibut-libot at picture-picture sa pool at playground. XD
feb 10. boring pa rin sa ward 1. gumupit-gupit na naman kami at nagstaple. pero carbon paper naman. napakaitim na nga ng mga kamay namin pagkatapos ng nstp. >< kung pwede lang sanang magpusoydos pag bored kami. haay.
feb 11. medchoir goes to tahilan! hehe. may bday party kasi dun. nakapasok ang guys sa tahilan! woah. cyempre may miniconcert kami dun. marami nang fans si kuya jesh. hehe. kumain na rin kami ng masarap na icecream cake pero medyo nakakasawa rin. tapos hinatid ako nina kuya bean, jasper, at ate angel pauwi sa condo. hehe. naglakad lang kami at nagkandaligaw-ligaw. sori 'di ko memoryado ang daan. xp
feb 13. eto na naman. saturday na maraming gawain. may exam sa chemlec nung umaga. tapos, dahil required ang block 13 na manood at gumawa ng paper tungkol sa certain plays, nanood ung iba sa amin ng brs. b sa bantayog ng mga bayani nung hapon. nakapagpa-autograph ako kasi real-life mrs.b. hehe. basta ung play ay monologue ng "mrs.b" na actress tungkol sa forced disappearances. nakaka-suture [naks hum] pero 'di naman ako umiyak. tapos, dahil bantayog ng mga bayani lang naman yun, dumiretso kami sa pisay dahil fair nun. takas papasok dahil wala kaming ticket. hehe. tapos un. may banda lang namang nagpeperform sa may grandstand. wala masyadong tao sa fair grounds bukod sa nakikinig sa pisay band. marami ang andun sa front lob sa arcade booth. nagkita-kita pa kami nina gee-ann at ate niya, at nung ibang mga teachers. binisita rin namin ang nasunog na faculty room kahit sabi, "no entry". :p nagkita pa kami ni paolo cherubs. akala ko kung sinong mama. :)) tapos, pumunta naman kami sa up eng'g theater para manood ng titser's act at hello phils. grabe. sobrang nakakatawa. ginawa talaga para makarelate ang normal up students sa pinakarecent social issues. up fair pa sana nung gabi kaso nakakatamad na kaya umuwi na lang ako sa bahay.
feb 16. cherubs concert kaso 'di ako nakapanood dahil may may klase kami. aww. may scholar's convocation sa science hall. US ako. yey. at kumanta ang medchoir. nung gabi, may cultural show sa class 72 theatre. nag-sitsiritsit naman ang medchoir. nagperform din yata si sir esguerra and friends. hehe. ang galing galing! pagkatapos pa ng cultural show na may free finner at libro, nanood pa kami ng futsal game. panalo! yey! go imed!
hab 17. sa cathlab, tinuruan kaming gumawa ng gauza balls o cherry balls [akala ko talaga nung una, jerry balls yun. nakapagtataka diba? hehe]/ saobrang dami naming ginawa. nakaform na kami ng pangalan namin sa table. XD aaaat dahil 'di ko alam na may ipc pa pala, nagcut ako nang 'di nalalaman. delingkwenteng bata. pero nagcut ako para magsimba. ash wednesday kasi nun. at nag-alala akong baka 'di pa ako makapunta sa misa para makapagpalagay ng abo sa noo. pumunta ako sa pgh chapel para magsimba at diretso na sa rh para manood ng "ang tatay kong nanay", movie para sa hum.
feb 18. hahabol pa sana kami nina gee-ann, amag, jasper, at inah sa picc para sa pafp convention. naka-costume na kami't lahat kaso pagdating namin sa hall, kumakanta na ang medchoir. late na kami ng dating. aww. umupo na lang kami sa gitna ng isle at nanood sa pagkanta nila. pero nakaabot naman kami sa picture-taking at kainan. hehe. aaaat...nakabalik pa kami sa up on time para makapag-pe (nagcut na ng chem. tsk tsk)
feb 19. dahil nanalo ang ang imed team sa futsal, nanlibre sila sa NY brooklyn. yey.
feb 21. im grad sa science hall. gumraduate sina kuya mark s. at ate mar. kumanta ang medchoir at nagdinner sa chef d'angelo.
feb 23. may natutunan ako sa socsci. amphibians are reptiles. XD
feb 24. pinagscrubs kami sa cathlab pero hindi naman kami nakapanood ng angioplasty. nag-ayos na lang kami ng dose-dosenang drawers na puno ng mga cds dor hrs x_x scholar'a convoc ulit pero sa dent audi naman. na-special mention ako kasi hindi ako nasama nung tinawag ung mga US. sinabay ako sa mga CS. tapos, nagpractice kami para sa mediscene sa imed house. habang nagp-practice ang iba, kumanta-kanta lang kaming imedchoir sa kwarto ni madi.
feb 25. may miniplay kami sa hum. macarthur ni bob ong. at ako'y isang mataray na ate. ohoho. "ano ba'ng problema mo?!" ayan ang signature line ko. sabay sampal. xp cool din ung mga play ng ibang groups. panalo talaga ang pagdadrama ni patti at ang pagdodoble-lara ni billy. :)) sa comm naman, talakayang munting grupo. pagbubuwis sa text ang topic namin. at ako yung parang coordinator. mababa yata ung nakuha naming grade. tulad ng inaasahan ko. nung hapon, imedchoir practice pa rin sa bahay nina sed habang nagm-mediscene practice ung iba. dahil may mga bigla na lang namangha sa pag-arte ko sa hum, bigla akong nagkaroon ng role sa mediscene. hi, i'm fishbone girl. :)) "tay tay. (takbo kay tatay jasper) natinik ko pako (ubo ubo)" saging bleh. "opo 'tay (exit stage)". yun lang ang role ko. ohoho. onga pala. nagrounds kami sa pedia ward. medyo nakipag-usap sa mga bata at parents at nagbigay ng mga pagkain kahit 'di ko alam kung may okasyon noon o wala. pero 'di nga naman kailangang may okasyon para maging isang mapagbigay na tao diba? :) nagpractice naman ng mediscene ang 2016 sa class 72 theater. habang nagp-practice sila, nagc-cram ako ng i sing, you sing ticket design. dito na pala biglang nagsimula ang fate ko sa pagiging pubcom head. haaay.
feb 26. mediscene day na. excused kami sa karamihan, kung hindi sa lahat, ng mga klase. cram na talaga ng lahat ng props. bakod, baril, pati manok! tapos biglang ako na pala talaga si fishbone girl! i'm not ready!! x_x eh wala nga akong costume kaya tinupi ko na lang ang pantalon ko at nag-one-sided mataas na pigtail...ung parang hairstyle ko araw-araw nung elem. XD anyway, balik na. matapos ang pagcram ng props, dinala na nila sa theater. picture-picture sa buntis na patti at npa na mj, at marami pang iba. medyo disastrous ang kanta ng medchoir nun kasi hindi kami (2016) sanay na kasamang kumanta ang 2014. anyway, maganda naman ung play namin. "family planning sa baryo" yata ung title. ang galing nina jenn, billy at allie. Jesus is God and Savior as Well (JIGSAW)! ang 2014 naman, career. sobrang career. 2013, anjoketime ni ate kitel. XD
mar 1-2. 4:10 am na ako nakatulog. peste. biolab lt, math probset at may disastrous socsci quiz pa. ><
mar 3. sa gic and nstp namin. ilang oras ng pagtitg sa monitor kung saan pinakita ang mga linings ng esophagus, stomach, at intestines. nakakasawa. endoscopy. ulcer dito, ulcer doon. nahilo pa ako sa kakatitig sa monitor. kung saan-saang pasikut-sikot kasi ang dinaanan ng endoscope. nung gabi, nagpaprint ako ng tickets. 40 pcs po nito. ito 35 pcs. mga ganun. tapos, nung naprint na (at ginastusan ko talaga ng libu-libo ang pagpapaprint), sabi ko, paputol po sa gitna. 3R kasi yun. dlawang longitudinal tickets sa isang 3R. hahatiin sa gtna. sabi sa akin doon, "seryoso ka?!" hehe. sori mga ate at kuya kameraworld. at yun. nag-paper cutter lang sila nang tuluy-tuloy habang inuubos ko ang value meal ko sa mcdo at natapos na naman sila pagbalik ko. heehee.
mar 5. pumunta ang imed sa national museum para sa biolab. nakita namin ang mga alibangbang, salaguinto, at salagubang. 'di ko pa rin alam kung ano ung sitsiritsit. hehe. nakita namin kung paano ip-preserve ung specimens para mailagay sa display. may mga ahas din nga pala, at mga palaka at corals. napakalaki ng national museum. nagkandaligaw-ligaw pa kami sa dami ng pasikut-sikot. parang napunta na kami sa pelikulang "night at the museum" :p at yun. dahil naligaw kami, nauna nang bumalik sa up ung ibang groups. at dahil bibbo kids ang iba sa amin, particularyly ako, at sina inah, jenn, at manzo, naglakad kami mula sa finance road papuntang kalaw, naglunch sa mcdo, naglakad pa papuntang faura, tapos paedro gil at imed house. mga lagpas tatlong lrt stations lang naman ang haba ng nilakad namin diba? xp nakalimutan kong banggitin. bago nga pala pumunta sa national museum, bumoto muna kami sa CM ng usc at msc. computerized ang eleksyon. wala lang. :p
to be continued. XD